6 months, 3 weeks ago by komski Hapon ng Sabado, walang pasok. Sobrang init kayat natulog na lang ako sa kwarto dahil nakapanlalata ang init ng panahon. Halos tatlong oras din akong natulog, grabe, paggising ko’y basa na ang suot kong sando dahil hindi kinaya ng bentilador ang init. Ok na sana kung ganun lang, pero ang masaklap, gutom na ako.
Masyado pang maaga para sa hapunan, wala pang nagluluto. Ubos na rin naman ang tinanghalian kaya ala talagang makain. Lalo akong nanlata. Binuksan ko na lang ang PC at naupo. Habang hinihintay ko ang pagboot ng computer ay narinig kong bumukas ang pinto sa may kusina, at nakita kong parating ang nanay ko, at bigla akong napangiti ng todo:)
May dala-dala siyang footlong, binili sa tindahan:D
Grabe, hindi ako nakapagsalita sa tuwa, nangiti na lang talaga ako ng sobra. As in, sakto kasi. Nag-give up na kasi ako nung una, dahil wala talaga, at para bang sundalong natatalo sa giyera at bigla na lang darating ang saklolo, ala Return of the King. Sobrang nagalak ang puso ko.
Yehey!
Natawa ang nanay ko dahil nakita niya kung paanong biglang sumaya ang aking lugmok na mukha.
O hayan, di ba ang swerte-swerte mo na ako nanay mo ano?
Hehehe, oo grabe. Sakto pa naman na nagugutom na ako.
Nagkatawanan pa kaming mag-ina, at pagkatapos ay sinimulan ko nang kainin ang binigay niya. Bumalik naman kaagad siya sa may likod bahay, sa tabasan, upang manahi. Grabe, ang saya talaga.
Napag-usapan pa nga namin ang tungkol dito kinagabihan, dahil natuwa talaga ako, pero yun pala, mas natuwa ang nanay ko sa akin, dahil nung pagkabigay niya sa akin nung pagkain ay napag-usapan nila ng tatay ko sa may likod-bahay na,
Tuwang-tuwang tuwa anak mo sa akin. Binili ko kasi ng pagkain. E hindi niya alam, pera niya yung pinambili ko, pati na rin dun para sa ulam natin mamaya. Kinuha ko sa bag niya. Hehehe:)
Ayan, basahin mo na ulit yung title ng post na ito.
Naiwan ko sa bahay yung litrato na dapat ipopost ko kaya eto na lang muna, palitan ko na lang mamaya. nanay ko rin naman yan e, hehehe:D
Pinost ko nga rin pala ang aking malungkot entry, yung una kong naisip pero hindi ko naipost dahil naging mailap ang mga Kim Chiu bus nung isang linggo, hehehe. Ayun, nakuhanan ko na rin siya ng litrato.
o di ba? swerte ka nga sa nanay mo na maabilidad! kung hindi dahil sa kanya, ang pera mo ay mananatiling pera at hindi hotdog! hehehe
maligayang araw ng mga nanay sa ermats mo :)
ang galing talaga ng mga ina!
magandang huwebes sa’yo!
nung binabasa ko yung mga unang paragraph, sabi ko ang sweet naman ni mother, nakaalala pa siya.
pero yun pala, nakow! :)) mga nanay talaga o.
Masaya ang entry mo. Ganyan talaga kung minsan ang mga nanay, wa-is :D
Maagang pagbati sa iyong ina para sa kanyang espesyal na araw :)
ang cute ng ina mo… kaines :))
kinalakihan na namin na ang nanay ko talaga ang taga rescue ko pag wala ng pagkain sa ref.may lulutuon namankaya lang talagang tamad ako magluto. Kung wala ang nanayko baka malnourish na ako haha.
Maagang pagbati ng Araw ng mga ina sa iyong ina.
hay naku talaga! :) he he
gandang lp!
Di bale, Komski, kahit pera mo pa ang pinambili ng pagkain, it’s the thought that counts pa rin naman, di ba? Hehehe!
Aliw ako sa kwento mo. Advanced mother’s day din sa maabilidad mong nanay! :)
antalino ni nanay. :) may pinagmanahan ka.. hehehe. ^_^
tama, its the thought that counts naman eh. :D sya pa rin naman ang bumili nung footlong…
happy nanay’s day sa mama mo. ^_^
naisahan ka ng nanay mo. :D happy mother’s day sa kanya! :)
Meeya’s Memes: LP Mga Mahal na Ina
Meeya’s Finds: LP Mahal na Ina
mommies are very smart talaga, they’re wise and all. noh? happy mothers day to your lovely mom!
hahahah natuwa ka naman o di ba? :) cool ng nanay mo :)
Ngayon alam ko na kung kanino ka nagmana *lol8 ang cute ng nanay mo ha ha ha!!!
at labs na labs ka nya…Happy Mother’s Day sa kanya!!
Amazing! :D
haha! oo nga kaaliw ang nanay mo! Happy Mother’s Day sa kanya!
LOL! Natawa ako sa lahok mo. Kaaliw nga :)
Happy Mothers’ Day kay Mommy :)
haha! sorry pero naisahan ka niya don. :) nakakatuwa naman siya. happy mom’s day sa nanay mo komski!
nyahahaha ang kulit ng kwento pero ang sweet ng nanay mo.
ang kulit ng nanay mo. hehehe. haynaku entry nga. haha.