Isang buwan at kalahating araw pa ang ating hihintayin. Pagmamasdaan ang nag-iisang liwanag sa gabing nababalot ng dilim, sa isang kumpletong paglibot nito paikot sa mundo na siya’ng tanging hadlang natin.
Ang mga yapak niya’y aking iginuguhit sa sahig, isinasabay sa bawat paglapat ng aking mga paa’t itinatabi sa aking piling. Nakikita ko na siyang papalapit sa akin. Natatatanaw ko na ang kanyang ngiting aking nililikha sa hangin, at sa pag-ihip nito’y boses niya ang aking naririnig kasabay ng yakap niyang, o, kay nais damhin.
Kaunti na lang ang panahong ating bibilangin, isang buwan at kalahating araw, at sa wakas ay ika’y akin nang makakapiling.



![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)








Senti mode ka ngayon, kapatid. Di bale, kaunting paghihintay na lamang.
@Leap of Faith!: Oo, isang buwan na paghihintay na lang:D excitement!
waa! may blog entry din ako sa utak ko hehe tungkol sana sa MRT. la ko time eh.. nax. 1month na lang!!! excitingness hihi ^___^
=)
malapit na nga.
*yakap*
bakit nga ba mrt hehe astig! lapit na..haha
sweet. at ang ganda ng kuha ng mrt ha, in fairness.
MALAPIT NA MALAPIT NA NGA! :(
SORRY SAD SMILEY. HAHA. MALI ANG TYPE. TAE TALAGA. INAANTOK PA KASI AKO. :)
very very sweet. ^_^
ramdam ko hanggang dito. hehe
nakow, malapit na malapit na yan! ayikie!
june 12, 2008
-independence day
hala ganitong ganito din comment ko kay karmi hehehehe. nax. lapit na. hmmmm./…
kita kitz na lang.
:)
Mrt! Grr! Mrt! Muntikan na ako maipit diyan noon kasi sobrang sardinas mode sa dami ng tao pero ang madalas kong sakyan any yung Lrt 2. :) Senti? :D