…nagsabihan na kami ng I Do at nangakong magsasama habam-buhay. narinig ko na lamang ang pari na sinabing “I now pronounce you man and wife.†nagkatitigan kami, naglapit ang ulo at hinalikan nya ako. rinig sa buong simbahan ang palakpak ng mga tao. di ko mapigilang mapaiyak habang yakap-yakap ko sya. ito na nga ang pinakahihintay ko. ang makasama ko sya, hanggang sa pagtanda ko. tiningnan nya lang ako sa mata at sinabing wag akong umiyak. pero sobrang emosyonal kasi na di ko talaga mapigilan. masaya ako. sa wakas kasama ko na ang taong pinakamamahal ko….
– altar March 18, 2007
ginawa ko yang post na yan last year. feelingera kasi ako na ikakasal ako this year pero syempre hindi na ito matutuloy.
melo: ate, kelangan ko pa ng blahblahblahblah para sa kasal ko. ang dami ko pa ngang babayaran eh. ala na akong pera.
ako: eh tol, sino bang may sabing magpakasal ka?
isang taon ang lumipas matapos kong gawin ang post, sino ba namang magaakalang ikakasal pala ang kapatid ko. sya actually ang dahilan kung bakit kami uuwi ng Pinas sa June. hanggang ngayo’y di pa rin ako makapaniwalang ikakasal na sya — ang paborito kong kapatid, paborito akong awayin at asarin. lalo akong di makapaniwalang mauunahan na nya ako. gara, sana sinabi nya ng maaga para nagpakasal na ako nung huling uwi ko ng Pinas. tsk. wish ko lang hindi totoo ung kasabihan ng matatanda.
mama: ngayon lang ata ako hindi iiyak sa pagalis mo.
ako: hala ma, bat naman kayo iiyak kapag umalis si melo?
mama: eh kasi alam kong may rason kasi kaya ka uuwi.
melo: mama ang drama.
ako: umiyak din ba kayo nung umuwi kaming tatlo?
mama: hindi.
ako: nye paborito talaga. hehehe.ako: tol, pang-ilang uwi mo na ba ito?
melo: pangatlo ate.
sa tatlong taon naming stay dito sa Amerika, tatlong beses na rin syang umuuwi. tsk. nagagawa nga naman ng pag-ibig.. :)
bukas na ang alis ng kapatid ko. mauuna syang umuwi kesa sa amin dahil sa mga aasikasuhin pa sa kasal. habang tinitingnan ko syang magimpake kagabi, naisip ko na mamimiss ko rin pala ang kapatid ko. mamimiss ko ung panggigising sa akin kahit na 2 oras pa lang ang tulog ko para lang pumunta ng mall. ung pagpasok nya sa kwarto namin para lang mang-asar at manakit (un kasi ang paglalambing nya). ung mga paggastos nya parati tapos eh magrereklamo na wala na daw syang pera. mamimiss ko ung mga “talk” na meron kami tungkol sa kung anu-ano lang na laging napupunta sa lablyp ko. ung pagsasabi nya na ang tange ko talaga nung nakita nya akong umiiyak. ung maarte sa pagkain. mamimiss ko lalo ung kaagaw ko sa banyo. mamimiss ko ung dati dahil pagbalik nya dito, oo nga’t kapatid ko pa rin sya pero may asawa na sya eh. di ko na sya pwedeng awayin ng ganon-ganon na lang. :P
ikakasal na ang kapatid ko. alam ko namang mature na sya para pasukin ang buhay may asawa. alam kong handa na sya. isa lang naman ang wish ko eh, un ay ang maging masaya sila ng asawa nya. :)
at syempre, sana talaga hindi totoo ung kasabihan ng mga matatanda. un lang. hehe.
* - my brother


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







