waw xung dee*

Add comments May 19, 2008 » 671 days ago
buhay SATown, heart-to-heart

…nagsabihan na kami ng I Do at nangakong magsasama habam-buhay. narinig ko na lamang ang pari na sinabing “I now pronounce you man and wife.” nagkatitigan kami, naglapit ang ulo at hinalikan nya ako. rinig sa buong simbahan ang palakpak ng mga tao. di ko mapigilang mapaiyak habang yakap-yakap ko sya. ito na nga ang pinakahihintay ko. ang makasama ko sya, hanggang sa pagtanda ko. tiningnan nya lang ako sa mata at sinabing wag akong umiyak. pero sobrang emosyonal kasi na di ko talaga mapigilan. masaya ako. sa wakas kasama ko na ang taong pinakamamahal ko….

altar March 18, 2007

ginawa ko yang post na yan last year. feelingera kasi ako na ikakasal ako this year pero syempre hindi na ito matutuloy.

melo: ate, kelangan ko pa ng blahblahblahblah para sa kasal ko. ang dami ko pa ngang babayaran eh. ala na akong pera.
ako: eh tol, sino bang may sabing magpakasal ka?

isang taon ang lumipas matapos kong gawin ang post, sino ba namang magaakalang ikakasal pala ang kapatid ko. sya actually ang dahilan kung bakit kami uuwi ng Pinas sa June. hanggang ngayo’y di pa rin ako makapaniwalang ikakasal na sya — ang paborito kong kapatid, paborito akong awayin at asarin. lalo akong di makapaniwalang mauunahan na nya ako. gara, sana sinabi nya ng maaga para nagpakasal na ako nung huling uwi ko ng Pinas. tsk. wish ko lang hindi totoo ung kasabihan ng matatanda.

mama: ngayon lang ata ako hindi iiyak sa pagalis mo.
ako: hala ma, bat naman kayo iiyak kapag umalis si melo?
mama: eh kasi alam kong may rason kasi kaya ka uuwi.
melo: mama ang drama.
ako: umiyak din ba kayo nung umuwi kaming tatlo?
mama: hindi.
ako: nye paborito talaga. hehehe.

ako: tol, pang-ilang uwi mo na ba ito?
melo: pangatlo ate.

sa tatlong taon naming stay dito sa Amerika, tatlong beses na rin syang umuuwi. tsk. nagagawa nga naman ng pag-ibig.. :)

bukas na ang alis ng kapatid ko. mauuna syang umuwi kesa sa amin dahil sa mga aasikasuhin pa sa kasal. habang tinitingnan ko syang magimpake kagabi, naisip ko na mamimiss ko rin pala ang kapatid ko. mamimiss ko ung panggigising sa akin kahit na 2 oras pa lang ang tulog ko para lang pumunta ng mall. ung pagpasok nya sa kwarto namin para lang mang-asar at manakit (un kasi ang paglalambing nya). ung mga paggastos nya parati tapos eh magrereklamo na wala na daw syang pera. mamimiss ko ung mga “talk” na meron kami tungkol sa kung anu-ano lang na laging napupunta sa lablyp ko. ung pagsasabi nya na ang tange ko talaga nung nakita nya akong umiiyak. ung maarte sa pagkain. mamimiss ko lalo ung kaagaw ko sa banyo. mamimiss ko ung dati dahil pagbalik nya dito, oo nga’t kapatid ko pa rin sya pero may asawa na sya eh. di ko na sya pwedeng awayin ng ganon-ganon na lang. :P

ikakasal na ang kapatid ko. alam ko namang mature na sya para pasukin ang buhay may asawa. alam kong handa na sya. isa lang naman ang wish ko eh, un ay ang maging masaya sila ng asawa nya. :)

at syempre, sana talaga hindi totoo ung kasabihan ng mga matatanda. un lang. hehe.

* – my brother

Mga Kahalintulad na Posts



17 Responses to “ waw xung dee* ”

  • camilleeee says:

    kakainggit naman. sana may kapatid din akong lalake. na pedeng bumatok sa kin pag tinopak ako nyahaha. uuuyy, malapit naaa. ;) weeeeeee :D

    yey!nakapag comment ulit ako dito!
    misyu karms! mwah! labyu!

  • dannish says:

    ..magpakasal ka na girl…buti na lng bunso ako..ahehee

  • Hachi says:

    best wishes na lang sa kapatid mo. haha. dibale, malay mo baka susunod ka na. hahaha! e kung nagkataon, reding redi ka na ba? :p

  • Noime says:

    hala, anu bang kasabihan yun? Hehehehe.
    nako ate, malay natin baka pagkatapos ng kasal ng kapatid mo, kinabukasan ikaw naman sunod. hehehe <3

  • rio says:

    wahhhh….naunahan na din ako ng kapatid kong lalaki na magpakasal..at mukhang totoo ata ang kasabihan na kapag nahakbangan daw ang panganay ay hindi na ito makakapag asawa….di bale karmi.wag mawalan ng pag asa..magkaka asawa din tau..lalo’t meron kang prince charming dyan sa tabi tabi…hehehe..
    lapit na tau magkita..yehey!!

  • vanny says:

    sissy, yun lang ba tlga dahilan ng pag uwi mo?? weeh.. haha ^_^

    kuya ko kya, kelan magpapakasal.. haha. :D

  • chie says:

    woow! congrats! ang galing. nyahaha.

  • mia says:

    congrats sa kapatid mo. :)

    pag sinasabi ko na ikakasal na ako, parang iiyak tatay ko. daddy’s little girl kasi:)

  • chester says:

    oh, teh karmi! best wishes pala sa kapatid mo!

    ikaw? susunod ka na ba?hehehe. pa- abay ako! hehehehe.

  • Aisha says:

    haha waw ikakasal na sia..
    kasal nga naman no? hayy.. ako kya? ay nko wag na hahaha

  • lalaine says:

    nde yan! nde totoo kasabihan… yaan mo na.. bata ka pa naman eh… ako nga … wala pa din asawa eh :D

    magkkaron din tau… wala lang madalian :D hehehehe

    see you soon!

  • Raych says:

    Parang mamimiss ko rin si Melo, hahaha.. parang close kami no? :P Pero oo nga, dati simpleng makulit lang yan si Melo. Naalala ko pa ung nagpapalibre sila ni Carlo ng pizza. Hahahaha!

    WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!! Ikakasal na si Melo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    Syempre para na ring kapatid ko yang mga yan. ;)

    You’re lucky to have a brother like him. :)

    Don’t worry Sis, hindi naman lahat ng sinasabi ng matatanda nagkakatotoo. Prove them wrong!!

    Nga pala, kailangan pa palang bumili ng regalo para kina Melo. :D

  • yeye says:

    june 12 2008

    -independence day. hahahaha

    kaw tol kelan ka ikakasal? haha ako uhmmm di ko rin alam eh. hahahaha

    hanobayan
    nagbalik na ako tol hehehehe. tapos mawawala ulet hahaha

  • irish says:

    hala naunahan kapa.. hehe ok lang yan kaw na susunod..

  • Ayiene says:

    Wow! naunahan ka pa ate! :P Ako nga feeling ko mauunahan pa ako ng kapatid ko din eh. :P Adik yun eh! :)) Ayun, best wishes sa kanya pakisabi na lang!

  • xeline says:

    nakaka iyak naman yan,.. auq ng mga ganyang drama.. ahaha.. naiiyak ako.. kahit ndi kayo maiyak ehh ako naiiyak.. ahaha.. wish rin sa kanilang dalawa na sana maging masaya sila at 4ever..

  • Rose says:

    wow ang cute naman ginawa mong tula. Kung tula nga ba yan amf… congrats sa kasal po ng kapatid mo….
    take care awlays po mwaaaaaaaaaaah…

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.