idle time.

Add comments May 26, 2008 » 664 days ago
blabbers, blog update

sa loob ng trenta minutos, anong pwede mong gawin? hmmm, pwede kang makapanood ng isang episode ng paborito mong tele-drama, anime, o chinovela. sa loob ng trenta minutos, mga ilang blogs na rin ang mapupuntahan mo. mahaba-habang usapan na ang trenta minutos sa telepono. pwede ka ring umidlip. madaliang ligo. pwede ring umabot sa 30 mins. ang paguusap nyo ng magulang mo lalo na kung nagpapaalam ka para magovernight kasama ang mga barkada mo nung HS. (buti pumayag. ^_^) basta, madami kang pwedeng gawin. sa basketball nga, last 2 mins. madami pang pwedeng mangyari

commercial lang: waaaaaa.. panalo Spurs. 2-1 ano ngayon ang Lakers.. ngenge.

kapag wala akong magawa dito sa trabaho, madalas ay nagi-internet lang ako. check ng email, pasilip-silip sa mga blog pero di ako nakakapagcomment. mahirap na baka mahuli, mawalan pa ng connection itong workstation ko. ayokong mangyari un, pano na lang ako magiging updated sa mga tsismis. kapag naman tinamad na akong magblogsilip, eh kinukuha ko ung sudoku book ko. opo, isa akong sudoku addict, hindi lang masyadong halata. di ko rin alam kung panong nahiligan ko iyon eh di naman ako mahilig sa math lalo na sa pagiisip. i hate numbers, pwera na lang kung tungkol sa pera. mga ilang sudoku puzzles din ang aking nagagawa sa isang buong shift. madalas tinitigil ko agad dahil inaantok ako. nakakantok magsolve ng soduko lalo na’t alas-tres na ng madaling-araw. kapag nagsawa na ako sa mga numero at inaantok na ako, soundtrip naman.

kahit ano patutugtugin ko, wag lang akong makatulog. minsan pa nga’y sinasabayan ko ang pagkanta, keber kung marinig ng bisor. at least gising din sila. mas nakakapagtrabaho din ako ng maayos kapag may ibang tunog maliban sa ingay ng mga servers. napansin ko lang, halos lahat ng mga post na nagagawa ko eh dahil sa mga kanta. mas madali rin kasi sa akin ang makaalala ng mga pangyayari kapag napapakinggan ko ung kanta. mas madali ang flow of ideas (kung meron man).

pero ayoko ng masyadong mahaba ang idle time. ung walang ginagawa dahil mas mabagal ang takbo ng oras. parang forever bago pumatak ang alas-nuebe ng umaga. hmm, ayoko rin naman ng sobrang busy dahil di na ako nakakapaginternet. gusto ko ung tama lang. ung kaya kong pagsabayin ang pagta-trabaho at pagne-net. katulad ngayon. multi-tasking baby. :)

so ano pa nga bang pwedeng gawin sa loob ng trenta minutos? pwedeng-pwede gumawa ng blog post lalo na kapag gahol na sa oras at nagnanakaw lang ng internet sa trabaho. under 30 minutes na post? posible. ^_^

Mga Kahalintulad na Posts



16 Responses to “ idle time. ”

  • vanny says:

    waaah. sis ako idle sa office. huhu. wala pa rin akong network! :( naglipat kc kame ng flr db? ayun.. tinopak ang network connection ko. at ang masama pa, sa linya lang namen ang may topak.. waaah.

  • amikus says:

    ayoko ng idle time! waah! hehe. nakakaisip kasi ako ng mga paraan kung paano magpakamatay pag idle. :) peace.

  • Keiyt says:

    Halo Ate Karmi! Sa loob ng trenta minutos, teka. Parang naiisip ko ngayon, hindi ko masyado nava-value yung time ko. Ahe thanks sa pag share ng thoughts.

  • daniel says:

    ako, ngayon ko plang nararamdaman ang pagka idle, hehe. still enjoy pa rin sa vacation :D

  • eloiski says:

    ay oo, maraming nagagawa ang trentay minutos na iyan. sa loob nga ng oras na yan pwede na rin ako makagawa ng assignment tapos scan ng notebook at pasilip silip sa blog.
    isali mo na rin dyan ang pagbasa ng komiks. hahaha!

  • Khayte says:

    Idle times are boring ano? HAHA, and yeah! Parang super bagal ng oras. Mas enjoying pang magblog-hop kesa walang gnagawa. HAHA lol. Sis linked u days ago na po. Link ex tayo ha? :)

  • komski kuno says:

    chat na lang tayo sa idle time mo:)

  • Chie says:

    naku. kulang ang 30 minutes. >.<

  • yeye says:

    hi tol. hehehehe
    uu katamad pag amsydao matagal ang idle time. patay na bata na ko kung ganun. wheehehehehe

    eun
    sa loob ng 30 mins. hmmm. hmmm. ahahaha. mag-hintay. hahaha. minsan nga more than 30 mins pa ang paghihintay na ginagawa ko eh ehehhe

  • Noime says:

    sa loob ng 30 minutes. maraming dugo ang mawawala sa akin dahil sa kakaaral ko. yun lang. hehe. :]

  • Hachi says:

    haha, ako naman nag daday dream na lang kapag idle. haha.

  • antonette says:

    pag idle time ko. nakakatulog ako kaagad. o minsan nagttxt ng walang kakwentakwentang bagay. kaya sa loob ng 30 minutes nakakahanap ako ng kaasaran sa komunidad ng txting.

  • lalaine says:

    30 mins is 30 mins… dami pwedeng gawin dyan.. hehehe

  • Misyel says:

    sa loob ng 30 minutos madami ngang pwedeng gawin pero bitin sa akin yun eh! sa pakikinig pa lang ng musika kulang na 30 minutes ko hehe!

  • Ayiene says:

    In 30 minutes? Pwede na akong gumawa ng isang yummeh meal. Yung tipong mouth watering. Yes. Sorry naman, gutom ako ngayon!

    O panalo Spurs? So that leads me to a conclusion. Nagpapapyesta na naman pinsan ko. HAHA. Spurs kasi yun eh! Nalulungkot kapag natatalo ang Spurs.

  • Zathena says:

    Ang sarap ng mag trabaho dyan sa pinapasukan mo. Libre internet.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.