Ihip

Posted 4 years ago Litratong Pinoy

Ihip

hangin, hangin,
sana ako’y iyong dinggin
umihip ka, huminga ng malalim
patungo sa kanya,
siya’y iyong dalawin.

pisngi niya’y iyong haplusin
para pagbalik mo’y iyong sabihin
ang lambot nito at kinis
na pilit hahanap-hanapin.

hangin, hangin, sa iyong mga kamay
mahimbing mo sana siyang pangarapin
sa alapaap siya’y iyong dalhin
dantayan mo siya ng iyong lambing.

lungkot niya’y iyong tangayin
masayang musika ang iyong tugtugin
himig niya’y iyong isaliw
isayaw mo siya, buong araw aliwin.

hangin, sa kanya’y iyong iparating
ang nilalaman ng aking damdamin
ibulong mo sa kanya ang saloobin
na matagal nang kinikimkim.

hangin sa iyong pagbabalik
huwag kalimutan ang aking bilin
tinig niya’y iyong dalhin
nang siya’y akin ring marinig
boses niya sa akin ay iyong bigkasin.

hangin, hangin, iyong tuparin
kahilingan na makapiling
ang layo’y balewalain
para mapalapit ang aking puso
sa tunay kong mamahalin.

Ito ay ang aking ihip ng hangin entry para sa lingguhang Litratong Pinoy. Ang litrato ay kinuhanan kanina lang, at napagod nga ako diyan e, hehehe. At ang tula naman ay aking isinulat nuong 2005 sa isang post sa parehong pamagat. Para tuloy gusto kong panoorin ang Windstruck mamaya:D

27 Responses to “ Ihip ”

  • NONA said,

    Wow naman, ayos ah. Pati ang tula…nakakatuwa…at ako’y napatulala! hehe, gandang araw komski!

  • yeye said,

    waw ang galing ah….panu mo nakuhaan yan hehehehe

  • tunay na ako’y natutuwa
    sa iyong pagiging makata
    sa larawan at sa iyong akda
    mambabasa’y tuna’y na matutuwa

    magandang araw ng Huwebes sa iyo.

  • Buge said,

    Ang galeng! Mukha ngang mahirap kuhanan yang ginawa mo! At ang ganda ng tula! Senti!

    Magandang Huwebes sa yo kaibigan! :)

  • Dyes said,

    naks! ang ganda naman ng iyong tula!

    happy hwebes!

  • julie said,

    Ang ganda ng tulang iyong ginawa :)

    Maligayang Huwebes sa iyo.

  • Thess said,

    ay d pa tapos na send again…

    eto pala hula ko:

    may inutusan kang mag-hagis ng kwaderno mo sa ere sabay naka luhod ka upang kunan ito sa ilalim? pwede ding nakatayo ka kasi higante nag hagis eh

    *mais*

  • Pinky said,

    Wow! Ang sweet naman ng tula mo! Siguro naman sinagot ka na ng iyong pinapadalhan ng hangin ano? ;)

    Happy Huwebes, kaibigan!

  • Girlie said,

    hulaan ko kung bakit ka napagod ^_^ kasi ikaw din ang naghagis ng papel sabay click…siguro hindi perfect kaya paulit ulit mong ginawa.

    happy thursday!

  • Ettey said,

    ayaw pumasok ng comment ko baket kaya? :( anyway, ganda po ng interprestasyon mo. at like ko din un movie na windstruck

  • Arvin said,

    @Nona, RoseLLe, Buge, Dyes, Julie: Salamat:D Happy huwebes din!

    @Yeye: Haynaku, pinawisan ako diyan, hehehe.

    @Thess: Sana lang may nautusan ako ano, kaya lang lola ko lang ang andito. hehehe, baka rayumahin yun.

    @Pinky: Yun dati, hindi ako sinagot e, yung ibang hangin siguro ni Thess ang nakarating sa kanya, hehehe.

    @Girlie: Sakto! Hehehe:D E mahina pa naman ako tumayming kaya ayan lang nakuhanan ko, hehe.

    @Ettey: Salamat! Sensya na rin kasi wirdung tong blog ko. Hmmm, sana may naginterpret sa hangin, yung “mahangin”, hehehe:D Hmmm, hahaha, naalala ko tuloy yung titser ko.

    Sayang, dapat pala yun na lang pinost ko, hahaha.

  • eloiski said,

    huwaw. ang makata!
    galing po ng tula.
    at yung pik, ang cute! wahihihi!

  • teys said,

    makata ka pala :) sino kaya ang mapalad na yun? :)

    gandang ‘webes komski!

  • Jeanny said,

    Uy ang husay ng tula mo ha…isa kang makata talaga. :)

    At mahirap yang ginawa mong pagkuha sa boka boka ha…astig talga

    Happy LP G. Komski

  • G_mirage said,

    Ang galing! Akmang akma ang pagkakapindot sa lumilipad na papel!
    Kung maaari nga lang dalahin ng hangin ang lungkot ng tao, siguro napakabigat na nya at madali natin nagawaang tema na ito…hehe. Gandang huwebes!

  • ces said,

    wala nang tatalo pa sa hanging ito! ramdam na ramdam ko ang lakas! mahirap nga iyang ginawa mong iya…so successful ba naman ang tula?palagay ko naman ano..!

  • carme said,

    hangin. naalala ko tuloy ung post ko na kapareho ng tema. :)

    sana nga’y maramdaman ng iyong mahal ang nais mong iparating — sa tulong ng hangin. ^_^

  • nina said,

    Magaling ang kuha mo pati yong tula!

  • mousey said,

    nalipad na ng hangin ang papel kung saan nakasulat ang tula mo hehhe…

    wow! ang galing naman nito!

  • Linnor said,

    kakatuwa. ano ang mas mahirap gawin, ang sumulat ng tula o ang kumuha ng pic na yan? dalawang talents ang pinakita mo dito :)

  • ayos. pati yung poem. ayos sa concept.

    happy litratong pinoy sayo!

  • mia said,

    favorite ko din ang windstruck! hahaha!

  • Arvin, ang galing ng iyong tula ha… sweetic ka pala… ang ganda rin ng naisip mong litrato…very creative… sabagay lagi naman creative ang mga entries mo eh.

    happy lp!

  • MommyBa said,

    Ang galing! Poetic ka na ang galing pa ng pagkakakuha mo nung litrato! nagustuhan ko yung nakuhanan mo yung papel na lumilipad.

    happy weekend!

  • vern said,

    ang husay. lipad papel lipad..

  • jeniffer said,

    nakz.. makata.. hehe.di bale sa kanyang pagbabalik dala na niya ang balita sa iyong bilin.. :p

  • Dragon Lady said,

    paumanhin sa huli kong pagbisita sa iyong lahok… nakakatuwa naman at talagang napakaganda nang iyong akdang tula kasama nang konsepto mong litrato!

    happy huwebes! :)

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.