sandali na lang.
bakit nga ba kapag sinabing ‘sandali na lang’ eh iyon pa ung parang pinakamatagal na paghihintay? kung kailan malapit na, saka ka pa makakaramdam ng pagkainip. saka mo pa gustong hilahin ang mga araw para di na matagal ang paghihintay. bakit nga kaya ganito? bakit ilang araw na lamang pero pakiramdam ko’y buwan pa din ang tagal? gaano nga ba talaga kasandali kapag sinabing ‘sandali na lang’?
ilang sandali pa ang kailangan kong hintayin para lamang makahawak ka ng kamay? ilang araw ang dapat intayin upang maramdaman ang mga yakap mong kasama na sa mga mensaheng iyong pinapadala. nasasabik na talaga akong makasama ka at nang masabi ko na sa iyo ng personal ang aking nadarama. sandali na lang. sa ngayon ay aasa na lang muna ako sa ‘sandali na lang’.
‘hindi ba pwedeng ngayon na?‘, sabi mo. tanong ko rin yan sa aking sarili. bakit nga ba hindi pupwedeng kaagad o ngayon na kita makasama? gaano pa ba katagal ang hihintayin para makapiling ka? ilang blogpost pa ba ang gagawin, ilang direct message pa sa twitter ang mase-send bago kita makasama? hindi ko alam. pero sana malapit na… sana nga totoong sandali na lang…
Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.
Sandali Na Lang
-Hale
Sandali na lang
Konting panahon
Aking paghihintay
Na makasama ka
Sandali na lang
At abot tanaw
Panalangin ko
Na makita ka
Naiinip, nasasabik, kasing bilis
Nang isang iglap mahahanap
Sa may ulap
Nagtatanong, nagtataka
Bat wala ka pa
Nakatingala, nakatulala
Pero sabi mo
Sandali na lang
At nandito na
At ang panahon
Ay wala sa ating kamay
Huwag mag alala
Maraming oras pa
Ang nakalaan
Para sa ating dalawa
Sandali na lang
hindi man kita makasama kaagad.
masaya na din ako dahil may ‘sandali na lang’. :)





i remember the song. hais. namiss ko champy ko. :3
ay. hindi ko alam yung song na yan.
ayaw ko kasi sa hell este hale eh.
amf
tama ka… kapag sinabing sanadali na lang… parang mas matagal na pagiintay yun… mas nakakainip. yngat! :)
malapit na kayo magkita!:) sandali na lang
nako sis! wag mo kasi isipin… sandali nalang yun ^ ^
ang ganda naman nung song.
kayang hintayin yan basta’t matibay at malakas ang love ninyo sa isa’t isa. <3 the song. ^^
ang cute naman ng song. sandali nalang..punong-puno ng damdamin ang entry mo girl!at sana dumating na sya…yung di na sandali lang, yung matagalan.
such a witty blog you have here!keep it up!
konting konti nalang yan karmimay…konting konti nlang…..
Cute naman ang lyrics ng song. song bayan o poem? di ba malapit ka nang umuwi? kaya pala sandali na lang. Mag-iingat ka.
hi, can we exchange links please? buzz me if its alright
irish of creative thoughts
http://www.irishblanca.com
Oo nga,
hindi ba pwedeng ngayon na?
hirap maghintay.
:(
sandali is a sign of procrastination. and i’m lovin it LOL
sandali na lang at mag-uupdate na rin si eumi. hahaha. grabe ate karmi tinatamad pa rin akong magsulat. kailangan ko na talagang bumalik sa pagba-ballet. LOL. figure that out. 0.o
aymisyu! :)
kapag inaantay mas lalo raw tumatagal. hayaan mo lang na lumipas ang oras. hindi mo namamalayan andiyan na pala ang araw na inaabangan mo. :D
or try to use the theory of relativity ni einstein. baka makatulong.
sandali na lang ang kitakits
sandali na lang …magkikita na rin kayo
sandali na alng mag iiba na naman ang ning ning sa mata ni bunso.
see yah sis. txt me once ur here
kaya kapag sinasabi ng mga little kengkay na sandali na lang, ang sagot ko sa kanila e ngayon na. kasi pahaba ng pahaba ang ekyus hanggang malimutan ko na kung bakit ko sila tawag, haysss. be patient, malay mo – talagang sandali na lang :D
Huwow! Bago ang theme niya! Hehe!
konting tiis nlng yan sis
before you know it
hawak mo na ang kamay nya :)
kapag lalong nasasabik, lalong tumatagal.. xD
konting tiis na lang karms. konting tiis na lang. at makakasama mo na rin sya. ;)
naku mukhang sa pag uwi mo dito e punong puno ng pag ibig ah… ang saya nyan…
rar.
sandali teka wait… antay muna.. saglit!
bagong kanta ba nila yan? di ko alam yan huh.. maganda ung lyrics nya at nakakarelate ako dito sa post mo
correct i agree lalo mong sabihin na sandali na lang mas lalong tumatagal namiss ko tuloy ung kantang yan.
sandali na lang talaga:D weeeee! hehehe
gusto ko ang Hale