
Isang buwan at kalahating araw pa ang ating hihintayin. Pagmamasdaan ang nag-iisang liwanag sa gabing nababalot ng dilim, sa isang kumpletong paglibot nito paikot sa mundo na siya’ng tanging hadlang natin.
Ang mga yapak niya’y aking iginuguhit sa sahig, isinasabay sa bawat paglapat ng aking mga paa’t itinatabi sa aking piling. Nakikita ko na siyang papalapit sa akin. Natatatanaw ko na ang kanyang ngiting aking nililikha sa hangin, at sa pag-ihip nito’y boses niya ang aking naririnig kasabay ng yakap niyang, o, kay nais damhin.
Kaunti na lang ang panahong ating bibilangin, isang buwan at kalahating araw, at sa wakas ay ika’y akin nang makakapiling.

061408
dalawang tao.
isang lugar.
excited.
kinakabahan.
siguradong yan ang nararamdaman nila.
magkakahalong emosyon.
pero pihadong magiging masaya.
sa wakas ay makikita na nila ang isa’t-isa.
matapos ang matagal na paghihintay.
mararamdaman na ang yakap na dati’y nababasa lamang.
ang dating :) , :D , ^_^, =), :P o kaya :( , ngayo’y makikita na ng personal.
malapit na.
isang buwan mula ngayon.
isang buwan na lang.
:)
****
kung mapapansin mo, May 13 pa rin ang date pero para sa May 14 yan. yan po ay dahil, Philippine time ang aking sinunod. :)

meet the cast of HSM3: Senior Year showing on Oct. 24, 2008. don’t miss it. :D
*******
mina: jologs mo talaga ate!
ako: bakit ba? jologs naman talaga ako. :P
ako: ma, malapit na Mother’s Day. ano gusto nyong regalo?
mama: kahit ano.
ako: ang hirap naman ng kahit ano eh. wala ba kayong specific na gusto?
mama: pakabait ka na lang.
ako: mama naman. ala bang mas madali dyan?
mama: ang dali na nga lang nun eh. papakabait ka lang, di ka na gagatos.
ako: ……
ako: ay ma, diba gusto nyo ung katulad nung sapatos ko? ung nakita nyo sa Nike.
mama: oo.
ako: un na lang ang bigay ko for Mother’s Day.
mama: kaw bahala. ang hirap talagang magpakabait noh?
ako: love you ma!
Maligayang araw ng mga Nanay sa lahat ng nanay sa mundo. ^_^