Haynaku.

Posted 4 years ago Litratong Pinoy

Hapon ng Sabado, walang pasok. Sobrang init kayat natulog na lang ako sa kwarto dahil nakapanlalata ang init ng panahon. Halos tatlong oras din akong natulog, grabe, paggising ko’y basa na ang suot kong sando dahil hindi kinaya ng bentilador ang init. Ok na sana kung ganun lang, pero ang masaklap, gutom na ako.

Masyado pang maaga para sa hapunan, wala pang nagluluto. Ubos na rin naman ang tinanghalian kaya ala talagang makain. Lalo akong nanlata. Binuksan ko na lang ang PC at naupo. Habang hinihintay ko ang pagboot ng computer ay narinig kong bumukas ang pinto sa may kusina, at nakita kong parating ang nanay ko, at bigla akong napangiti ng todo:)

May dala-dala siyang footlong, binili sa tindahan:D

Grabe, hindi ako nakapagsalita sa tuwa, nangiti na lang talaga ako ng sobra. As in, sakto kasi. Nag-give up na kasi ako nung una, dahil wala talaga, at para bang sundalong natatalo sa giyera at bigla na lang darating ang saklolo, ala Return of the King. Sobrang nagalak ang puso ko.

Yehey!

Natawa ang nanay ko dahil nakita niya kung paanong biglang sumaya ang aking lugmok na mukha.

O hayan, di ba ang swerte-swerte mo na ako nanay mo ano?
Hehehe, oo grabe. Sakto pa naman na nagugutom na ako.

Nagkatawanan pa kaming mag-ina, at pagkatapos ay sinimulan ko nang kainin ang binigay niya. Bumalik naman kaagad siya sa may likod bahay, sa tabasan, upang manahi. Grabe, ang saya talaga.

Nanay

Napag-usapan pa nga namin ang tungkol dito kinagabihan, dahil natuwa talaga ako, pero yun pala, mas natuwa ang nanay ko sa akin, dahil nung pagkabigay niya sa akin nung pagkain ay napag-usapan nila ng tatay ko sa may likod-bahay na,

Tuwang-tuwang tuwa anak mo sa akin. Binili ko kasi ng pagkain. E hindi niya alam, pera niya yung pinambili ko, pati na rin dun para sa ulam natin mamaya. Kinuha ko sa bag niya. Hehehe:)

Ayan, basahin mo na ulit yung title ng post na ito.

Naiwan ko sa bahay yung litrato na dapat ipopost ko kaya eto na lang muna, palitan ko na lang mamaya. nanay ko rin naman yan e, hehehe:D

Pinost ko nga rin pala ang aking malungkot entry, yung una kong naisip pero hindi ko naipost dahil naging mailap ang mga Kim Chiu bus nung isang linggo, hehehe. Ayun, nakuhanan ko na rin siya ng litrato.

‘Wag ka nang malungkot.

Posted 4 years ago Litratong Pinoy

Kim Chiu Bus

Hindi niya makayanang ingiti ang mga labing nakalapat na sa bintana. Nakadungaw sa mundong ginagalawan gamit ang malalamlam na mga mata. Sa hindi sinasadyang sumpa’y mukha niya’y hindi na kailan pa ma’y nilulubayan ng lungkot at pagkabalisa.

Naipon na’ng lahat ng mga luhang hindi matuloy-tuloy sa pag-agos, sa pisnging hindi na muling kakikitaan pa ng siglang nilamon na ng lumbay na hindi matapos-tapos.

Hindi niya mabuklat ang kwadernong naglalaman sa mga salitang nagmula sa itinitibok ng kanyang puso. O anung parusa, dahil ang sarili niyang kamay na hindi maigalaw ang hadlang sa pagbabasa ng mga pahina nito, kaya’t habambuhay na siyang nakatitig, nag-iisip, kung bakit ba tadhana’y siya’y walang-awang nilalaro.

At kung dumating man ang kanyang iniirog, sabihin kung paano. Hindi niya siya malilingon, mahahagkan, at masasabihan na mahal kita, mahal kita, mahal kita sinta ko.

Sinasabi ko sa iyo, hindi kailanman naging pilit ang kanyang lungkot.

i fell in love with a blogger.

Posted 4 years ago inlove, writings

2 years.
damn, i’ve known you for two years.

******

i can’t even remember how i met you. i don’t know whose blog was it that lead me to yours. i’ve been bloghopping crazy and then stopped when i saw your page. there’s nothing really special with your blog, i remember it being black. dark. i thought of it as just another teenage-emo blog, and i was right. but, i don’t know why i stayed and read your stories. and now looking back, i’m glad i did.

*******

bakit nga ba sa tuwing magsusulat ako tungkol sayo eh di ko matapos-tapos ang isinusulat ko. parang bigla akong naba-blanko. katulad na lang ng naisulat ko sa itaas, hanggang ngayo’y di ko alam kung panong tatapusin ko yan. malamang dahil sa english ko sya naisulat kaya di ko matapos. hehe.

nung isang araw lang, tumambay na naman ako sa blog mo para magbackread. buti na lang at nailagay mo lahat ng posts mo noon sa blog mo ngayon. muli kong nabasa kung gaano ka kadrama, kung gaano ka kagaling magsulat ng mga kwento. kung bakit idol ang tawag ko sayo. kung bakit..

naging crush kita noon.

oo, dahil sa pagsusulat mo ng mga kwento, kaya ako nagsimulang humanga sayo. dumating pa nga ata sa point na nagselos ako dun sa mga babaeng naisusulat mo. kahit na di naman totoong nangyari, ramdam ko kasi ung paghanga at pagmamahal mo sa kanila. naisip ko na sana ako na lang ung babaeng un. sana ako na lang ang mahalin mo.

naging magkaibigan na tayo simula pa noong magpalitan tayo ng links. minsan naguusap sa YM pero un eh kapag nagaabot lang. simpleng kamustahan lang tapos eh wala na. dumating pa nga ung panahon na, sa blog na lang talaga tayo naguusap. nagiiwan ng bakas sa cbox at dun na lang nagkukumustahan. ni minsan ay di ko akalaing magiging ganito tayo ngayon.

sa mga paguusap natin sa YM, unti-unti kong nakilala ang taong gumagawa ng mga kwentong nagustuhan ko. unti-unti kong nalaman na madrama ka nga (pero mas madrama pa rin ako). nalaman ko ang iyong mga gusto at ayaw. madami rin akong naikwento sayo. ok ka rin kasing kausap. :)

naging madalas ang paguusap natin sa YM. naging madalas din ang pangungulit ko sayo. dumating din ung araw na kinakatakot ko. lagi na kitang naiisip. namimiss. as in.

hindi kaya?….

nagsimula sa mga kwento sa blog. pagpapalitan ng links. pagco-comment sa mga blog entry. paguusap sa YM. pagpapalitan ng direct messages sa twitter. nainlove ako sayo.

at di nagtagal, nalaman kong ikaw rin pala. :)

Direct from rvn:
Naisip ko lang, pag nagbus tayo, bka d tayo kasya dun s pangdalawa, hehe:) miss you *yakap*

kahit na korny ka at lagi mo akong inaasar/inaaway, mahal pa rin kita. babawi na lang ako sa june. kala mo ha. :P

yup, i fell in love with a blogger. and i am happy. :)

pare, 6cyclemind.

Posted 4 years ago LSS, writings

ayos lang basta’t kasama
konting alak lang kahit walang pulutan

nasa tapat tayo ng isetann sa cubao noon. gabi at nagaabang tayo ng masasakyan nang kinanta ko yan sayo. nahihirapan na kasi tayong makasakay kaya nagaalala ka na rin. para sa akin ayos lang kahit nasan tayo basta kasama kita. napatingin ka sa akin at ngumiti. mula nun naging kanta na natin yan.

akma ata ung kanta sa atin dahil pareho tayong tomador pero minsan lang ata tayong uminom na tayong dalawa lang. ayaw mo na iinom ako kapag kasama kita. madaya ka un ang lagi kong sinasabi sayo. lagi kitang inaaya ng drinking session pero di natutuloy. nakakagawa ka ng paraan para di tayo uminom. ang galing mo.

ay, wag naman alisin ang nagiisang panaginip
na ika’y magbabalik, magsasamang masaya at walang pagkukulang.

andito na ako sa Amerika nang sumikat ang kantang yan. tamang senti para sa atin dahil di natin alam kung anong maaring mangyari. na pano nga kung di na ko makabalik, at di na tayo magkitang muli. nung unang beses kong narinig ang kantang yan, gusto kong umiyak. dahil ayokong mawala ka sa akin. ayoko.

sige lang sandal ka lang.
at wag mong pipigilan
iiyak mo na ang lahat sa langit
iiyak mo lang ang lahat sa akin.

di mo lang alam, kanta ko yan para sayo. nung panahong madalas ay di kita nakakausap. dahil mas gusto mo pang sarilihin ang problema. dahil ayaw mong pati ako ay magalala sayo. wala akong ibang magawa kundi ang intayin kang sabihin sa akin ang problema na di naman nangyari. alam mong andito lang ako para sayo. alam mo un.

di ko man lamang nalaman na mawawala.
di mo man lamang naisip na idahan-dahan.
di ako sanay sa biglaan
unti-unti na lang sanang nawala.

sana nga unti-unti. sana naramdaman ko na mawawala. di ako handa nun eh. hindi man lang ako nakapagreact ng maayos. ganon na lang un, nawala na lang lahat. sayang.

at ngayong wala ka na
hindi alam kung san magsisimula
ang ngayon, bukas, kailanman nagiba
wala nang bukas.

wala na lahat ng pangarap natin para sa isa’t-isa. pwedeng-pwede nga palang mangyari un. na parang isang bula ay parang walang nangyari. di ko alam kung anong gagawin ko ng panahong un. di ko alam kung pano ko maibabalik ung dating ‘ako’ na nakilala mo. ang hirap. pero wala na naman akong magagawa eh. i have to move on.

nang mawala ka sa buhay ko, saka ko na-realize kung gaano kaliit ang mundo ko. na sayo lang pala ito umiikot. nasaktan mo ako pero natuto ako. salamat sayo.

4 na kanta ng 6cyclemind. kahit na magkaiba na ang landas natin, sa tuwing pinapatugtog ang mga kantang yan eh ikaw talaga ang naaalala ko – both good and bad memories natin.

ang minsan, naalala
at di magtatagal tayo ay liligaya.

alam ko magiging maligaya rin tayo. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.