Let the drama begin.Monday, June 30th, 2008 with 6 Comments »

Tama, sa lagay na yun ay masaya pa ako nung isinulat ko yung huli kong post, pero kanina habang hinihintay kong kumulo ang tubig kong ipangtitimpla ng kape ay medyo napalalim ang aking iniisip. Kaya ko ba talaga ito?
Matagal ko nang sinasabi kay Carme, sa aking mga comments sa kanyang blog tuwing magpopost siya tungkol [...]

karmi will be back.. online.Thursday, June 26th, 2008 with 17 Comments »

mag-update ka naman. sabihin mo na babalik ka na online.
– arvin

tapos na ang Hunyo. tapos na rin ang bakasyon ko. sa Martes muli akong babalik sa Amerika, muling lilisanin ang Pinas. hindi ko inaasahang mahihirapan na naman akong umalis. na naman. dahil naging masaya ang tatlong linggong pagstay ko. bitin, sobrang bitin pero ayos na [...]

Doon, mag-ingat ka *yakap*Wednesday, June 25th, 2008 with 21 Comments »

Ilang araw na lang at lilisan ka na, pero parang hindi ko man lang nararamdaman. Ngayong araw nga ang huling beses na makikita kita, mahahawakan, mayayakap, at sa susunod na masisilayan ko ang iyong ngiti’y nasa kabila ka na nitong babasaging monitor. Boses mo’y muling manggagaling sa sira-sira kong headset at hindi na mula sa [...]

komski and karmiFriday, June 20th, 2008 with 15 Comments »

isang pag-uusap sa text.
ako: gusto kong magupdate tungkol sa atin, pero di ko alam kung anong isusulat ko.
sya: lagi naman e. kwento mo na lang ung tingin mo sa love story natin. :) online, tas ganito, hehe.
hanggang ngayo’y di ko alam kung papaano ko sisimulan ang pagkukwento. pano ko ialalagay dito sa blog ang bawat [...]