karmi and komski - bakit ngayon ka lang dumating
Nirecord namin yan (separately siyempre), September 21 nuong nakaraang taon. Wala lang, napagkasunduan lang, natripan. Pareho ata kasi kaming naglagay ng kanta sa aming blog kaya naisip naming gumawa ng duet:) At nung iniisip na kung anung kanta ang gagawin namin, sinaggest ko yan, “Bakit Ngayon Ka Lang”. Wala lang din, kasi kapag duet ang pinag-uusapan, yan ang una kong naaalala.
Nuong lumaon na namin narealize na oo nga, bakit nga ba ngayon ka lang dumating? Drama.
Kahit na matagal na kaming magkakilala, hehehe. Pero hindi na ito nag-aaply sa aming dalawa ngayon:) Hmmm, hindi pa rin ako makakapagkwento tungkol sa mga ginawa namin nuong sabado, dami rin kasi lakad. Magkikita nga kami dapat mamaya. Hala, late na ata ako, hehehe.



![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)








xempre bukas kayo magkkwento ahahahaha
ayiiiiiii
hahahaha
bukas ah
wow. congrats.
the day has come.
naaalala ko tuloy yung unang beses kaming nagkita ni bee. hehe. firsts are definitely memorable.
i hope you both had a great time. 
wow, mukhang pareho kayong masaya!
ang galing din ng pag record niyo nong kanta niyo.
nakz! bagay na bagay o..hehe pakasal na nga kayo hehe Ü
ang ganda ng boses ni karmi..
hi juday and ryan. nyahahaha.
nice meeting you, ryan este arvin.
hmm. nakarelate din ako sa kntang yan. DATI. nagyon.. hmmm. ano na lang KUNG MALAYA LANG AKO. nyahahaha. =)
weeee..
masaya ako para sa inyo
@yeye: Punta ka na lnag sa multiply page ko:D May mga pictures kami dun:D
@mnel: Salamat! Parang namang kung ano yung nangyari, congrats kagad e nagkita lang naman kami:D
@Clicking Away: Mukha lang, hehehe. Siyempre, magpipicture e, ganun talaga di ba? hehehe. Sensya, alang LP post here, busy e. Yung kanta, galing ano? hehehe, sa Audacity yan. Wonders of being computer geeks, hehehe:D
@juvil: Pakasal? Aaw pa ni karmi e, tsaka sukob yun, di pwede. oo, sobra, ganda nung boses nun:D Nagvideoke kami grabe, nainlove ako sa kanya:D
@vanny: Ayus rin kasi nakita na kita, hehehe. Ganun ka pala sa personal, medyo naimagine ko nga, hehehe:)
@mia: Sobrang masaya rin ako para sa amin:D Hehe.
@karmi: Oi, magcomment ka naman sa post ko, hehehe. Nag-oonline ka naman e. Iniiwanan mo ako sa ere niyan, hehehehe. love you
*yakap*
hala. grabe, nagdemand na ng comment.
hehehe.. sensya naman.. ikaw iniiwan ko sa ere? di noh.. kita mo nga, nagupdate ako sa blog ko tungkol sau.. ayiiihhii.. hahaha..
masaya nga ba ang pagkikita natin? hmmm. pwede na. medyo korny ka pero ok na rin. =)
love you too.. ^_^ *yakap*
@juvil - di pa ako pwedeng magpakasal, intayin ko munang maka-grad si arvin.. hehehe.. =)
huwaw! ang sweet naman. sayang hindi ako nakasama sa eb. pasensya na po komski at karmi. late ko na kasi nakita yung invitation message niyo sa blog ko e. ;( sana may part 2 pa yung eb para makasama ako.
tsaka mawitness ko din sweetness niyong dalawa. hehe.
Ayikii!
Go ate karmi! :))
Ako’y kinikilig ngayon.