
isang pag-uusap sa text.
ako: gusto kong magupdate tungkol sa atin, pero di ko alam kung anong isusulat ko.
sya: lagi naman e. kwento mo na lang ung tingin mo sa love story natin. :) online, tas ganito, hehe.
hanggang ngayo’y di ko alam kung papaano ko sisimulan ang pagkukwento. pano ko ialalagay dito sa blog ang bawat detalye ng aming pagkikita. di ko ma-explain ang nadarama kong kasiyahan.. dahil grabe, matapos ang ilang buwang paghihintay, sa wakas ay nagkita na kami. :)
kaba at takot na aking naramdaman mga ilang araw pa bago pa kami magkita. natakot ako na baka nga tama ung sinasabi nilang madalas ay di nagwo-work ang relasyon lalo na’t online pa lamang ito. iba raw kasi kapag kasama mo na ung tao. iba kapag personal.
nagkita kami, pero nagclick kami agad. nakakatuwa dahil kung ano kami online eh ganon pa rin hanggang sa nagkita kami. :) kulitan, asaran, walang patid na kwentuhan. parang matagal na talaga kaming magkakilala, hindi lamang online. nakakatuwa talaga. =)
ilang buwan bago mag-June, di ko inakalang magiging ganito kami ngayon. ilang buwan bago kami magkita, ilang beses akong kinabahan at natakot na baka maging parang wala lang ung pagkikita namin. buti na lang mali ung naisip ko. :)
maling-mali.. :)
** more pictures here.




