5 months, 2 weeks ago by karmi 
isang pag-uusap sa text.
ako: gusto kong magupdate tungkol sa atin, pero di ko alam kung anong isusulat ko.
sya: lagi naman e. kwento mo na lang ung tingin mo sa love story natin. :) online, tas ganito, hehe.
hanggang ngayo’y di ko alam kung papaano ko sisimulan ang pagkukwento. pano ko ialalagay dito sa blog ang bawat detalye ng aming pagkikita. di ko ma-explain ang nadarama kong kasiyahan.. dahil grabe, matapos ang ilang buwang paghihintay, sa wakas ay nagkita na kami. :)
kaba at takot na aking naramdaman mga ilang araw pa bago pa kami magkita. natakot ako na baka nga tama ung sinasabi nilang madalas ay di nagwo-work ang relasyon lalo na’t online pa lamang ito. iba raw kasi kapag kasama mo na ung tao. iba kapag personal.
nagkita kami, pero nagclick kami agad. nakakatuwa dahil kung ano kami online eh ganon pa rin hanggang sa nagkita kami. :) kulitan, asaran, walang patid na kwentuhan. parang matagal na talaga kaming magkakilala, hindi lamang online. nakakatuwa talaga. =)
ilang buwan bago mag-June, di ko inakalang magiging ganito kami ngayon. ilang buwan bago kami magkita, ilang beses akong kinabahan at natakot na baka maging parang wala lang ung pagkikita namin. buti na lang mali ung naisip ko. :)
maling-mali.. :)
** more pictures here.
Lam mo, kinabahan lang ako nung nakasakay na ako sa bus papuntang cubao, nung sabado na un. Baka kasi hindi mo ako siputin e, hehehe. ‘Tas yung isa naman na naisip ko pa e hahantingin ako ng isa sa mga admirers mo ‘tas magiging sad ending para sa akin, haaay. Imahinasyon, grabe, hehe.
Pero sobrang excited ako nung linggo na yun:D Grabe, tinanong ko sa kaklase ko kung saan may flowershop, ‘tas binisita ko pa nga nung wed nun para malaman kung meron nga dun sa tinuro niya, hehehe:) Kung makita mo lang ako sa bus pauwi araw-araw, grabe, mukhang baliw talaga. Kinikilig mag-isa sa silya, haha. Can’t keep the excitement kasi e, hehehe.
Lagi ko naman sinasabi, kulang na lang talaga e ang makasama ka. Kaya ngayon, wala nang kulang:D Haaay, saya! hehehe:D Carme ko *yakap!*
ayiiiii!!! ang sisssy ko oh! uber ngiti! ahihihi. ayiii! haha. kulet. ^_^
goodluck naman sa glorietta date nyo ngayon sis. maya maya alis na din kame ni mommy. see u again sis!
*pati ikaw arvin! ingatan mo balikbayan naten ah? =)
ka-sweet naman! :) ang ganda rin ng pinuntahan niyo sis. san ba yung la mesa eco park?
uy. nilalanggam ang page mo. sobra. :D
waaah. lab is in d air na tlga..
cute ng pics sa multiply.
panalo juday at ryan loveteam hahahaha :lol:
ui tol la kame duty ngaun ahahahaha pero dito ko ngaun sa skul. duty dutyhan hahahaha :))
I’m happy for both of you. Sana lagi kayong magmahalan.
ang sweet naman. masaya ako para sa inyo karmi. nakakaaliw. :)
Gaya ng comment ko kay kuya komski.
Ayiii!
Kinikilig ako!
HAHA. I’m happy for you ate!
Ayii, kinikilig pa rin ako! :P
Gosh…inggit naman ako….pwede magchaperon next date hehehehe…..
karm, pachange naman ng url ko to http://www.labubblychica.com na…thanks!!!
ayieee ang lalake ay nabunyag na :) ksama mo pa hahaha :)
Pagibig nga naman. Haha. Magmahalan pa kayo! :)
akalain mo… may update dito :D topak kase connection ko kay ande ako makadalaw sa inyo eh… hehehe
nice meeting you uli… sobrang enjoy yun!
para sa inyong dalawa… sana maging mas masaya pa kayo at kayanin nyo lahat ng darating sa inyo… :)
haiii…… pag ibig nga naman,….tinatawid ang Pilipinas, makita ka lamang,,hahaha…joke..
napa sweet nyo tlga…kakainngit!!
salamat karms sa trit!!=)
ang saya saya ko nung gabing yun…dahil sau at na meet ko ang ibang bloggers,….. ingat parati=)
wow, ang haba ng hair ni Karmimay.
nakakatuwa naman kayong dalawa at ang inyong istorya.
Karmi, sana nxt tym wala nang big news na hadlang, ano? nagsunud-sunod kc pati bagyo. di rin me nakapunta sa event ng bloggers sa MOA. haaay.