Doon, mag-ingat ka *yakap*

Add comments June 25, 2008 » 626 days ago
Uncategorized

Remember

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Ilang araw na lang at lilisan ka na, pero parang hindi ko man lang nararamdaman. Ngayong araw nga ang huling beses na makikita kita, mahahawakan, mayayakap, at sa susunod na masisilayan ko ang iyong ngiti’y nasa kabila ka na nitong babasaging monitor. Boses mo’y muling manggagaling sa sira-sira kong headset at hindi na mula sa mga labi mong kaunti na lang ay nakalapat na sa aking tainga. Sobrang mamimiss kita.

di ko pa rin maramdaman na aalis na nga ako.. di ko pa naiisip na hindi na kita makikita pagtapos ng martes.. parang andyan ka lang, parang di talaga ako lalayo sayo… ang drama, grabe… haay…

- Carme

Sa sasandaling panahong nakasama kita’y napaligaya mo ako ng sobra. Sa mga biro’t tawa, sa haplos at suntok, pingot at yakap mo’y aking nadama, alam kong sa piling mo’y ako’y magiging tunay na masaya. Teka, aalis ka nga ba talaga?

Wala naman talaga tayong magagawa, lalayo ka, maiiwan ako. Pero anu bang magbabago? Babalik lamang tayo sa kung saan tayo nagsimula, ang ikaw at ako, dito sa kwadradong mundo. Pero yun nga lang, nasagot na natin ang matagal nang mga tanong, na paano kaya kung nagkita na tayo? Anung pakiramdam na makasama mo ako, at ko ikaw? At pareho naman nating nagustuhan ang mga naging sagot sa mga katanungan.

Sa iyong paglisan, iiwanan  mo ang mga masasayang alaala. Kulitang hindi ko malilimutan, at mga karanasang hinding-hindi ko maipagpapalit para sa kung anu pa man. Maraming salamat rin at nakilala kita.

Hihintayin ko ang panahong makasama kang muli, at makasama ka sa wakas.

Mga Kahalintulad na Posts



21 Responses to “ Doon, mag-ingat ka *yakap* ”

  • ces says:

    ay nagulat naman ako, naka-full blast ata ang volume ko! anyway,,,ang sweet!

  • Thess says:

    Brother! Suot ko ang hearing aid ko! ha ha ha, nakakagulat ang sounds mo, parang tinusok ako ng libong needles sa gulat, pramis!

  • Reflexes says:

    kapag may umalis…may babalik :D ang sweet naman nito.

  • yeye says:

    “paano na si arvin?” -carme

    txt nia. hehehe

    awwww. super abang ka na naman friend kay karmi…kelan kaya muling pagbalik niya? hehehe. nagtanong agad eh hindi pa nga nakakaalis. haaaay

    atleast nagkasama kau sa kahit na maiksing panahon lamang. :)

  • Ano! paalis na si carme kaagad? napakaikli naman ng bakasyon niya…parang kakabasa ko lang kamakailan na dumating siya tapos paalis na rin pala siya. di bale huwag kang malungkot. im sure magkikita ulit kayo!

  • delish says:

    maganda naman nga ang naging sagot sa tanong na kung pano nga at nagkita na kayo… sigurado, magiging rason yun para dumami pa ang beses at paraan na magkikita kayong muli…

    gudlak…

  • ang sweet nyo ha.. sana ay magkasama kayong muli.

  • jeanny says:

    ewwww…ang sweet naman. very very much inlove. kilig. di bale me internet naman, me ym, me skype, me friendster, me email…o ha.

    Happy day sa iyo kapatid ;)

  • Arvin says:

    Pero iba pa rin talaga kapag magkasama:( Haay… Alam kong makakasama ko rin siya muli balang araw. At yun ang aming hihintayin:D

  • vanny says:

    naku! magkikita pa kayo! sa saturday! kc sasamahan mo kame. hehe. ^_^

  • yods says:

    “Hihintayin ko ang panahong makasama kang muli, at makasama ka sa wakas.”

    yun yun e. o ha!

    aalis na agad si karmi? naku naku naman. wag ng pabalikin si karmi sa tate. kailangan siya dito sa pinas at kailangan siya ni pareng komski. wee!

    hulahan ko, sunod na uwi ni karmi dito ikakasal na kayo no? uuuy! invite niyo ko ha. :)

  • Noime says:

    sana magtuloy-tuloy kung anuman yung meron kayo. :) natutuwa ako para sa inyong dalawa. <3

  • Enday says:

    kakabasa ko lang dun sa nauna mong post na dumating sya..hehe tas nagulat ako nung nabasa ko tong post na to. aalis na agad sya?..

    hirap ng long distance..hay..keri nyo yan! gowh!
    natuwa po ako sa story nyo..hehe.. pati yung duet nyo sa “bakit ngayon ka lang”. yeah!

  • carme says:

    off topic:
    eto na comment ko. inaaway mo na naman ako eh.. hmmp! :P hehehe..

    ========

    kelan nga ba tau unang nagkita? 14 diba? tapos, 16, 17, 18, 19, 20, 21, 24, 26… grabe, sa buong stay ko eh ikaw pala ang kasama ko.. kaya pala nagsasawa na ako.. :P hehehe.. joke lang.. =) kung pwede nga.. kung pwede lang talaga…

    salamat arvin. =) dahil oo nga, nasagot na ung tanong natin. na pano kapag nagkita na tau ng personal, magkakasundo nga kaya tau? masaya ako dahil naging ganito tayo..

    babalik ako.. =) ewan ko lang kung magkatotoo ung comment ni yods.. *yakap* salamat ulit.. super thank you sau.. =)

    i love you.

  • Arvin says:

    @Yods: Yun talaga yun, hehehe:) Kung pwede lang nga e, sana maiwanan siya ng eroplano, hehehe, saklap nun. Pag-uwi niya? Sana mayaman na ako nun, hehehe. Pwede:D

    @Noime: Anu nga bang meron kami? Haaay, sana nga.

    @Enday: Gara ano? Mahirap talaga ang ganito. Sana makasama ko na siya lagi:)

    @Juvil: Apir!!!

    @Carme: Di na ka na nasanay, hehehe:D Haaay, sana nga araw-araw na lnag ng buhay ko e kasama na kita. Ok lang kahit ganun lang, ok na yun! Di naman ako naghahangad ng sobra, hehehe.

    Masaya din ako:D ikaw e, hehe. Tsaka dapat lang bumalik ka no, hehehe. You’re welcome, hehehe.

    I love you too *yakap*

  • carme says:

    @Arvin: sana nga mayaman ka na pagbalik ko.. =) hehehe.. *yakap*

    masaya rin ako sayo arvin.. :D sobra.. basta babalik ako. :D hintayin mo ako ha.. (sana)…

    *yakap*

  • jeniffer says:

    naks!!! kakakilig.. may something akong naamoy.. di yan sinbi ni carme sakin ah.. hmmp.. hehehe…

  • Arvin says:

    @Carme: Eto o, parang ayoko muna magplano, kasi kayo pala, nagplano na ikasal ngayong 2008. At may ninong at ninang pa, hehehe. Baka maudlot din e:D Kaya wala muna, grabe naman, bata pa ako ano. Ikaw, hmmmm, hehehe.

    @Jeniffer: Kinakahiya kasi ako nun kaya hindi niya sinasabi, hehehehe. Shhhh… Sikret lang natin ‘to:D

  • mnel says:

    super heartfelt naman nito. damang-dama ko. :)

    kung sa akin sasabihin ang mga katagang ito, baka mahirapan ako umalis.

    hindi ko sasabihing okay lang yan kasi alam ko mahirap. just cherish the memories for now and soon enough you will be making more with her. :)

  • raysh says:

    naks naman…ganda ah…laging present si naruto ah…hehe

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.