Tama, sa lagay na yun ay masaya pa ako nung isinulat ko yung huli kong post, pero kanina habang hinihintay kong kumulo ang tubig kong ipangtitimpla ng kape ay medyo napalalim ang aking iniisip. Kaya ko ba talaga ito?
Matagal ko nang sinasabi kay Carme, sa aking mga comments sa kanyang blog tuwing magpopost siya tungkol sa kanyang relasyon dati, na “ayoko talaga ng isang long-distance relationship”. Paulit-ulit, tuwing magkukwento siya, na ayoko dahil natatakot akong baka hindi ko makaya. Dahil.. dahil.. dahil alam kong nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Mabuti na nga lang at isang baso lang ang aking pinakukulo, kundi ay baka nasiraan na siguro ako ng bait kakaisip. Ang hirap. Iniisip ko pa lang nahihirapan na ako.
Oo nga, may internet naman, may chat, webcam, twitter. Pero iba pa rin yung katabi niya ako sa tuwing kailangan niya ako, o kailangan ko siya. Hindi sa lahat ng oras ay naroroon ako para sa kanya. Ano, kapag kailangan niya ko e hahanap muna siya ng computer para makausap ako? Kaya ba ng 140 characters per text para maramdaman niyang kasama niya ako kahit hinde? Paano kung umiiyak siya, titignan ko na lang siya sa monitor habang lumuluha dahil sa wala naman akong magawa at paulit-ulit na sasabihin na sana katabi niya ako para mayakap ko siya?
Sobrang hirap nun.
Alam kong ang buhay namin ay mas madalas nasa harap ng pc, araw-gabi nagsusurf, nagtatype. Pero hindi naman sa ganung lugar nangyayari ang mga mas mahahalagang parte ng buhay. Hindi talaga e. Higit na mas malawak ang mundong pangyayarihan ng mga mas malalalim na karanasan. Sa ganung mga pagkakataon, gusto ko kasama niya ako, katabi at kahawak ng kamay. At hindi ko iyon magagawa sa sitwasyon kung saan hindi ko siya agad-agad na mapupuntahan, o sadyang hindi talaga mapupuntahan kahit na gaano ko pa man gustuhing gawin iyon.
Hinihiling ko na lang na sana, sana’y walang mangyari sa mga bagay na ikinakatakot ko, hindi ngayon hanggang sa panahong makakasama ko siyang muli. Dahil sa oras na makasama ko na siya’y mas mapapanatag na ang aking loob. At kung hindi man palarin ay sinasabi ko sa iyo Carme, na hindi kita iiwanan, hindi kita bibitawan, dahil ikaw na rin ang dahilan kung bakit kahit alam kong mahihirapan tayo’y susuong pa rin ako..
Dahil higit naman na mas marami akong maibibigay na dahilan kung bakit ko gugustuhing mahalin ka, yun nga lang, hindi talaga maiaalis na minsan ay magdrama dahil kilala mo naman ako na isang emotero ring katulad mo. Mahirap, pero kakayanin natin ‘to.
Ang nakapanghihinayang lang sa lahat, nasasayangan talaga ako sa panahong hindi kita makakasama.


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)








umpisa pa lang, sinabi ko na sa sarili ko na ayaw ko na ng LDR matapos ung huling relationship ko dahil alam ko kung gaano kahirap. pero ewan, makulit pa rin talaga ako at hinayaan ko ang sarili kong mahulog sau.. hanggang sa naging ganito na nga tayo..
no regrets dahil naging masaya ako sa kakaunting panahong nakasama kita. chessy mang sabihin dito sa blog, pero mas napamahal ka sa akin nung nakita kita ng personal. kulang talaga ang panahon. sobrang kulang.
sana nga kayanin natin. ayokong mangako, pero gagawin ko.. madami pa akong gustong i-share sayo, di lang sa chat, blog o twitter, kundi sa personal na rin.. mamimiss kita ng sobra. sobra, sobra.. *yakap*
i love you.
Ang nakapanghihinayang lang sa lahat, nasasayangan talaga ako sa panahong hindi kita makakasama.
-awwww. ganyan din nararamdaman ko ngaun. hmmpft. kaya natin to arvin. hehehehe. kaya natin to. :)
awtz! ramdam na ramdam ko talga ang kakaibang pwersa ng pag-ibig dito.
kaya niyo yan, basta walang bibitaw. walang magpapakahina. di ba walang imposible sa dalawang taong nagmamahalan? go go go lang! tira tira! aja!
at dapat lang na matupad yung wish ko dahil ipagnonobena ko kau sa lahat ng simbahan. ako ata number one supporter ng love team niyo.
solid KARMSKI ata to! :)
Nakakairita. HAHA. Bigla din akong nalungkot sa entry na’to. Malapit na rin kasi ‘na naman’ mangyare ‘to sa amin ng labidabs ko. At hindi lang isang taon ang hihintayin namin, mukang apat na taon na. HAHA. Sana naintindihan mo. :P
Kaya niyo yan! Kayanin nating lahat! Stay in love. :)
awww. nakakaiyak naman to.. :(
sad nga kc malapit na umalis c karmimay.. pero dont wori, i know u love each other. sana kayanin nyo! ;)
Nasa eroplano na si Carme. Haay, gara, na-empty batt pa siya kaya naputol yung pagtetext namin. Pero buti nakahanap ng charging station kaya ayun, haay. Sa mga huling sandaling naririto siya ay narinig ko ang kanyang boses:D Salamat! I love you Carme:D
@Carme: Sabi ko nga sa iyo, dito sa blog lang ang drama-drama, hehehe:) Alam naman natin na pareho tayong masaya, kahit ganito *yakap* mahal na mahal kita:D
@Yeye: oo, kaa ‘to, sisiw:D
@Yods: Kahit hindi ka na magwish matutuloy pa rin yan:D hehehe. Salamat at naniniwala ka sa amin.
@Noime: Aalis ka na nga rin pala ano. Pero mas ok yung sa iyo, alam mo kung kelan ka babalik. Si Carme kasi, ewan, walang date, wala kaming hinihintay. Hmmm, yun nga, ako ata ang dapat gumawa ng date para makasama ko siya:D Makataya na nga ng lotto, hehe.
@Vanny: Hindi kami malungkot, drama lang yan, hehehe. Kaya ikaw rin, wag kang iiyak:D Pag yan nalaman nila ate sheng, hehehe.