14 hours na lang.

7 Comments » June 13, 2008 » 645 days ago
Uncategorized

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

waiting

Labing-apat na oras na lang at makikita na kita, saya:D

Stratpoint OJT 2008

1 Comment » June 12, 2008 » 646 days ago
Uncategorized

Stratpoint OJT 2008 Photo Mosaic

Original Image (2000×1498)

Ikaw at ako

29 Comments » June 5, 2008 » 654 days ago
Litratong Pinoy

banaue wood carving

Akala ko nga dati magiging June bride ako.

Naalala ko bigla nuong nag-backread ako sa kanyang blog. Ang kanyang mga posts tungkol sa kanilang dalawa, sa mga nararamdaman, sa pag-asa, sa paghihintay. At naisip ko,

Buti na lang hinde.

Mabuti nga ba? Hehehe. At sa ating paghihintay, na sa wakas ay makasama ang isa’t isa. Iilang gabi na lang ang pagkakapuyatan, at sa isang linggo, araw ng sabado, paggising ko’y makikita na kita.

Itago mo na ang takot, at ikubli ang kabang nadarama. Itira na lamang ang sayang dulot nitong pinakahihintay na pagsasama.

(sabay) yay!

Ito ang aking pag-iisang-dibdib post para sa ika-sampung linggo ng Litratong Pinoy. Ang nasa litrato ay isang kahoy na sculpture na aking nabili nuong nag-fieldtrip kami sa Banaue nong nakaraang taon, buwan ng Pebrero, na aking kinuhanan kani-kanina lang sa aming bubungan. Nung una ko itong nakita ay nagustuhan ko na, ang drama kasi, kaya binili ko kagad, hehehe.

bbfn

43 Comments » June 1, 2008 » 657 days ago
blog update

bbfn.

BBFN — BaBay For Now.

June 12 – independence day. finally, karmi is home. :)

ilang araw na lang, mararanasan ko na naman ang 13 hours na flight mula LA hanggang Pinas. worth it ang halos isang buong araw na biyahe, ang pagkakaroon ng jetlag, ang matagal na paghihintay sa pila, at ang pagkain ng airplane food. worth it lahat dahil matapos ang halos 2 taon ay makakauwi na rin ako. sa wakas.

malalanghap mo na naman ang polusyon ng Maynila.
gasti

Jollibee.
Gamol.
National Bookstore.
San Mig Light.
MRT.
Cubao.
patok.
Ali Mall.
Araneta Coliseum.
PUP.
Red Horse.
trapik.
Lucky Me! Pancit Canton.

sarap.

halos isang buwan din akong mawawala. ibig sabihin, isang buwan din akong di makakapagupdate dito sa idlip. babay na muna po sa inyo. salamat kung bibisitahin nyo pa rin ang idlip kahit na wala ako. :) mago-online pa rin siguro ako, pero sa twitter na lang ako magu-update.

*******

EB time! EB time!!

para sa mga “katagpo” ko paguwi ko, text ko na lang kayo. ^_^ kita-kits na lang…

oi ikaw. oo, ikaw nga… sa 14 ha. :)

bbfn,
karmi_

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.