Iba ang nakikita sa nadarama.

24 Comments » July 30, 2008 » 592 days ago
Litratong Pinoy, maalaala ko kaya

Wala na ata, di na natin mahahanap yun.
Haaay.

Ang lakas pa rin ng init ng araw at mukhang masusuyod na namin ang walang hanggang dalampasigang aming nilalakaran ngunit hindi pa rin matatanaw ni anino ni Fermit, oo, Fermit the Crab. Bumalik kami sa aming pinanggalingan, at tinungo ang mahabang daungang nakaturo sa papalubog nang araw.

May isda o!:D
O asan?

Kung alam lang niya na higit siyang mas kaaya-aya sa kahit na anu pa mang tanawin. Na ang boses niya’y higit sa kahit na anu pa mang musika. Naglakad-lakad kami palibot sa daungan, nagkatakutan na baka mahulog sa may dulo at nagkatuwaan na magbalanse sa gilid nito. Ang presko ng hanging nagmumula sa karagatan, na bumabango sa halimuyak ng kanyang buhok.

At nakita namin sila papalapit mula sa kalayuan, papunta rin sa aming kinatatayuan— namamasyal kagaya namin.

Gusto mo kunan ko siya ng litrato?

Nabigla ako sa kaniyang sinabi kahit na alam kong hindi naman lingid sa kaniya ang pagkakagusto ko sa iba, e kitang sa kanya ko unang sinabi ang tungkol doon, noon. Teka, bakit parang naging seryoso siya bigla. Nawala panandalian ang ngiting nakaguhit sa kanyang mukha, na tila bang naanod papalaot sa dagat, na muling nabalik nang kanyang nang sabihin sa kanila ang mga kataga,

Kunan ko kayo ng piktur!:D

Hindi ko na lang siya tinignan sa kanyang ginagawa, ngunit naririnig ko ang kanyang boses. Masaya naman kaming magkasama ah, ngunit bakit kailangan pa niyang gawin ito? Hindi na rin ako nakatanggi. Hinayaan ko na lang siya. At ngayon napagisip-isip ko, dapat pala’y pinigilan ko siya’t sinabing hindi na kailangan dahil.. dahil.. dahil sa kanya. Gusto ko siya at wala na akong ibang iniisip pa.

Maala Port

Isang group picture, off-center? Hinde. Sakto nga sa gitna e. Pero paano kaya kung hindi na lang ako nagkagusto sa babae sa litratong kanyang kinuha o di kaya’y di na lang niya nalaman? Hindi ba niya naramdaman na mas matimbang siya kaysa sa kahit na sino pa man? Manghihinayang ako nang sobra kung malaman kong naging mas maganda sana ang kinahantungan ng aming istoryang dalawa kung sakaling sinabi ko na,

Siya ang tinuturing kong unang babaeng aking inibig.

Ito ay ang aking lahok para sa lingguhang Litratong Pinoy na may kategoryang Dalampasigan. Ang litrato ay kinuhanan niya, ang babaeng kasama ko sa kwentong iyong nabasa. Sa kanya rin patungkol ang istoryang inilahad ko sa aking Tubig entry. Ito ay kinuhanan sa may South Dock ng Corregidor Island nuong early 2004.

Kung may magtatanong man, masaya ako kay karmi my labs, hehehe. Ito ay isunulat base sa aking nararamdaman nuon, at oo, maniwala man kayo’t hinde, malinaw pa sa aking alaala ang araw na iyon. Friends pa rin kami nung babaing aking tinutukoy sa post na ito. Binati ko nga siya sa birthday niya nung nakaraang linggo. May iba pa kaming pictures dati kaya baka ipost ko kapag tugma sa kategory, at madurugtungan ulit itong kwento:)

Sali ka na sa 1st Official Litratong Pinoy EB!

tapos na ang kahapon, ang mahalaga’y ngayon

3 Comments » July 30, 2008 » 593 days ago
emo daw, writings

what are you doing?
sundance sir. para di tumuloy ang ulan.

kung may sundance para di umulan, meron din bang pwedeng sayawin para di matuloy ang pagpatak ng mga luha?

nakita ko ung mga picture nila. oo, hindi lang isa, madami. madaming album sa friendster profile nya. madaming posing, ung iba, solo lang nung babae na ang ibig sabihin ay sya ang kumuha ng litrato. wala syang solo picture. o baka naman wala lang syang pinost. di ko alam kung bakit talagang binrowse ko lahat ng mga litrato nila. di ko alam kung bakit tinuloy ko pa rin ang pagclick sa next button para lang makita ang susunod na larawan. di ko maintindihan ang sarili ko. masokista. un nga siguro ako.

ok na rin at masaya na sya sa buhay nya ngayon. in fairness, mukha naman silang happy. mukha syang happy at un naman ang importante. kahit na di masyadong maganda ang nakaraan namin, gusto ko pa rin namang makita syang nakangiti at masaya kasama ang mahal nya. pero bakit ganito na lang ang nararamdaman ko? bakit parang nasaktan ako? bakit may mga ala-alang bumalik? mga ala-alang nabaon na sa limot. ewan. un naman lagi ang sagot eh. ewan ko.

There comes a point in your life when you realize

who matters,

who never did,

who won’t anymore…

and who always will.

So, don’t worry about people from your past,

there’s a reason why they didn’t make it to your future.

masaya na ako ngayon. sobra. kuntento at wala nang mahihiling pa. pero bakit ganito? bakit bigla-bigla na lang akong nagdadrama? di lang siguro maiiwasang maapektuhan ng nakaraan. ang nakaraang parte na ng buhay ko, ang nakaraang nagbigay sa akin ng mahalagang aral. ang nakaraang naging tulay para makilala ko ang ngayon ko.

at sabi mo, malayo pang bukas, tapos na ang kahapon.. ang mahalaga’y ngayon.. andito ka ngayon o sinta…
Sinta, Sugarfree

hmmm, ok rin siguro tong nangyari, dahil sa bawat oras na naaalala ko ang nangyari noon, mas pinahahalagahan ko ang kung anong meron ako ngayon dahil ito na ang gusto ko hanggang bukas. :)

uber hotness

7 Comments » July 29, 2008 » 594 days ago
so random

ito na siguro ang masasabi kong modern way of doing FLAMES. :D

plugoo_145: [carme] ano nga ulit middle name mo?
arvin: ma pailoveilove you na tayo
arvin: ortega po
plugoo_145: [carme] hehehe. kaya nga.
plugoo_145: [carme] ahhh
arvin: bakit?
plugoo_145: [carme] arvin ortega castro
plugoo_145: [carme] carme anteola francia
plugoo_145: [carme] flames mo nga. hehehe
arvin: sabi ko na nga ba e
arvin: ginawa na natin yan ah
arvin: hehehe
plugoo_145: [carme] :D jologs gelprend mo eh Read the rest of this entry »

pag-ibig ko ang aakap sayo

9 Comments » July 26, 2008 » 597 days ago
heart-to-heart, writings

sobrang hirap ba??

tanong sa akin ng pinsan ko kanina habang ka-chat ko sya. namomoroblema kasi sya dahil pupunta ng Canada ang girlfriend nya at magkakahiwalay sila for 8 months. tinatanong nya ako kung mahirap ba ang long distance relationship. i wonder kung bakit ako ang naisipan nyang tanungin tungkol dito.

mahirap nga ba? hmm, oo naman. hindi biro ang long distance relationships. lahat na ata ng oras, lakas at pasensya mo eh kelangan nito. i would know, parang naging ‘guru’ na nga ata ako pagdating sa topic na ito. mahirap talaga dahil di mo nakakasama ung mahal mo, di mo nayayakap, di mo nahahawakan. mahirap ipadama ang nararamdaman sa taong malayo sayo. kulang ang paguusap sa telepono, kulang kahit na araw-araw kayong magka-chat. pero dahil mahal mo, gagawin mo lahat kahit mahirap, just to make the relationship work.

nag wowork ba yung ganun lang?
hmm.
depende naman sa inyo eh

kahit naman ano atang relationship, dalawang tao ang involved. so, nasa paguusap nyo na rin un diba? maraming tutol sa LDR dahil sa mga obvious na dahilan — ung layo, unfaithfulness, pagkasawa, o ung pagkawalan ng pag-asang makasama pa ang isa’t-isa. aminado akong tutol ang mga kaibigan ko sa LDR, ilang beses na rin nila akong sinabihan na magingat dahil nga di mo sigurado ang kalalabasan. tama nga naman sila. di mo nga naman alam kung anong pwedeng mangyari.

sa 3 years na stay ko dito sa America, isa lang ang napatunayan ko, makulit talaga akong bata. dahil kahit na alam kong mahirap ang LDR (and considering na ung last relationship ko eh di rin nagwork), heto na naman ako. another LDR…. (love you arvin. :D) panibagong pagbababad na naman ito sa harap ng computer. :)

mahirap talaga ang LDR, pero kung kasing sweet ni arvin ung kaLDR mo, na kakantahan ka pa, eh mas madali. :)

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Out of my League – Komski

depende talaga. kung pareho kayong willing na maghintay na dumating ung panahong makasama nyo muli ang isa’t-isa, magwo-work ang LDR. nasa sa inyo na lang un kung pano nyo ipaparamdam ung pagmamahal nyo. kung gusto nyo, gawa na lang din kayo ng blog katulad namin ni arvin, pwede ring magrecord din kayo ng kanta o kaya gumawa ng video.. hehehe… :D may snail mail, email, YM, Gtalk, twitter, skype, plugoo, phonecards, at nito lang eh, nakadiskubre si arvin ng site na pwedeng tawagan ang celphone ko.. tulad nga ng lagi kong sabi, kapag gusto, maraming paraan.. :)

hindi pwedeng isipin na hindi sapat ang mga kaya lang natin gawin, edi hindi nga talaga tayo tatagal kung ganun.

– arvin

alam kong natatakot ang pinsan ko sa pwedeng mangyari, pero sinabi ko lang sa kanya na wag masyadong magalala’t basta di dapat mawala ang communication nila. 8 months lang naman eh, saglit lang un. :) sinabihan ko rin sya na magpakabait na lang habang wala ung girlfriend nya. hehehe.. mga lalake kasi eh. :P

mahirap nga ang LDR, pero meron pa rin naman ang nagwo-work kahit na magkalayo sila. :) syempre, im hoping na maging happy ending din ang love story namin. :)

tubig galing pinas

37 Comments » July 23, 2008 » 600 days ago
Litratong Pinoy, emo daw

note: para sa LP ngayong linggo, ako (karmi) po muna ang gumawa ng entry. :)

picturan mo ko. gusto ko ung madrama ha. ung pang-friendster.
o sige.

*click*

o ayan, madrama yan ha.
oo nga. hmm, punta tayong san francisco diba?
oo.
so, anong body of water to?
pacific ocean.
ha? pacific ocean?
oo. bakit?
syet, tubig galing Pinas.

Aug. last year, pinuntahan ko ang aking kaibigan na nasa Sacramento para magbakasyon. i needed the break, sobrang OT kasi sa trabaho kaya naisipan kong magleave ng anim na araw. sabi nya sa akin, magd-drive daw kami papuntang San Francisco. lalo akong natuwa dahil gustong-gusto kong makapunta doon. nagdrive kami sa Highway 1. sa kahabaan nito’y madaming beach kang madaraanan. mga ilan din ung tinigilan namin para magpictorial kaming dalawa.

may namiss ka ano?
ako? wala noh.
sus, wala daw. senti-sentihan ka na naman..

habang tinitingnan ko ang larawan na kinunan ng aking kaibigan, di ko mapigilang magdrama. Pacific Ocean ito. itong malaking karagatang ito ang nasa pagitan ko at ng Pinas. Pacific Ocean ang pagitan naming dalawa. malayo, malalim. hindi pwedeng languyin lalo na’t di naman ako marunong lumangoy. wala akong ibang magawa kundi ang tanawin ang kalawakan nito. parang gusto kong sumigaw, at baka sakaling marinig ang aking tinig sa kabilang parte ng mundo.

pero bakit kelangang nasa kanlurang parte ka ng lugar na kinaroroonan ko ngayon? bakit nga ba ang layo mo?

tubig ito galing Pilipinas.
ilang beses mo nang inulit yan.
oo nga, pero kasi parang so near, yet so far.
emo. ang drama mo talaga.

Ito ay ang aking entry para sa ika-17 na linggo ng Litratong Pinoy na may kategoryang Sa gawing Kanluran. Ang litrato ay kinunan last August, 2007. Bago ko ginawa itong entry ay paulit-ulit kong tinanong ang aking kapatid na babae kung nasa kanluran ba ng Amerika ang Pacific Ocean at Pilipinas na rin. Oo daw, nagkaroon pa tuloy kami ng maikling balik-aral sa HEKASI.

13 na katao na ang kasali sa first-ever Official Litratong Pinoy EB! Swerte ba iyon o malas? Well, para hindi na natin pag-isipan pa yun e edi sumali ka na para madagdagan:D Ang iba pang mga detalye ay narito. (Plug by komski:)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.