Ewan ko na lang kung makalimutan pa kita, hehehe.

Post Info 5 months ago by komski

Halos isang buwan ko ring hindi nagamit ang direct messaging ng twitter. Actually, halos isang buwan ata akong hindi naging full-time online, hehehe. At ewan ko na lang sa mga mabgbabasa nito kung hindi pa niya alam kung bakit, e kitang isang bagay lang ata ang binlog ko sa sa buwang ito.

Hinahanap yung LP mo ah.
Hiniwalay ko e, para naman makonsensya akong magpost ng iba.
E puro naman tungkol sa akin ngayon.
Hehe, nahalata mo rin?

Pramis, next time iba naman ang ibablog ko:D E kasi naman, ang tagal din nating hinintay na magkasama tayo. Kahit maiksi, sobrang mahalaga naman, at kitang minsan lang ako magblog e, kapag gusto ko talaga. At gusto ko talaga, hehehe. Masaya kasi at tsaka para naman kiligin yung mga nagbabasa tulad ni yods, hehehe.

At ngayong nasa amerika ka na, hmmm, hindi ka pa rin naman masyadong nalalayo. Andito ka naman sa puso ko e:D hehe, joke. Tignan mo kaya yung lugar kung nasan ako halos oras-oras?

Atin

Ewan ko na lang talaga kung makalimutan pa kita. E pagkauwi ko’y ngiti mo ang una kong makikita:) Saya. I miss you, sobra, pero hindi ako nalulungkot. Nasasapawan lang ang lungkot ng sayang dinulot mo sa akin, whoa, tagalog na tagalog, hehehe. Inaantay ko pa rin yung post mo ah:D Pag yan maigsi, bahala ka, hehehe.

Hindi na ako magugulat kung paminsan-minsa’y titigil na lang ako’t mapapatitig sa ating litrato’t mapapangiti ng sobra. Mukhang tange? E ano naman di ba? Hehe.

Post a Response Comment icon Posted July 3rd, 2008 at 9:29 pm

17 Responses to “ Ewan ko na lang kung makalimutan pa kita, hehehe. ”

  1. yods

    wow, pareng komski talgang special mention ako ha. salamat. hehe.

    saksakan naman talga ng kaswitan o. ang sarap talgang basahin mga entry ng mga inlab. nakakapagbigay ngiti sa aking mga labi at nakakapagbigay galak sa aking puso. wee!

    :)

  2. Arvin

    @Yods: kaya ka naspecial mention e, hehehe. Buti naman at may natutuwa pa:) kasi kami hinde, hahaha, joke.

  3. carme

    ang laki talaga ng mukha ko dyan sa pic na yan..hahaha.. :P ito na nga eh.. gagawa na ako ng post.. :P demading.. sus.. hehehe.. ^_^

    masaya din ako. sobra. at mamimiss kita. sobra ulit.. basta magkikita pa rin tau.. =) dapat diba? *yakap*

  4. superboi

    ang sweet naman. :)

    waaah! nakakatuwa naman kayo. paano nagsimula ang lahat. ang sweeet :)

  5. LJ
    LJ

    Yes naman, may photo mosaic. :D

  6. Arvin

    @Carme: Para naman maiba di ba? Hindi yung puro na lang ako yung sumasakop sa buong picture:D hehehe. Oo naman, magkikita pa tayo. Nakatadhana na yan, kahit nga ako, wala na magagawa, haaay. hehehe:D

    @Superboi: Hayaan mo, ifi-feature kami sa Rated K someday, hahaha.

    @LJ: Siyempre, gusto ko lang ipakita yung mosaic, kahit naman iba yung picture na ginamit e, nagkataon lang, hehehe.

  7. superboi

    ay shet pag nangyari yan! kaw na at si karmi :P da best labteam!

  8. Samjuan

    Aww. napaka-sweet naman ng abayan na ito! Nakakatuwa, malayo man, malapit din, yan ang pagmamahal!

  9. Arvin

    @Superboi: Di na namin kelangan ma-feature, kami na talaga:D

    @Samjuan: Malayo man, malayo pa rin ang drama, hehehe:) Haaay, hehehe. Sana kasama ko siya ulet:D Ayus yun.

  10. rimewire

    oh it is love

    hakhak

    elyens nga naman oh

    XXXxx

  11. superboi

    ay nako. sana ako din meh ganyan na labteam :P

    kilig!

  12. Noime

    ang hirap ng inlove. tsktsktsk. :P

  13. yeye

    ui naruto. hahaha

    wag mo xa kakalimutan. ok.

    parang magagawa mo eh noh. eh hindi naman. hehehe

  14. Tin
    Tin

    nakakainggit naman. parang gusto ko ring ma-inlab!

  15. Enday

    how sweet..hehe

    pagtibayin nyo pa ang inyong pag iibigan..

    *apir*

  16. lalaine

    asus! napaka sweeeeetttt naman talaga… kahit saan ako mapadpad sa blog nyo ni karmi… laging madaming langgam, hehehe…

    okay yan… masaya kayo… sana magpatuloy tuloy lang… at sana malampasan nyo lahat ng hirap sa isang relationship…

    yngat palagi…

    nga pala… na add na kita sa blog roll ko :D

  17. kamotenista

    pwede ko po bang nakawin yung yun oh….si Naruto

    napapaalam naman po akong nakawin siya eh..wahaha

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.