kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with Us

Plugoo: karmi | komski: 1, 2
Y! Messenger: karmi | komski

  • ner: 3 tears ke ron for lamentations of a withered tin can. 2 tears ke enday for wasak ^^
  • rio: hahaha..may ganitong agreement din kami ni ate lalaine mo..ang magkakaboyps after four years,after the...
  • krisjasper: 3 tears for Lamentations by RON. vote counted.
  • cryptonyte69: 3 tears for “WASAK” by ENDAY
  • McRey: Boto ko sina: 3 tears - Bahay Kubo 2 Tears - Sanlaksang Katanungan 1 tear - Letting Go Sana naman this time...
  • glesy the great: ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay...

Thank you!

Subscribe to my feed




July 4th, 2008 | homesickness, inlove
YouTube Preview Image

You light my way
You always take my breath away
You set me free
When everytime you smile at me

- Smile at Me, Rocksteddy

isa yan sa mga kinanta mo nung nagvideoke tayo. =) hiya ka pa kuno, pero ikaw naman ung laging may hawak ng mic.. ^_^ (oo na, dahil ikaw lagi ung pinapakanta ko.. hehehe)

arvin & karmi

ikaw pala si komski?

hahaha.. classic. =)

bago ko gawin itong post ay gumawa muna ako ng video para sa ating dalawa.. nakita ko na naman ung mga pictures natin.. ang dami, sabi mo nga, magsama ba naman kasi ang dalawang camwhore eh malamang sa malamang, sawang-sawa tayo sa pagpipicture. nang makita ko ung mga pictures natin, di ko magawang magdrama. nakakatuwa kasi, nakakaaliw. ang saya mo talagang kasama. =)

sino ba namang magaakala na ang nagumpisa sa pagiging blogfriends ay magiging ganito - more than blogfriends na. =) (may labteam na nga tayo at si yods ata ang presidente.. hehehe..) kaya lang, bakit sayo pa diba? pwede namang ibang blogger na lang.. :P hahaha.. (peace arvin..) salamat nga dahil ikaw.. ^_^ you never fail to make me smile.

sa halos 3 weeks na stay ko dyan sa Pinas, ilang araw din kitang nakasama.. kung san-san tau napunta, nakagala.. at nakapunta pa tayo sa inyo. =) pasalamat ka sa akin, dahil nagkaroon tuloy kayo ng handang spaghetti. =) hehehe.. grabe, sobrang thank you dahil ambait nila sa akin.. sayang nga lang at saglit lang ako nagstay sa inyo..

lagi mong sinasabi sa akin, nung naguusap pa lang tayo online, na ang kulang na lang eh ang magkita tayo ng personal.. oo, tama ka.. dahil wala talagang nagbago sa ating dalawa.. nakakatuwa nga dahil kung ano ka online eh ganon ka rin sa personal.. feeling close na agad tayo sa isa’t-isa na para bang magkakilala na ng matagal.. =)

isa ka sa mga naging dahilan kung bakit naging masaya ang paguwi ko. =) salamat ha..

ngayon, balik na naman tayo online. chat, email, blog at twitter na naman.. di na kita mayayakap.. sobrang mamimiss ko ung ilong mo. mamimiss ko ung kulitan natin.. tawanan.. mamimiss talaga kita arvin.. haaaay, drama na ba ito? wag. sa next post na lang. =) hehehe.. alam ko din naman kasi na magkikita pa tayo.. sana lang diba maintay natin ang isa’t-isa.. sana kayanin natin. =)

salamat talaga sayo arvin. =) super thank you..

june 12- june 30.

worth it ang 14 hours na biyahe pauwi.. sobra.. bitin pa nga eh.. =)

halos isang buwang din akong nasa Pinas. halos isang buwan gumala, at nagsaya kasama ang pamilya at ang mga kaibigang matagal ko nang panahon bago ulit nakita.. nakakatuwa, nakakaaliw dahil ganon pa rin sila.. walang pinagbago, kung meron man eh makukulit pa rin sila.. =)

mula, elem., HS, at college pati na ring mga dating katrabaho eh nakita ko silang lahat.. walang patid na kwentuhan, walang patid na kulitan.. nakakamiss, sobra.. dahil alam kong matapos ang aking bakasyon sa Pinas, ay di ko na ulit alam kung kelan ko sila makikitang muli.. teka, bat ang drama nun? hehehe.. bawal nga palang magdrama.. dahil alam kong uuwi ako ulit at makikita ko silang muli. :D

sa aking paguwi, nagkaroon din ng EB kasama ang mga bloggers.. nakakatuwa dahil halos lahat ng inimbita ko ay nakarating.. =) sayang nga lang si ate karen, dahil may malaking balita noon kaya di sya nakasama.. sayang talaga.. salamat nga pala sa mga bloggers na nagpunta.. kay yeye, na nauna sa gateway at naka-uniform pa, kay mareng lojik na kahit hindi na sya active sa blogging ay nagpunta pa rin.. kay masterbetong na naging official photographer ng EB.. kay rob, sobrang thank you dahil nagundertime ka pa para sa akin! hehehe.. kina ate lalaine at dra. rio, na nakatalikod pa lang ako eh nakilala na ako kaagad.. (dahil daw sa post ko).. salamat din pala sa hanny.. :) kay tin, na di rin tinapos ang seminar na inatenan nya.. :) kay ate cielo, na binitbit si ate sheng, salamat sa kulitan at tawanan.. kay sissy vanny na biglang nagkasakit nung 18.. hahaha.. :P at syempre, kay kuya majorkontrapelo, na kahit late eh nagpunta rin.. salamat sa panlilibre sa dencios.. :) ay kasama syempre, si arvin, na lahat ata ng ng tao eh nagulat na sya daw pala si komski.. hehehe.. ^_^ super thank you talaga sa inyo.. =) kina chester, noime, janis, salamat sa mga text message nyo… sayang di ko na kayo nakita, naging busy na kasi.. :) si yods ang gusto ko ring mamit kaso, naka-hiatus naman sya nung panahong un.. haaay, basta sa susunod na uwi ko na lang.. =)

mga idlipero. =)
ako. yeye. arvin — mga idlipero.


superbowl. =)


backview..

nakipagkita nga rin pala ako kay gasti, pero dahil sa sobrang sikat sya at nagpapaka-anonymous pa rin, pinakiusap nyang wag ko daw ilagay dito ung picture nya.. :) pero dahil makulit ako bata, eto na.. =) hehehe..

gasti.

bitin ang tatlong linggo, pero masaya na rin. =)

nagpunta ako ng ortigas at nakipagsiksikan sa MRT, para lang mapanood magperform ang Grin Dept. sa Pioneer.. nagpunta ng Trinoma saktong andun ang Project One.. naging tambay ako ng gateway ng ilang araw at nakapunta rin ako ng La Mesa Eco Park.. napadad ako sa MOA, para samahang magsukat ang aking mga kaibigan ng uniporme, tapos ay nagpunta ng Manila Ocean Park.. sumaglit sa PUP, para magsenti mode, pagtapos ay binalak sumakay ng patok pero di na rin natuloy.. nagpunta ng Bulacan para ma-meet ung parents nya, na naging ok nman. =) nagnight swimming rin kasama ang mga HS barkada at namit rin ang mga grade school friends na after 12 years eh nakita ko ulit.. binagyo pero parang wala lang, dahil nasa megamall pa rin kahit na signal #3.. pero sa lahat, ito talaga ang pinakamasayang nangyari sa buong stay ko…


i love you jabi!

ang magkaroon ng picture kasama si Jollibee! :D kakilig.. hahahaha…

pero ang totoong rason, kaya kami umuwi eh dahil ikinasal ung kapatid ko. :) naging ok naman ung kasal, mejo umulan nga lang nung umaga.. naging babae ako, for once.. hehehe.. =) pictures? hmmm, ito isa..


peace!

hahaha.. =) iba daw ang itsura ko kapag naaayusan.. :P sa ibang pictures, check nyo na lang multiply ko.. =)

naging masaya ang stay ko sa Pinas. nasabi ko na bang bitin? sobrang bitin… kaya uuwi ulit ako. :D may babalikan kasi eh.. ^_^

http://carmefrancia.multiply.com.. =)