sa wakas *the post*

Add comments July 4, 2008 » 618 days ago
blog update, heart-to-heart, homesickness

june 12- june 30.

worth it ang 14 hours na biyahe pauwi.. sobra.. bitin pa nga eh.. =)

halos isang buwang din akong nasa Pinas. halos isang buwan gumala, at nagsaya kasama ang pamilya at ang mga kaibigang matagal ko nang panahon bago ulit nakita.. nakakatuwa, nakakaaliw dahil ganon pa rin sila.. walang pinagbago, kung meron man eh makukulit pa rin sila.. =)

mula, elem., HS, at college pati na ring mga dating katrabaho eh nakita ko silang lahat.. walang patid na kwentuhan, walang patid na kulitan.. nakakamiss, sobra.. dahil alam kong matapos ang aking bakasyon sa Pinas, ay di ko na ulit alam kung kelan ko sila makikitang muli.. teka, bat ang drama nun? hehehe.. bawal nga palang magdrama.. dahil alam kong uuwi ako ulit at makikita ko silang muli. :D

sa aking paguwi, nagkaroon din ng EB kasama ang mga bloggers.. nakakatuwa dahil halos lahat ng inimbita ko ay nakarating.. =) sayang nga lang si ate karen, dahil may malaking balita noon kaya di sya nakasama.. sayang talaga.. salamat nga pala sa mga bloggers na nagpunta.. kay yeye, na nauna sa gateway at naka-uniform pa, kay mareng lojik na kahit hindi na sya active sa blogging ay nagpunta pa rin.. kay masterbetong na naging official photographer ng EB.. kay rob, sobrang thank you dahil nagundertime ka pa para sa akin! hehehe.. kina ate lalaine at dra. rio, na nakatalikod pa lang ako eh nakilala na ako kaagad.. (dahil daw sa post ko).. salamat din pala sa hanny.. :) kay tin, na di rin tinapos ang seminar na inatenan nya.. :) kay ate cielo, na binitbit si ate sheng, salamat sa kulitan at tawanan.. kay sissy vanny na biglang nagkasakit nung 18.. hahaha.. :P at syempre, kay kuya majorkontrapelo, na kahit late eh nagpunta rin.. salamat sa panlilibre sa dencios.. :) ay kasama syempre, si arvin, na lahat ata ng ng tao eh nagulat na sya daw pala si komski.. hehehe.. ^_^ super thank you talaga sa inyo.. =) kina chester, noime, janis, salamat sa mga text message nyo… sayang di ko na kayo nakita, naging busy na kasi.. :) si yods ang gusto ko ring mamit kaso, naka-hiatus naman sya nung panahong un.. haaay, basta sa susunod na uwi ko na lang.. =)

mga idlipero. =)
ako. yeye. arvin — mga idlipero.


superbowl. =)


backview..

nakipagkita nga rin pala ako kay gasti, pero dahil sa sobrang sikat sya at nagpapaka-anonymous pa rin, pinakiusap nyang wag ko daw ilagay dito ung picture nya.. :) pero dahil makulit ako bata, eto na.. =) hehehe..

gasti.

bitin ang tatlong linggo, pero masaya na rin. =)

nagpunta ako ng ortigas at nakipagsiksikan sa MRT, para lang mapanood magperform ang Grin Dept. sa Pioneer.. nagpunta ng Trinoma saktong andun ang Project One.. naging tambay ako ng gateway ng ilang araw at nakapunta rin ako ng La Mesa Eco Park.. napadad ako sa MOA, para samahang magsukat ang aking mga kaibigan ng uniporme, tapos ay nagpunta ng Manila Ocean Park.. sumaglit sa PUP, para magsenti mode, pagtapos ay binalak sumakay ng patok pero di na rin natuloy.. nagpunta ng Bulacan para ma-meet ung parents nya, na naging ok nman. =) nagnight swimming rin kasama ang mga HS barkada at namit rin ang mga grade school friends na after 12 years eh nakita ko ulit.. binagyo pero parang wala lang, dahil nasa megamall pa rin kahit na signal #3.. pero sa lahat, ito talaga ang pinakamasayang nangyari sa buong stay ko…


i love you jabi!

ang magkaroon ng picture kasama si Jollibee! :D kakilig.. hahahaha…

pero ang totoong rason, kaya kami umuwi eh dahil ikinasal ung kapatid ko. :) naging ok naman ung kasal, mejo umulan nga lang nung umaga.. naging babae ako, for once.. hehehe.. =) pictures? hmmm, ito isa..


peace!

hahaha.. =) iba daw ang itsura ko kapag naaayusan.. :P sa ibang pictures, check nyo na lang multiply ko.. =)

naging masaya ang stay ko sa Pinas. nasabi ko na bang bitin? sobrang bitin… kaya uuwi ulit ako. :D may babalikan kasi eh.. ^_^

http://carmefrancia.multiply.com.. =)

Mga Kahalintulad na Posts



13 Responses to “ sa wakas *the post* ”

  • Finch says:

    welkom back lady idlip :)

  • Malaya says:

    ah nakakainggeet. tama si mmy cielo ang saya raw ng EB. parang gusto kong sisihin yung BIG NEWS na yun. huhuhuh

  • noime says:

    buti at nakapagenjoy ka ate. sayang talaga at di tayo nakapagkita. :(
    pumunta ka naman sa MOA. tsk.

  • lalaine says:

    mukhang sinulit mo talaga bakasyon mo ah!… buti naman at nag enjoy ka ng sobra… sa uulitin uli… uwi ka agad, dami nagiintay… ako nagenjoy din ako sa eb natin eh… hehehe

    yngat! ;)

  • master says:

    post ko kaya dito itsura mo nung kasal. :P hehehehe

  • chester says:

    ate karme!!!

    text text ulit pagbalik sa pinas. kahit matagal pa yun.

    wow. special mesion ako khit konteng time lang tayo nagkatext.

  • Janis says:

    Oo nga eh, sayang talaga, pero may next time pa naman diba? :D hehe
    At wow ha, daig mo pa ako, ni hindi pa ko nakakatungtong sa MOA, Eco Park, Ocean Park at kung san san pa yan :))

  • komski kuno says:

    Yay, update! hehehehe. Parang naging busy ka nga nung andito ka ah:D dami palang naging lakad. Pero buti nga at naging masaya, kaya talagang dapat pasalamatan mo kami, hehehe. We miss you *sniff* hehehehe

  • XTY` says:

    Welcome back! :) Mukhang ansaya ng EB niyo! :D

  • yods says:

    weee!welkam bak sa blog world karmi! kainngit naman mga eb pix niyo. dapat nandun ako e, hindi ko lang kasi nabasa agad mga messages niyo. sayang. waaah! di bale uwi ka pa naman sa sunod di ba?

    buti naman at naenjoy mo uwi mo dito, kaya umuwi ka na uli. haha. di naman masayado hectic sked mo nun no? ang dami mong ginawa.

    umattend ka ng kasal? next uwi mo aatend ka uli ng kasal, sa sarili mo ng kasal. weee! ay sabi ko di ko na lang babanggitin e, pero di ko talga mapigilan dahil sa kilig ko sa inyong lab story ni pareng komski. hehe

    go go go karmski labteam!

  • yeye says:

    haha lahat ng dahilan ng pagpunta sa eb eh nasabi mo pa lalo na sa nagundrtime hahahhhh

    tnx tol sa company. miss na kita agad

    mwah!!

  • rio says:

    maraming salamat din karmi sa EB..
    pagbalik mo d2 sa pinas, eb ulit tau ha at pagbalik mo eb at kasal na ang pupuntahan namin….kasal mo na! yihee!!!=)

  • vanny says:

    hahahha. natuwa ako sa pix mo sis! in ferness. nawala for once ang black nail polish mo! nag iba ang color! :D

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.