ayoko. ayoko. simula pa lang noon ay sinasabi ko nang AYOKO.. pero noon un, iba na ngayon.. wala na akong nagawa, di na rin nakalaban. ung tipong, lumaban man ako, alam kong ako rin ang matatalo. ako rin ang bibigay..
hindi ko pinansin ang mga sintomas, hanggat sa hindi ko na nakayanan.. sakit ng ulo.. sobrang sakit ng ulo na naging dahilan sa hindi pago-online ng ilang araw.. sa halip na gumaling ako, lalo akong nagkasakit.. dahil di ako makapagonline.. *ehem* adik.. pagtapos ng halos 3 araw na di ako nagOL, sumasakit pa din ulo ko.. isa lang ang naging sagot, magpatingin na sa doktor.. takot pa naman ako sa doktor.. pero wala akong magagawa.. kelangan eh.
dumating ang araw. nasa loob ako ng kwartong ngayon ko lang napasok. may upuan sa gitna at sa tapat nito’y may isang poster ng mga letra. pinaupo ako nung doktor at nakipagkwentuhan – kung bakit daw ako andun.. ano daw bang nararamdaman ko.. muli, sinabi ko ang walang patid na pagsakit ng ulo ko.. sinimulan na nyang tingnan ang aking mga mata.. may kung anong machine ang itinapat nya dito, at inadjust ang mga lense.. tinanong kung malabo ba o malinaw.. noong mga panahong iyon, kinabahan na ako.. kelangan ko na nga atang magsalamin.. pero ayoko eh.. ayoko talaga..
natapos ang checkup. 50/50 daw.. grabe, naghihingalo lang.. sabi ng doktor, di ko naman daw kelangan ng salamin, pero mas mainam na kapag nasa trabaho ako eh magsalamin na ako.. nearsighted daw ako.. haaay, ito nga ata talaga un.. its official, magsasalamin na ako..
dumaan ang ilang buwan, di ako nakpagpasalamin dahil nga umuwi ako ng Pinas. binalak ko pang doon na magpagawa para mas mura, pero di ko na naisip pang gawin iyon.. sayang ang araw, gagala na lang ako.. hehehe..
unang araw kong bumalik sa trabaho. whoa. nanibago talaga ako.. sasaglit pa lamang akong nagtatrabaho ay hirap na akong tumingin sa mga monitors.. oh noh, ito na nga talaga.. kelangan na..

kaya ayan. di ko na kinaya, kaya nagpasalamin na ako.. nagfifiling na matalino.. hehehe.. di pa rin ako sanay (as of this writing) na may salamin.. at dahil pango ako, laging nahuhulog ung salamin ko.. :P goodluck.. hehehehe..
ako: ma, kelangan ko na ata talagang magsalamin.
ma: ayan kasi computer ka ng computer, talagang lalabo mata mo..
dad: hay naku, nahuli ko yan nung isang gabi, alas-dos na ng madaling araw, nakacomputer pa rin. tapos magrereklamo na masakit ang ulo..
ako: ….. (sabi ko nga, di na ako magsasalita eh…)













aww pero ntwa ako sa snb ng mom mo
nko ang hrap ng gnyan ano? mukang need ko na maxado mag pc..
i mean hnd na maxado mag pc*
wooo! feeling geek na tayo ate! :D grabe pag may salamin na oh, nerdy nerdy look! haha! fashion! :D
sayang, di tau nagkita ate. NEXT TIME! kelan ulit balik mo dito?
nakakapanibago nu?
lalo na pag di ka sanay makita yung mga bagay ng malinaw
hehe..pero enjoy na yan pag nagtagal..
bababa pa grado mo pag lagi mo yang suot
*apir*
naalala ko nung first time ko magsalamin… nakakalimutan kong may salamin ako at kapag nangati mata ko eh yung salamin ang nakakamot ko, hehehe…
makakasanayan mo din yan (sana).. kase yung sakin nde ko na sinusuot… tiis ko na lang sakit ng ulo at hilo ko… bad ako eh… (wag moko susumbong sa bf ko ha?.. magagalit yun!) hehehe…
yngats! bilis ng update dito ah :D
Welcome to the club! :D
May free eye check-up dito sa office namin sa 15. Makakapagpacheckup ako ulit sa wakas. Sana naman hindi tumaas. Pero mas mataas pa rin ako sayo. :P
Astigmatism ung sayo di ba? Try mong magsalamin everyday for one month. :P
naku baka tumaas pa yan later on. ingat ingat. sa kin mataas na. more than 10x sa yo. hehehe.
sabi ko na nga ba’t nabulag ka lang eh, hehehe. hala, hinid na ako magpapakita sa iyo, hehehe *yakap* patingin nga mamaya kung bagay sa iyo, pero parang mas gusto ko ata ang wala ah. Mahihirapan tayo diyan, hehehehe:D
haahahah!Nakarelate yata ako sa usapan nyo ng parents mo..kasi may probs din ako sa mata kaya madalas sumasakit ulo ko lalo na kapag matagal nakatutok sa pc..kaya kahit minsan madaling araw na ay online parin..kapag sumasakit ulo ko..di ko na pinapaalam sa kanila..tiyak sermon agahan ko..hehe!
welcome back karmz!
ako din lagi nahuhuli ng madaling araw na gising at pinapagsabihan din ako.
hahahah!! sa ngalan ng pag-ibig, walang salamin at sakit ng ulo na pipigil. :D heheheh
ill add you in my links ha :D
nakuh buti naman ako kahit paano hindi pa naapektuhan ang mata ko kahit alam kong inaabuso ko na to. btw i added you into my simplyrachel link sis
welcome to the club… kaisa ka na namin sa pagsusuot ng ‘ANTIPARA’…
hala! same tayo sis! kaso ako matagal ng nagsasalamin. kaso di ko lagi ginagamit. kinakaya ang di makayanan! hehe..
nung nag eb tayo dapat mag eyeglasses ako kaso baka asarin ako na pa-genius effect eh. haha.
kaya eto, nagcontacts na lang ako. hehe. para kikay. you know.. joke. haha.
missYu sissy! muahmuah!
di ko na naibigay si hello kitty sayo.. :(
nakalimutan kong sabihin, ang kyuuuuttt mo sa picture na yan sis!
PS.
di mo na need ipakita yung eyes mo kc matatakpan naman yan ng eyeglasses.. so akin na lang yan ha? hehehe. di pa rin kita tinantanan sa eyes mo sis. :D