Iniisip pa lang nakakapapagod na.
Add comments July 9, 2008 » 611 days agoLitratong Pinoy, buhay bahay
May nakikita ka bang mali sa litratong ito? Wala naman di ba? Pwera na lang kung iisipin mo kung bakit ang aking bisikletang dapat ay ginagamit na pang-ehersisyo para naman mabawasan ang mga naipong taba sa katawan ay nakasabit sa may kisame. Ito ba ay upang mawarm-up ako, na bago pa man simulan ang pagpadyak sa mga pedal palabas ng bakuran ay pagpapawisan na ako sa pagkuha pa lang nitong bisikleta?
Basahin mo ulit yung title. Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit kahit gustuhin ko mang pumayat kahit kaunti ay hindi pa rin nangyayari. Ang isang balingkinitan na katawan ay isa na lamang malayong pangarap, isang matayog na bituin sa kalaliman ng gabi. Grabe, drama.
Ito ay ang aking entry para sa lingguhang litratong pinoy sa kategoryang balingkinitan. Ang litrato ay ang aking bisikleta na nakatago sa may tahian/tabasan, sa aming likod bahay habang ito ay nakasabit sa kisame. Maaari mo ring tignan ang iba pang mga lahok.
Malapit ka lang ba sa Maynila? Sali na sa Litratong Pinoy EB! Makilahok, mamasyal, manguha ng litrato sa buwan ng LitrAgosto! O ha, may halong advertising powers pa, hehehe:D Ang iba pang mga detalye ang makikita sa forum thread na ito. Join ka na!














display db? parang ang aking wii fit! haha, mistulang weighing scale ang dating dito sa bahay! haaay!
Ikaw ay si Shikamaru sa Naruto! Lahat ay ‘troublesome’ wahahaha.
haha.. muka ngang di magagamit… hirap abutin eh..gandang huwebes..
oo nga, pag-abot pa lang sa bisikleta tulo na pawis mo diyan. ganun na lang ang gawin di mo na kelangan magpadyak hahaha!
hello po! napadaan lang sa inyong bahay. :)
lol kaloka pag pasok ko plang sa kwartong yan
lalayas na ako ahha!
ang sipag naman ng naglagay niyan
since ako’y isang photography addict din iche-check ko yan…wahaha
ang sa akin ay nasa cellar namin—flat pa, he-he-he malapit na ulit mag fall di pa ako nakakabike.
Hindi naman nakasabit yang bike mo eh, flying wheels sya, weeeeeeeee!!!
Kung nakakapayat nga lang ba ang pagiisip eh ano? tyak sexy na tayo ha ha ha!
oks ang ad mo para sa EB ha, hingi ka ng
Every day is a day to hope for new resolutions. Huwag mawalan ng pag-asa. Balita ko nga, gagawa na daw ng bike lanes ang MMDA. Exercise na, tipid pa sa gasolina.
Magandang Huwebes!
aba, dapat na sigurong ibaba at pagpraktisan para nga mabawasan ang taba he he…
Happy Thursday to you :-)
aba, simulan mo nang ibaba ang iyong bisikleta upang maging balingkinitan ang iyong katawan :)
akala ko pa naman nagpapa-ka-organized ka, uso kasi yan dito sa amerika, yan ang tinatawag nilang vertical storage solution (naks). di bale, hindi ka nag-iisa. kasama mo akong nababalutan ng katabaan dito sa isang sulok kong takda sa ilalim ng araw.
LP Balingkinitan sa MyMemes
LP Balingkinitan sa MyFinds
ibaba na yan at mag ehersisyo na ;)
Happy LP
Sige, istirahin ang katawan para abutin ang bisikleta at di mo mapapansin e balingkinitan ka na pagkatapos – hahaha! :lol:
tama ka. maligayang huwebes! simulan na ang ehersisyo. :)
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/07/lp-15-balingkinitan.html
ibaba na yan at padyakan na heheh!
hahaha! ke’ ganda pa naman ng iyong bisikleta. simulan na ang pagpadyak ng sa susunod na LP at muling ibalik ang temang balingkinitan, ‘di na patahian na may nakasabit na bisikleta ang larawan kundi…isang bisikletang ibinaba lang *joke* :D
hehehe… tatamarin din akong mag-bike. ang init kasi. (humanap pa ng rason ano?)
ibaba na ang bike at sabay tayo bilis :D
napadaan lang po :)
ako rin nakatambak yung bike ko sa sulok. hirap akong kunin dahil sa kadaming dapat itabi bago ako makarating sa kanya kaya pinababayaan ko na lang sya sa sulok. atsaka ang tamad ko kaya, hahaha
haha..
pag ganyan.. tatamarin ka talagang magbike..
ang taas eh! hirap ibaba nyan.
ganyan din yung bike ko eh..
ang resulta?
nangangalawang na bakal na may gulong..
tsk tsk
ang taas nga naman ng bike na yan! ok sa advertisement ah. ;)
maligayang paglilitrato! :)
funny!! kung ako man tamad mag-exercise e. :)
uy ang tinignan ko yung nasa sahig – nagtatahi ba kayo ng tshirt? puede ba mag-order (totoo interesado ako he he) – nag negosyo na no ;)
happy lp, komski! okey tong bagong bahay mo ha…
tama yung sinabi ng isang nag-comment dito..sa pag-abot pa lang ng bisikleta nakapag-stretching ka na, by the time na na-abot mo na yung bisikleta hindi na na mangangalay eheheh
ako nga pagpasok ng room ko, nakabalandra ang mga exercise equipments na binili ko. kaso palamuti sa kwarto na lang ang silbi nya ngayon. haha
nakow..umpisahan na ang ehersisyo, komski. patay kung patay! maligayang lp diyan!:)
hahaha! hindi ko rin nakagamayan ang pagbibiskleta, kahit yung stationary bike, sa pageehersisyo. masgusto ko ng stairclimber. mas marami kasing calories ang nabuburn. :D