July 8 US / July 9 Pinas. dalawang nilalang na nasa magkabilang panig ng mundo. hindi ininda ang 13 hours na time difference. parehong puyat, parehong adik. kaya naman natapos nila ang kanilang matagal nang project.
anong pangalan ng blog natin? karmski?
hmmm, gawa muna ako sa idlip ng subdomain.
ok, tapos saka na lang natin ilipat ung finished blog sa ibang pangalan.
isip ka na ng tagline.
tagline.. tagline.. hanap ka na ng theme.
ok.
grabe, sana magkasundo tayo sa theme ano?
hehehe. oo nga. ano may naisip ka na bang tagline?
wala pa. teka, nagiisip pa eh..
isang blog kung saan nagsama ang parehong writer kuno. isang blog kung saan nagsama ang kanilang mga ideya at mga kwento para maaliw ang mambabasa (sana).
iniisip ko, kapag nagisang blog na lang tayo, pano na ung mga stalkers mo?
stalkers? ako? baka ikaw dyan, pano na ang mga admirers mo.
admirers ka dyan. wala kaya.
isang blog ang naisipang gawin para kahit man lang sa iisang lugar ay magkasama sila. iisa na lang na bahay. isang tambayan. pihadong magiging masaya. ^_^
eh pano kapag nagaway tayo?
eh di hanap ka na ng sarili mong blog ulit.. hehehehe..
dahil kay BO kaya nagkakilala. dahil sa blog kaya naging magkaibigan. at ngayon, *ehem*..
ito na ba talaga? seryoso na?
oo, na-import na natin ung posts natin eh.
ok. :)
matapos ang halos apat na oras na pagkukulitan at pagaasaran sa voice chat, pakikipagaway sa support ng host, muntikang pagkawala ng komski.net, pagiisip ng magandang tagline at paghahanap ng matinong theme at plugins.. naimport na ang mga entries at naayos na rin ng kaunti ang blog.
karmi at komski [dot] net. — when emo gurl meets geeky boi.
ito na nga. =)













naku naman karmi. naiinggit ako sa inyo! may couple blog pa kayo! T_T sino nga pala si B.O?
ayus din ang tagline ha. :)
super guluck sa inyong endeavor he he
haayy.. na-late ako sa pagbisita sa inyo! naku.. hehehe.
suri naman. busy sa shopping, i mean sa work eh. ^_^
goodluck sa inyo sissy!
balik ako bukas. antok na si ako. pagod. huhu. work pa bukas. saturday, may work? hala. wala na ako social life. huhu