kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • Aira Bongco: Wow cute contest. Very nice idea. May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also,...
  • enday: waaah… haba ng mechanics.. gusto kong sumali… haha.. hanap nga ako ng problema para madrama...
  • LJ: parang masaya ito! at parang ang galing mo ring mag-market :)) EMO nga ‘tas masaya hahaha. Pero oo, masaya...
  • jeniffer: ang sweet.. malayo man.. mararating din.. parang globe lang.. piniktyur pa talaga hehehe.. :) adik nga raw...
  • pmonchet: Ito na ang pagpapakalat ng contest. ang problema lang baka walang magbasa ng blog ko....
  • Rob: hindi man ako madrama, sadyang malungkot ang buhay ko. hindi nakakapagtaka na sa edad kong ito, hindi ko pa alam...

Subscribe to my feed




July 13th, 2008 | blabbers

WYSIWYG - What You See Is What You Get. yan ung acronym na ginagamit sa programming para makita mo na agad ung end result ng document na ginagawa mo. tama nga naman, nakikita mo kasi kaagad kung anong itsura ng kino-code mo.. makikita mo kaagad kung meron man mali na kelangan baguhin. kung pangit ang design, kung may wrong ispeling..

What You See Is What You Get. yan din ang laging inilalagay ng mga tao (di naman lahat) sa kanilang mga friendster profile. lalo na ung mga tamad gumawa ng profile, so bahala ka nang alamin kung anong klaseng tao sya.. What You See Is What You Get nga diba? so kung ano man yang nakikita mo, un na un, sya na un.. walang labis at walang kulang.. ilang beses ko na ring muntikang isagot yan sa mga taong nagtatanong kung ano raw ba ang ugali ko.. What You See Is What You Get. kapag masaya ako, makulit ako.. kapag galit naman, minsan tahimik o kaya’y napakaingay.. kapag malungkot ako, umiiyak lang ako.. kung sino ako sa harap mo, un na un.

What You See Is What You Get. hmmm, pero ganon nga ba talaga un? what you see, is it really what you are getting? ewan. minsan kasi hindi rin eh…

kahapon, gumawa kami ng video ng aking mga kapatid.. ‘Rebound’ ng Silent Sanctuary ang aming napagtripang kantahin.. sinave ko na ung vid, tapos ay ipinasok ung CD ng Silent Sanctuary para ma-rip ung kanta at nang mailagay sa vid.. loading ang Windows Media Player, at ito ang songlist na lumabas…


ano daw?

huh? Hawak Kamay ang title na dapat ay Rebound.. Miss Kita Pag Tuesday sa halip na 14.. at ang Fushiang Pag-ibig ay naging Pinoy Hits?! whatda? ipinakita ko ito sa aking kapatid at ilang ulit din naming ineject at ibinalik ang CD, pero ganon pa rin talaga.. akala pa ng kapatid ko eh may bonus CD ung album ng Silent Sanc.. o baka daw peke ung nabili ko.. di naman siguro..

ang weird tuloy nung ginagawa namin ung video eh Hawak Kamay ung title.. weird.. tsktsktsk..

so, What You See Is What You Get pa rin ba? hehehe.. ewan ko lang talaga.. ^_^