kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • cHeRrY mAe: Maitanong lang. Sa prizes epek na 1 year domain name, ibig sabihin ba nun, after 1 year, tsugi na ang...
  • churvah: ay kumain po ako nyan,hahaha! at sakto rin ako sa tulog ng araw na nag comment ako. hahaha!wag na...
  • Aira Bongco: Wow cute contest. Very nice idea. May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also,...
  • enday: waaah… haba ng mechanics.. gusto kong sumali… haha.. hanap nga ako ng problema para madrama...
  • LJ: parang masaya ito! at parang ang galing mo ring mag-market :)) EMO nga ‘tas masaya hahaha. Pero oo, masaya...
  • jeniffer: ang sweet.. malayo man.. mararating din.. parang globe lang.. piniktyur pa talaga hehehe.. :) adik nga raw...

Subscribe to my feed




Eco park.. dalawa.
Saan?
Eco park, La mesa… eco park?
Ah e.. (naguluhan) Fairview kami boss ha (sabay talikwas ng tingin).
Uhm (hainaku) sige, Philcoa na lang… dalawa.

Hindi niya alam yung lugar, hindi ko na lang pinagpilitan yung pagsakay namin dahil ayoko naman ng mahabang usapan, hehehe. E kitang pinag-aralan kong mabuti sa wikimapia yung pupuntahan namin, ultimo yung malaking 80 degree curve ng kalsada ‘pag malapit na sa fairview wet market tinandaan ko, hahaha.

June 17, 2008. Sakto, isang buwan na ang nakalipas mula noon, ngayong araw na ito. Huwag mo na pansinin yung date sa taas, oras sa Amerika yan kaya late ng isang araw. Martes yun, medyo makulimlim nung umaga, umaambon-ambon pa nga ata pero buti hindi nagtuloy. Kakaulan lang nung madaling-araw kaya malamig ang panahon, katumbas nun ang isang masarap na tulog, at trapik sa lansangan. Deadly combination, nalate tuloy ako.

Dumating kami sa eco park lagpas alas onse na. At huwaw, sabi sa travel blogs na nabasa ko, mas onti daw ang tao pag weekdays. Pero grabe, sasampu lang ata yung andun, at dalawa lang ang hindi staff.

Pinareserve ko talaga ‘tong lugar para sa ating dalawa e. =)
Wushuuuu… =P

O ha, nakabola pa, hehehe:D Lakas tuloy naming mag-camwhoring, wala kasing nakakakita. We were one with nature ang drama. Damo sa ibaba, punong kahoy sa itaas, mga samu’t saring baging sa gilid-gilid, what a green world talaga. Maganda, tahimik, presko, malamig, mamasa-masa pa. Parang kahalik mo na si  Inang Kalikasan niyan sa labi, hehehehe.

Eco Park

Parang John Lloyd at Sarah Geronimo lang, hahaha. Nakita ko kasi sa trailer nung A Very Special Love na may scene yun dun e, hehehe, sa may Shell Flower Terraces, yung nasa likod nitong litratong ito. Sayang nga lang kasi bumuhos ang ulan nung hapon, hindi tuloy nakapaglibot masyado. At nagkatipon-tipon tuloy yung mga iilang tao sa loob para sumukob.

Limang grupo, kami ni karmi, mga manong na staff, mga magkakaibigan na camera enthusiasts, isang grupo na gumagawa ata ng photo shoot para sa isang product endorsement, at isang pre-nuptial photo shoot group. All in all, siyam na photographers, tatlong parlorista, tatlong hardinero, isang ikakasal, isang magsyota, at isang pampaputi model.

Ang tanong… sino kaya dun ang may balat sa puwet?

Ito ay ang aking entry para sa ika-16 na linggo ng Litratong Pinoy na may kategoryang Luntian. Ang litrato ay kinuhanan sa may La Mesa Eco Park, nuong ika-17 ng Hulyo, taong 2008. Di ko nagamit yung nabili kong gorillapod-clone ng cdr-king, hehehe. Bumabagsag kasi nung kinabit ko sa poste, ayaw kumapit. Mahal naman kasi nung orig. Ang iba pa naming mga litrato ay nasa multiply. Tignan mo rin ang iba pang mga lahok!

Ilang linggo na lang, Litratong Pinoy EB na!!! Sali ka na, para mas masaya:D Ang mga sasama ay sina LP admin, Lino, iRonnie, Buge, ShutterHappyJenn, SashaSays, Jeanny at kanyang asawa, Pinky, Clicking Away, Angela, Emoterang Nurse at ako, hehehe:D Ang iba pang mga detalye ay nandito. Sali ka na rin!

Leave a Reply

22 Responses to “Ka(ha)likasan”

aysus!! ang sweet…=)

Grabe, hindi naman tungkol sa amin yung post ah:D Sweet pa rin, hehehe.

 

Ka-swit naman nito! Ganda ng litrato, kaso may nakasingit sa likod! Hehehehe!!!

Ang aking LP ngayong linggo ay makikita sa blog na ito:
Shutter Happenings.

Daan ka ha? Salamat!

Ang mali nga diyan e gumamit kami ng flash e ang layo naman nung camera. Ayun, ang dilim tuloy namin. Di kasi nasisinagan ng araw yung spot na yun. Ang kapal kasi ng kakahuyan:D

Si manong nga e, laging istorbo sa amin, hahaha.

 

basta berde, eco park the best. sa susunod sabihin mo sa mamang driver baba ka sa winston, pero medyo malayo layo yan sa ecopark, sakay ka trike, meron yata sa kanto ^_^

The best nga:D Mas alam pa namin yung lugar kaysa kay manong e first time namin pumunta, hehehe. Kumpleto landmarks ko e, Ever Gotesco, Sandiganbayan, Litex, Fairview Wet Market, ‘tas yung kanto after nun KFC. May bangko sa kabilang side, hehehe:D

tapos may maliit lang na banner na Eco Park na pwede mong mamiss.. hehehehe.. galing nga eh, pareho kaming pers tym sa lugar, pero nakita namin.. =)

 

buti naman at hindi lang mall ang pwedeng puntahan sa manila

Hinila ko nga si karmi papunta dyan, hehehe. Niresearch ko pa kung saan maganda pumunta:D Nag-enjoy nga kami sobra, hehehe. Sayang nga lang at umulan, napabalik tuloy kaming Gateway.

 

omg, nasa ecopark kayo! lapit nyan sa house namin sa east fairview. i miss home, all of a sudden. sigh… uuuuy, pero ang very berde ng photo nyo hah. meron nga lang sumingit na mama. pag nauwi ako QC this december, pupuntahan ko yan. thanks for the heads up and happy thursday ;)

Pinatong lang kasi namin sa bakod yung camera kaya ‘di namin napansin si manong. Ang lapad na nga namin, ‘di pa namin siya natakpan ano? hahaha.

hala. ikaw lang arvin ang malapad ha.. :P hehehe

 

How sweet naman…

Malapit lang daw yan sa bahay ng mga magulang ko dyan. Nabalitaan ko nga sa mga kaibigan ko na nagpi-picnic sila dyan. Wala pa kasi nyan nung nakatira pa ako sa Pinas.

Punta ka ‘pag bumalik ka dito:D Enjoy dun.

 

Haw suwiiiit naman! Nakakainggit! Nakakatuwa naman ang kwento mo, natatawa ko habang binabasa ko lalo na yung part na sino ang me balat sa pwet. Naalala ko non meron dalawang tao sa org namin na kapag present sila pareho ay siguradong may kamalasang mangyayari. Haha!

Maligayang Huwebes!

May mga taong talagang ganun di ba? Hehehe. As in, ewan na lang kung pure coincidence lang pero masyadong sakto, andun sila lagi:) Buti naman at may natuwa sa sinulat ko, hehehe. Salamat:)

 

sana tinxt nio ko hehehehe malapit lang kami sa east fairview eh hehehehe

Ok lang yun, nasolo ko naman si karmi, hehehe:D

 

ayyy oh karmi, ‘ malapad’ daw kayo? :D kung bakit naman si manong sa parte mo tumuwad at hindi sa parte ni A, he he.

Kapatid na A, ang sweeeeettt nyo naman!! kasama mo sya sa LP EB?

Gusto ko sana kaya lang hindi pwede e, nasa lugar kasi siya kung saan hindi ko siya mapupuntahan, hindi mayayakap, hindi makakasama, haay. Darating din yung panahon na yon:D

gusto ko rin sanang sumama sa EB.. kaso, haaay.. di pwede eh.. sayang, sayang.. pero may next tyms pa naman.. ^_^

 

ang sweet naman ng litratong ito :-) have a nice time with the LP EB-ing!

Salamat sa pagbisita:D

 

Naman! ka-swit namang talaga eh…at naks ayun o, may intruder kayo si mamang nakatuwadz hehe! Galing tumayming.
Sayang gusto ko rin sanang sumama sa LP EB. ‘Ala bang EB dito sa Tsina? :D

Sayang nga, teka, parang ikaw lang ang alam kong andyan e. Di naman pwede mag-EB mag-isa ‘no? Punta ka ditong Pinas:D

 

Ang sweet kahit di ko makita ang mukha….at nakakatuwa din mga sagot mo dun sa Random Questions hehe,…..

Hehehe, kaya yan napili ko para hindi kami ang mapansin kundi yung luntian na background:)

 

talaga namang inyong sinolo ang pagkakataon…tweet tweet naman.

sana ay marating ko din ang lugar na yan. mukha ngang maganda. dapat ay weekdays din para walang tao…diba!??? ;)

Hala, ba’t parang iba yung tono ng mga sinabi mo? May pagkagreen ata, hehehe:) Oo naman, kasi gara naman kung andaming tao sa loob, di masyado enjoy yun.

 

akala ko sinadya mong maging mysterious ang dating kaya dark yung image niyo at maliwanag yung background. siguro ang may balat sa pwet yung mamang nakatuwad sa linkod hehe. :)

Luntian sa MyMemes
Luntian sa MyFinds

Siguro nga po siya ano? Inistorbo din niya kami nung una e, nung nasa taas kami nung staircase, hehehe, di ba karmi?

istorbo talaga. as in.. :| dapat pala si manong na lang ung ginawa nating photographer ano? hehehe

 

di kaya ikaw si banker? ayaw pakita ang face - deal or no deal? okey naman kahit umulan - kailangan ng human jacket :D
happy lp komski!

Uy, gusto ko yang sinabi mo ah:) Human jacket, sarap nun:D Haay, miss ko na tuloy karmi ko.

human jacket? si arvin po? hmmm.. mabigat.. hahahhaa.. :D

 

ang ganda naman….nakatira ako dati sa lagro…hindi ko man lang ito nadalaw.

sayang, against the light ang litrato niyo! dibale, kahit silhouette lang, romantic pa rin tignan!

pakisilip naman ang aking luntiang lahok! :)

Ay hindi po dahil against the light yan:D Yung flash kasi, inulit namin second time at umayos naman siya:D Hehehehe. Romantic ba, e kitang lumalayo nga si karmi sa akin, hehehehehe.

lumalayo ba ako? di naman ah.. :P

 

sumagot na ako dun sa mga nagcomment dito sa post, eh wala pa pala akong sarili kong comment.. hehehe.. kelangan pa ba? :P
grabe yang araw na yan. umaga pa lang, late ka na.. tapos, mali pa ata ung bus na nasakyan natin o sadyang di lang alam ni manong ung lugar.. tapos inulan pa tau sa eco park at na-stranded pagbalik natin ng cubao.. grabe, di kaya ikaw ang may balat? :P hehehe..

pero kahit na ganon ang nangyari, masaya pa rin.. =) sobra.. di naman masyadong halata sa mga pictures natin ano? hehehe..

oi, di talaga ako lumayo dyan sa pic na yan ha.. ngenge ka.. :P

Kelangan ba? siyempre naman:D Iba pa rin yung nakasulat di ba? Hala, anung ako ang may balat? Siguro kasi ikaw ang katagpo ko kaya ako minalas, kapag iba naman ang kasama ko, ok naman. Hehehehe.

 

wahaha astig! apir… :-D

apir!

 

hay salamat na access ko din ang blog nyo…
hayun…sweet talaga sa blog na ito…nilalanggam…hehehe.

Have a nice weekend sa inyong 2 :)

Salamat din sa pagbisita:D nilalanggam ba? Grabe naman. Hehehehe.

 

aliw kala ko sinadya mo maging mysterious kayo hehe! kilig!

Hehehe, wala naman sinadya sa kahit alin man sa amin e, hehehe. O ha, may ganun:D

 

matamis na sanang tingnan ang luntian kaya lang may kasama kayong si manong na busy sa kanyang ginagawa.

Ang totoo, hindi ko siya napansin nung una, kahit nung inedit ko na siya para ipost dito, hehehe:D Nakita ko lang siya nung may nagcomment na na andun nga siya, hehehe. Nakita ko siguro dati pero hindi ko naisip na panira o kung anu man, hehehe.

 

type ko yung pic niyo! hahahaha. aliiiiw!

Salamat! Siguro kasi hindi kami nakikita kaya aliw, hehehe:D