7-things-i-hate-about-blogging

7 things i hate about blogging

Add comments July 17, 2008 » 352 days ago
blabbers, so random


7 things – Miley Cyrus

The 7 things I hate about you
You’re vain your games you’re insecure
You love me you like her
You made me laugh you made me cry
I don’t know which side to buy
Your friends there jerks when you act like them
Just know it hurts
I want to be with the one I know
And the 7th thing I hate the most that you do
You make me love you

yan ang current LSS ko. hindi na ako makapaghintay makabili ng album nya sa July 22nd. oo, bibili ako ng album ni Miley Cyrus. haha. jologs ko talaga. ah basta, maganda ung kanta.

miss ko na magblog. pero dahil busy ako, di ako masyadong makapagbloghop, hindi makapagsulat ng matinong blogpost. kung dati’y nagkakaoras ako magblog, parang ngayon, wala na. ewan. di ko talaga maintindihan ang sarili ko. pero nang aking marinig ang kanta ni Miley, *idea* may naisip akong blogpost. 7 things i hate about blogging. ayos. pwede. makapagupdate lang. :D hehehe.

  1. to blog or not to blog? since 2000, blogger na ako. nagsimula ako sa geocities, tapos ay lumipat sa pitas.com, naglivejournal, blurty, xanga at tabulas. lahat na ata ng site na pwedeng gumawa ng blog eh pinatos ko na. nagkaroon ako ng ilang account sa blogger tapos ay nagwordpress.. may multiply at friendster blog pa.. tapos last year lang ay nakabili na ako ng sariling domain (na ngayo’y si yeye na ang may-ari), at ngayo’y magkasama na kami ng blog ni arvin.. 8 long years of blogging.. bakit isa ito sa mga ayaw ko? dahil ilang beses ko nang tinangkang iwan ang blogging world, pero di ko magawa.. ilang beses gumawa ng babay na post, pero bumabalik pa rin.. arrghh, nakakamiss.. hahanap-hanapin mo.. parang yosi na once you puff, you can’t stop.. ganyan ang naging epekto ng blogging sa akin.. minsan sinasabihan ko ang sarili ko na get a life, kaso, ito na nga siguro ang buhay ko.. ang blogging..
  2. too many blogs, so little time. isang araw ka lang mawala sa blogging world, naliligaw ka na kapag nagbloghop ka.. sa dami ba naman ng mga nagsusulputang mga bagong blogs eh talaga namang mauubos ang oras mo kakabloghop.. ung tipong, isang buong araw ata ang ilalaan mo para lang mabisita ang mga blog na interesante.. laging kulang sa oras.. kapos talaga.. ayaw ko nito, dahil sa isang dahilan, madalas akong tamaan ng katam.. hehehe.. ^_^
  3. once you got the idea, blog it! isa rin ito sa mga ayaw ko sa blogging.. katulad ngayon, matutulog na sana ako eh, pero dahil sa may naisip akong idea, eto ako ngayon at nagpapakapuyat para lang magpost.. ayoko kasing mawala ang momentum, dahil kapag natulog na lang ako sa halip na magblog, hindi ko na ito maisusulat mamaya o bukas.. in short, kulang ako sa tulog para lang magblog. puyat na naman ako..
  4. trabaho, blog pa rin. hmmm, halos kalahati siguro ng oras na nasa trabaho ako eh nagbabasa ng blog(s). nakagamit na ako ng iba’t-ibang proxy para lang maaccess ko ang blogger.com dahil blocked sya sa trabaho ko. bad karmi. tsktsktsk.. para lang sa blogging eh sumusuway ako sa rules ng trabaho ko. swerte at di pa ako nahuhuli.. (at wag naman sanang mahuli)..
  5. no real life? kapag ginagamit ko ang aking laptop, asahan mo nang buong araw akong nasa harap nito.. sabi ko nga, mas active pa ang online life ko, kesa sa tunay na buhay ko.. hindi ako nakakagala, walang social life. napaka-loser. feeling ko, di na ako marunong makipagusap sa totoong tao..
  6. blogging to microblogging. plurk, twitter. once na naaddict ka sa blogging, feeling ko, kasunod na ang microblogging. tapos nasa register pa ung phone mo. twitter dito, plurk doon. walang katapusang kwentuhan at kulitan. walang katapusang twitteran at plurkan.

And the 7th thing I hate the most that you do
You make me love you

7. blogging is still LOVE. pero kahit na laging walang oras magbloghop, walang maisulat na entry, puyat at kulang sa tulog, kahit na nauubos ang oras sa trabaho, once na napamahal na sa iyo ang blogging, di mo na kayang mawala ito sa buhay mo bigla-bigla.. blogging is something that you hate to love.. teka tama ba un? =) maaring magsawa ka, pero darating din ung point na hahanap-hanapin mo at babalik-balikan..

o, akala ko ba matutulog ka na? ang bilis naman ng tulog mo.
ma, di pa ako natutulog.
hainaku, puyat ka na naman nyan.
wala naman po akong pasok mamaya eh..
bahala ka nga..

i so love blogging. :D

Mga Kahalintulad na Posts



8 Responses to “ 7 things i hate about blogging ”

  • komski says:

    8 years? Grabe, ikaw na ang pinakamatagal kong blogger na kakilala, hehehe. Buti naman at nakapagpost ka na, at bawi ha, ang haba:) Yosi talaga naisip ano? Pwede naman pringles ah,”when you pop…”, hehehe. Kita mo dun sa panaginip ko, online ka pa rin. Hehehe, ayus di ba?

    Masasabi ko lang, adiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiik!

    Sige tulog ka lang diyan, at least, nabawasan ka ng blog maintenance, e ako na tiga-ayos mo e, hehehe:D

    bawi talaga itong post na ito, at napuyat ako dahil dito ha.. :P oo, 8 years na akong nagbo-blog.. di lang halata dahil sa ilang beses kong paglipat ng blog, nawala na tuloy ung mga entry ko.. hehehe, ewan ko ba kung bakit yosi nga ung naisip ko.. pati ba sa panaginip.. grabe, online naman kasi ako 24/7 eh.. hehehe..

    oo na, adik na.. pero pareho lang naman tau ah.. =)

    yup, sarap ng boiprend na blogger din.. :D may tiga-ayos na.. salamat.. ^^, hehehe..

  • churvah says:

    i share the same sentiments.
    hehe..

    esp. the # 5..i have no real life na rin ata.
    ilang beses ko na rin tinangka iwan ang blog, pero di magawa, kaka adik talaga.

    diba? ang hirap iwan ng blogging.. as in.. hehehe..

  • yeye says:

    oo tolski may mumu ata sa idlip. ewan ko ba. iniisa isa ko na ung pagbura ng mga spam comments para hindi masama ung real comments, tas may nabura padin. takenote: comments pa un sa mga previous posts.nakakapagtaka talaga

    panu ba mawala ung mga spam comments. dami kasi ehehehe

    anyway. adik ka talaga tol. tagal mo na pala nagbblog ako 5 yrs palang. ahehehehe. buti na lang wala na din internet ung comp namin kasi talagang nakakaadik talaga magblog. ngayon limited na lang n blogs ang pinupuntahan ko. hehehehe

    tol! di ko talaga alam kung anong nangyari dun sa comments mo.. buti naibalik na natin.. =) hehehe.. naglagay na rin ako ng akismet sa blog mo, para sa mga spam na yan.. :D

    nakakaadik talaga tol. ewan ko ba.. kaya lumalabo mata ko eh.. kakablog.. :P hehehe..

  • Aisha says:

    so i guess i am having my real life na haha

    i guess so sis! :D good for you.. hehehe.. ^_^

  • Kimeh says:

    Wow. 8 years. XD

    opo. =) kaw rin tatagal ka sa blogging.. ^_^

  • Janis says:

    Pahamak talaga ang blogging no? Haha jaskeeeding!
    ayos, 8 years…ang tagal mo na pala ngbblog :) ako around 2003.. sa xanga pa yun ha! hehe..

    pahamak talaga! :P hehehe..
    oo, tagal na nga eh.. grabe, ngayon ko lang naisip yan.. 8 years na akong nanggugulo dito sa wordwideweb! :D

  • Rachel says:

    agree ako sa mga sinabi mo. wala na akong madadagdag. period!

    period! :)

  • maenoodle says:

    yiiii!! kakatuwa naman totoo ba yan magkasama sila hehe.. nice. kinikilig ako amp. mis ko na din pagba-blog ewan ko. ang busy ehh. wala pa ko pc ngaun. ayun. wala na nangyari. wawa T_T

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.