ikaw kasi (ulit!)
baka hindi ka na makapagblog kasi lagi ka busy sa akin, hehehe.
lagi kong sinasabi na di ako makapagsulat kapag masaya ako.
mas nakakapagsulat ako kapag emo, kapag malungkot.
mas lumalabas ung nararamdaman ko, nagkakasense ung isinusulat.
eh ngayon, masaya ako. kinikilig pa.
kaya wala ako sa hulog magsulat.
…..
na-blanko na naman.
wala, wala talaga akong maisulat. :P
pero marami akong gustong sabihin sayo.
gusto kong sabihin kung pano mo ako napapasaya lagi.
kung pano mo ako napapatawa sa mga korny mong banat.
na nakakaaliw kang asarin.
na naiinis ako kapag may pambara ka sa mga pangaasar ko.
gusto kong magpasalamat sa pagtyatyaga sa ugali ko. :P
gusto kong malaman mo na mahal kita.
na kahit magkalayo tayo, ramdam pa rin kita.
na nais kong maulit ung panahong kasama kita..
na miss na miss na miss na kita. (sobra)
gustong-gusto kong sabihin sayo na pareho tayo ng gustong mangyari.
ang magkasama na tayo sa wakas.
ung hindi na tayo maghihiwalay, hindi na malalayo sa isa’t-isa.
dami kong gustong sabihin sayo, kaso blanko eh. :)
wala na naman bang sense ung post ko?
parang ung last na isinulat ko lang ah..
eh, sino pa bang dahilan kundi ikaw lang.
ikaw naman lagi eh..
ikaw kasi. :)




