ikaw-kasi-ulit

ikaw kasi (ulit!)

Add comments July 20, 2008 » 607 days ago
inlove

baka hindi ka na makapagblog kasi lagi ka busy sa akin, hehehe.

lagi kong sinasabi na di ako makapagsulat kapag masaya ako.
mas nakakapagsulat ako kapag emo, kapag malungkot.
mas lumalabas ung nararamdaman ko, nagkakasense ung isinusulat.
eh ngayon, masaya ako. kinikilig pa.
kaya wala ako sa hulog magsulat.

…..
na-blanko na naman.
wala, wala talaga akong maisulat. :P

pero marami akong gustong sabihin sayo.
gusto kong sabihin kung pano mo ako napapasaya lagi.
kung pano mo ako napapatawa sa mga korny mong banat.
na nakakaaliw kang asarin.
na naiinis ako kapag may pambara ka sa mga pangaasar ko.
gusto kong magpasalamat sa pagtyatyaga sa ugali ko. :P

gusto kong malaman mo na mahal kita.
na kahit magkalayo tayo, ramdam pa rin kita.
na nais kong maulit ung panahong kasama kita..
na miss na miss na miss na kita. (sobra)

gustong-gusto kong sabihin sayo na pareho tayo ng gustong mangyari.
ang magkasama na tayo sa wakas.
ung hindi na tayo maghihiwalay, hindi na malalayo sa isa’t-isa.

dami kong gustong sabihin sayo, kaso blanko eh. :)

wala na naman bang sense ung post ko?
parang ung last na isinulat ko lang ah..
eh, sino pa bang dahilan kundi ikaw lang.
ikaw naman lagi eh..
ikaw kasi. :)

Mga Kahalintulad na Posts



4 Responses to “ ikaw kasi (ulit!) ”

  • vanny says:

    achhos! parang narinig ko na to sis sa ym ah.. i mean.. nabasa ko na to sa ym msg mo.. na bc ka.. kakakausap pay papa ryan.. ayy.. ano ba. kulit ko. hahaha.

    missYou sissy! pagbutihin nyo lang.. naiinspire ako sa inyo. hahaha. toinkx! :D

    parang ito nga ata ung pinagusapan natin sa YM. :) papa ryan tlaga… hahaha, grabe.. :P

    miss u too.. gudlak sa bagong lablyp ha.. gudlak sa kanya.. hahaha.. :P

  • yeye says:

    hahaha ryan daw ahahahaha

    ako nga din eh mga tolski wala ako masabi. boring na naman ung post ko sa idlip. hehehe

    komski! cge ok lang gayahin mo ung concept ng antuking bata ko ehehehehe

    Oo nga, sino bang nagpauso niyang ryan na yan? Hehehe. Laki naman ng pinagkaiba namin, mga 20lbs? Hehehehe.

    ryan?! cno? c arvin? hahaha.. si rob kasi pauso… :P

  • komski says:

    Kaunti na lang nga yung oras mo di ba? Tapos, kinuha ko pa yung karamihan, hehehe. Actually kaw rin hehehe, pareho naman tayong nag-uubos ng oras kapag magkausap, sana nga hindi na maubos e:D kulang pa rin minsan.

    Marami ka pa bang gustong sabihin? Malamang paulit-ulit lang yan, hehehe. Pero hindi naman kasi nakakasawang sabihin kung gaano ako kasaya sa iyo, na mahal na mahal kita at gusto na talaga kita ulit makasama.

    Masaya, sobrang masaya:D

    Walang sense? Ba’t kelan ba nagkaroon? Hehehehe. Love you:D *yakap*

    hala. dahil sau, laging walang sense. :P hehehe..

    kahit na lagi kitang nakakausap, kulang talaga ang oras, sobrang kulang.. sabi ko nga sau kanina diba, parang ikaw na ang buhay ko.. :) grabe, adik kasi.. pero, hindi talaga nakakasawa, at hindi ako magsasawa.. hmm, pwera na lang kung lagi mo akong aasarin.. :P

    love you too.. *yakap*

  • superboi says:

    IDOL naman eh, naiiyak ako… kasi:

    1) ang sweeeeeeeeet
    2) im inggeeeeeeeeet
    3) ako eh nagho-hopeful thinking… hanggang don lang.

    I AM SUPER UBER MEGA DUPER HAPPY FOR YOU IDOL AND KOMSKI. ALAM MO NAMAN YAN IDOL :D

    at naman! tikom da lips of yours hahaha :))

    mama sam.. yes i will tikom this lips of myn. :D

    grabe, wag ka namang ganyan.. hayaan mo, ihahanap kita ng papable! hahaha.. ^_^

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.