tubig galing pinas
note: para sa LP ngayong linggo, ako (karmi) po muna ang gumawa ng entry. :)

picturan mo ko. gusto ko ung madrama ha. ung pang-friendster.
o sige.*click*
o ayan, madrama yan ha.
oo nga. hmm, punta tayong san francisco diba?
oo.
so, anong body of water to?
pacific ocean.
ha? pacific ocean?
oo. bakit?
syet, tubig galing Pinas.
Aug. last year, pinuntahan ko ang aking kaibigan na nasa Sacramento para magbakasyon. i needed the break, sobrang OT kasi sa trabaho kaya naisipan kong magleave ng anim na araw. sabi nya sa akin, magd-drive daw kami papuntang San Francisco. lalo akong natuwa dahil gustong-gusto kong makapunta doon. nagdrive kami sa Highway 1. sa kahabaan nito’y madaming beach kang madaraanan. mga ilan din ung tinigilan namin para magpictorial kaming dalawa.
may namiss ka ano?
ako? wala noh.
sus, wala daw. senti-sentihan ka na naman..
habang tinitingnan ko ang larawan na kinunan ng aking kaibigan, di ko mapigilang magdrama. Pacific Ocean ito. itong malaking karagatang ito ang nasa pagitan ko at ng Pinas. Pacific Ocean ang pagitan naming dalawa. malayo, malalim. hindi pwedeng languyin lalo na’t di naman ako marunong lumangoy. wala akong ibang magawa kundi ang tanawin ang kalawakan nito. parang gusto kong sumigaw, at baka sakaling marinig ang aking tinig sa kabilang parte ng mundo.
pero bakit kelangang nasa kanlurang parte ka ng lugar na kinaroroonan ko ngayon? bakit nga ba ang layo mo?
tubig ito galing Pilipinas.
ilang beses mo nang inulit yan.
oo nga, pero kasi parang so near, yet so far.
emo. ang drama mo talaga.
Ito ay ang aking entry para sa ika-17 na linggo ng Litratong Pinoy na may kategoryang Sa gawing Kanluran. Ang litrato ay kinunan last August, 2007. Bago ko ginawa itong entry ay paulit-ulit kong tinanong ang aking kapatid na babae kung nasa kanluran ba ng Amerika ang Pacific Ocean at Pilipinas na rin. Oo daw, nagkaroon pa tuloy kami ng maikling balik-aral sa HEKASI.
13 na katao na ang kasali sa first-ever Official Litratong Pinoy EB! Swerte ba iyon o malas? Well, para hindi na natin pag-isipan pa yun e edi sumali ka na para madagdagan:D Ang iba pang mga detalye ay narito. (Plug by komski:)





hahaha! so nasa friendster na ba itow?
wala na po eh. :) pero dati nilagay ko.. ^_^
tama ka, nasa kanlurang bahagi ng estados unidos ang karagatang pasipiko. hindi ko pa nararating ang california….las vegas pa lang ang pinakamalayong napuntahan ko sa kanluran.
ang ganda ng kuha mo sa tabing-dagat kasama ang mga bato….may fog pa! pang-friendster nga! hehe.
taga-san antonio ka pala? nung dumalaw ako dyan, sumakay kami sa bangka sa riverwalk…kakaaliw. bitin nga eh. pero at least nakita rin namin ang “alamo.”
oo, punta ka sa fort worth stockyards…dun mo talaga mararamdamang nasa “cowboy country” ka. :)
gusto ko rin pong makapunta sa las vegas. :) baka next times naman.. magaling lang po talagang kumuha ng litrato ung kaibigan ko.. at syempre, emote naman ako.. hehehe..
opo, d2 ako sa SA. nakapunta na rin po ako sa riverwalk at nakapagboating na rin.. ilang beses pa lang din kaming nagagawi sa downtown eh, busy kasi at walang oras.. :)
narinig ko na nga po ung lugar na yan. :) hmm, next times, lilibutin ko na ang TExas! :D
juz droppin’ by..
nice view by the way..
thanks for dropping by. :)
Ang ganda naman! Naaliw ako sa kwento mo :)
salamat po at naaliw kayo. :)
may ugnayan pa rin talaga kahit na malaki ang pagitan…
magandang huwebes sa’yo!
maraming na nga pong way para magkaroon pa rin ng communication kahit na magkalayo. :)
Natawa ako, kasi madalas nagpapa-picture na ang mga Pinoy para pang-Friendster. =)
Ang aking LP ay nakapost na rin sa blog na ito:
Shutter Happenings
Kung may oras ka, sana makadaan ka! Salamat!
madalas nga pong sabihin na “uy, pang-friendster” lalo na kung maganda ung larawan. :) hehehe..
hehe, ayos ah…
happy huwbes…..:)
aus po ba? :)
Senti naman :)
mejo nga po. :) nadala kasi sa ganda ng lugar.. hehehe..
oo nga… nakaka-emote. :)
maligayang huwebes!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/07/lp-17-sa-gawing-kanluran.html
feel na feel po ba? hehehe..
naks naman! ang tagal ko na talagang nawala sa LP loop. kailan pa kayo magka-share ng blog? :)
hi ate, LP ka rin pala. :D hehehe.. hmm, last July 8 o 9 ata? labo po kasi ng time zones eh.. basta, nito lang po.. ^_^
so near yet so far…
namiss nia si arvin ahehehehehehe
si arvin ba ang namiss ko dito? hehehe.. =)
oo ata? ^_^
Uyy, senti siya… :)
opo nga eh.. hehehe..
ganda… ng pic, at xmpre lalo na ng entry mismo.. galing.
salamat.. at nagandahan ka. :)
habang tinitingnan ko litrato mo… naiisip ko na nakakatakot tumayo sa harap ng pacific ocean… napakalawak… napakalaki
mejo nakakatakot nga po.. may alon pa nga po ng mga panahong yan.. pero maganda ung lugar para magsenti ate.. :) wag ka nga lang lalapit masyado dun sa tubig.. heehe..
kakaloka! pero pramis nag-enjoy akong magbasa :)
salamat din sa iyong pagdalaw…tama ka ever ready namang tanungan sila manong, boss at pare, basta’t wag lang kalimutan ang tenkyu sa huli.
buti naman po at nagenjoy kayo, kahit nakakaloka. :) hehehe..
Siyanga, ma-search nga sa friendster ang emong larawan na iyan. :D Kakaaliw basahin ang entre mo karmi, hamo’t babalik ako dito hehe..
Siyanga, ma-search nga sa friendster ang emong larawan na iyan. :D Kakaaliw basahin ang entre mo karmi, hamo’t babalik ako dito hehe..kahit di LP day! :D
wala na sa friendster yan eh.. :) matagal ko nang tinanggal.. hehehe..
salamat at nagustuhan nyo.. sinabi ko kasi kay arvin na ako ang gagawa ng LP entry ngayon. :) naging ok naman pala.. ^_^
ngee…nagdoble comment ko. nasubmit nang di pa tapos lol!
wow! astig… he he he
bigat! haha parang adik lang. ano maayos naman maganda kasi hehe happy happy na lang palagi para ayos bwahaha ayun. Ü
apir! ^_^
di naman adik, emo lang.. hehehe.. :D
tama, dapat laging happy.. ^_^
uy ganda jan…
hmmm…sana makapunta ko sacrameto pag napagawi ako sa tate :)
Happy LP
maganda nga po. :)
tara dito ate.. ^_^ hehehe..
ahhh Pacific… iyan ang dagat na gustong-gusto kong marating… Nasa banda kami ng China Sea sa Ilocos at minsan ko lang nasilayan ang Pacifico ng magawi ng Bicol kaya sana maka-pag-surf naman sa Aurora hehehe…
sa Quezon po ang probinsya namin dyan sa Pinas. :) kaya Pacific Ocean din po halos karamihan ng mga resort na napupuntahan namin. :)
wow, surfing. nice. :D
Anlayo ng inabot ng agos ng tubig, mula silangan pa-kanluran, o parang si Magellan nung naglakbay pero pakabila hehe.
At shempre dramatic talaga ang photo! Feel na feel ang lungkot awww…Happy LP!
layo talaga ate.. ang lawak talaga ng Pacific Ocean. grabe, kaya talagang matagal ung byahe ni Magellan.. hehehe..
feel na feel po ba? :) nakakadala po kasi ung lugar.. tahimik at relaxing pa, kaya ayan, drama ever.. hehehe..
heheh… katuwa naman ng naging dialogue nyo… :) SF? di ba malamig ang bay area? brr!
malamig nga po. :| kulang pa nga po ung jacket na suot ko.. hehehe..
nakakatuwa at may narration pa. haha. :)
:D ung narration po ba sa baba ung tinutukoy nyo? la lang po, para may kwento about sa post.. hehehe..
ang galing! naaliw naman ako sa dialogo niyo
kahit po ako naaliw din. ^_^
natupad ang gusto mong maging madrama ang picture. :) ang ganda ng karagatan! friendster worthy! hahaha. :D
friendster worthy talaga ate. :D hehehe..
hahaha ayos galing pinas nga :D
janis! :D hehehe.. oo diba? :P
kelan ka babalik dito?
wow ang ganda nga ng picture emo na emo ahehe masarap talaga pumunta sa dagat nakakarelax at parang sang sarap sarap sumigaw.
naks nman.
emote kung emote..hehe!
yan, parang gusto ko tuloy pumunta ng dagat bukas.
hehe.
gnda ng view.
so relaxing.
ang ganda naman ng kuha. gusto ko din ng ganyang piktyur. yung nakatanaw sa malawak na dagat.
makapunta ngang manila bay para makapagpapiktyur. ahaha
kakatuwa naman kung paano mo naisip na “tubig galing pinas.” isa kang optimist! para din yung kasabihang…. “iisang buwan lang naman ang tinatanaw natin sa langit tuwing gabi.” heart-warming!
hayaan nyo aking mga bunso, duon sa kabilang dalampasigan, kayo din ay magkakatagpo….tibayan ang pagmamahalan at pasasan ba at magkakapiling din.
para din kayong OFW, just hang on
super dramatic nga ‘to, karmi. bagay na bagy nga kayo ni Arvin – magaling ang mga konsepto din niya, dramatic.
happy lp!
bagay ang larawan sa kuwento. galing.
ito naman ang akin
kganda ah. pagnda na ng paganda ang lab story nila!
ang sweet nio naman hehe
karmeeeeeeeee ikaw na yang nasa piktyur hehhe. Akala ko lalangoy ka mula kanluran hanggang pinas eh.