pag-ibig ko ang aakap sayo

Add comments July 26, 2008 » 603 days ago
heart-to-heart, writings

sobrang hirap ba??

tanong sa akin ng pinsan ko kanina habang ka-chat ko sya. namomoroblema kasi sya dahil pupunta ng Canada ang girlfriend nya at magkakahiwalay sila for 8 months. tinatanong nya ako kung mahirap ba ang long distance relationship. i wonder kung bakit ako ang naisipan nyang tanungin tungkol dito.

mahirap nga ba? hmm, oo naman. hindi biro ang long distance relationships. lahat na ata ng oras, lakas at pasensya mo eh kelangan nito. i would know, parang naging ‘guru’ na nga ata ako pagdating sa topic na ito. mahirap talaga dahil di mo nakakasama ung mahal mo, di mo nayayakap, di mo nahahawakan. mahirap ipadama ang nararamdaman sa taong malayo sayo. kulang ang paguusap sa telepono, kulang kahit na araw-araw kayong magka-chat. pero dahil mahal mo, gagawin mo lahat kahit mahirap, just to make the relationship work.

nag wowork ba yung ganun lang?
hmm.
depende naman sa inyo eh

kahit naman ano atang relationship, dalawang tao ang involved. so, nasa paguusap nyo na rin un diba? maraming tutol sa LDR dahil sa mga obvious na dahilan — ung layo, unfaithfulness, pagkasawa, o ung pagkawalan ng pag-asang makasama pa ang isa’t-isa. aminado akong tutol ang mga kaibigan ko sa LDR, ilang beses na rin nila akong sinabihan na magingat dahil nga di mo sigurado ang kalalabasan. tama nga naman sila. di mo nga naman alam kung anong pwedeng mangyari.

sa 3 years na stay ko dito sa America, isa lang ang napatunayan ko, makulit talaga akong bata. dahil kahit na alam kong mahirap ang LDR (and considering na ung last relationship ko eh di rin nagwork), heto na naman ako. another LDR…. (love you arvin. :D) panibagong pagbababad na naman ito sa harap ng computer. :)

mahirap talaga ang LDR, pero kung kasing sweet ni arvin ung kaLDR mo, na kakantahan ka pa, eh mas madali. :)

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Out of my League – Komski

depende talaga. kung pareho kayong willing na maghintay na dumating ung panahong makasama nyo muli ang isa’t-isa, magwo-work ang LDR. nasa sa inyo na lang un kung pano nyo ipaparamdam ung pagmamahal nyo. kung gusto nyo, gawa na lang din kayo ng blog katulad namin ni arvin, pwede ring magrecord din kayo ng kanta o kaya gumawa ng video.. hehehe… :D may snail mail, email, YM, Gtalk, twitter, skype, plugoo, phonecards, at nito lang eh, nakadiskubre si arvin ng site na pwedeng tawagan ang celphone ko.. tulad nga ng lagi kong sabi, kapag gusto, maraming paraan.. :)

hindi pwedeng isipin na hindi sapat ang mga kaya lang natin gawin, edi hindi nga talaga tayo tatagal kung ganun.

– arvin

alam kong natatakot ang pinsan ko sa pwedeng mangyari, pero sinabi ko lang sa kanya na wag masyadong magalala’t basta di dapat mawala ang communication nila. 8 months lang naman eh, saglit lang un. :) sinabihan ko rin sya na magpakabait na lang habang wala ung girlfriend nya. hehehe.. mga lalake kasi eh. :P

mahirap nga ang LDR, pero meron pa rin naman ang nagwo-work kahit na magkalayo sila. :) syempre, im hoping na maging happy ending din ang love story namin. :)

Mga Kahalintulad na Posts



9 Responses to “ pag-ibig ko ang aakap sayo ”

  • joana says:

    naman kakainspired…pero may malaking check yung point nio…

  • shane says:

    so true… pero pano kung hinde ganon ang bf mo? wag ka nang sumubok! hahaha

  • Hachi says:

    bilib nga ako sa inyo e. ang tatag niyong dalawa. :)

  • yeye says:

    “mahirap talaga dahil di mo nakakasama ung mahal mo, di mo nayayakap, di mo nahahawakan. mahirap ipadama ang nararamdaman sa taong malayo sayo.”

    true!!!

    grabe sobrang naka-relate ako dito ehehehehe
    namiss ko tuloy siya..aun
    buti nga un 8 months lang

    hehehehe. magwowork naman yan diba.
    bsta trust lang tska communication..impt un

    diba diba?? :)

  • Noime says:

    naiinggit ako sa pinsan mo ate. :( buti sila 8 months lang magkakahiwalay., eh kami ni kriz? ilang 8 months yun. parang mahigit limang 8 months din yun. haay. mejo hawig pa sa amin dahil pupunta din ako ng canada. :| haha. pakisabi na lang sa pinsan mo na dapat kayanin nila. ;)

  • komski says:

    Tingin ko naman hindi ang LDR ang worst na maging setup ng isang relationship. Pare-pareho namang may kinakaharap na challenges ang anumang klase ng relationship. But still, mahirap pa rin talaga siya, parang may dagdag balakid kagad, which in our case ni karmi, di pa kami nagsisimula e may obstacle kagad, hehehe.

    Depende rin naman sa mga taong involved kung kaya nila or hinde, and wala naman atang paraan para malaman hanggat di pa nararanasan:) Basta tulungan lang, kung gusto niyong magwork, then work together for the relationship:D

  • Bernadeth says:

    wawww bilib ako sa relationship niu!

  • karen says:

    Sa long distance relationship kailangan nang matinding pagtitiwala, pagtitiis, pang-unawa at katapatan. Nasa magkarelasyon nga ang ikatatatag o ikabubuwal ng LDR.

  • rHo says:

    gaya nga ng lagi kong sinasabi sa’yo noon, matinding sacrifice talaga ang kailangan to make the relationship work. basta gusto, napakaraming paraan! swerte pa nga dahil ang dami ng channels na pwede mong gamitin ngayon, unlike dati na magta-tyaga ka sa sulat na ilang linggo kung dumating! hahaha!

    kaya nyo yan!! tingnan mo kami ni mike, after a long wait… eto at magkasama na kami ngayon sa US! yahoooo!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.