Iba ang nakikita sa nadarama.

24 Comments » July 30, 2008 » 599 days ago
Litratong Pinoy, maalaala ko kaya

Wala na ata, di na natin mahahanap yun.
Haaay.

Ang lakas pa rin ng init ng araw at mukhang masusuyod na namin ang walang hanggang dalampasigang aming nilalakaran ngunit hindi pa rin matatanaw ni anino ni Fermit, oo, Fermit the Crab. Bumalik kami sa aming pinanggalingan, at tinungo ang mahabang daungang nakaturo sa papalubog nang araw.

May isda o!:D
O asan?

Kung alam lang niya na higit siyang mas kaaya-aya sa kahit na anu pa mang tanawin. Na ang boses niya’y higit sa kahit na anu pa mang musika. Naglakad-lakad kami palibot sa daungan, nagkatakutan na baka mahulog sa may dulo at nagkatuwaan na magbalanse sa gilid nito. Ang presko ng hanging nagmumula sa karagatan, na bumabango sa halimuyak ng kanyang buhok.

At nakita namin sila papalapit mula sa kalayuan, papunta rin sa aming kinatatayuan— namamasyal kagaya namin.

Gusto mo kunan ko siya ng litrato?

Nabigla ako sa kaniyang sinabi kahit na alam kong hindi naman lingid sa kaniya ang pagkakagusto ko sa iba, e kitang sa kanya ko unang sinabi ang tungkol doon, noon. Teka, bakit parang naging seryoso siya bigla. Nawala panandalian ang ngiting nakaguhit sa kanyang mukha, na tila bang naanod papalaot sa dagat, na muling nabalik nang kanyang nang sabihin sa kanila ang mga kataga,

Kunan ko kayo ng piktur!:D

Hindi ko na lang siya tinignan sa kanyang ginagawa, ngunit naririnig ko ang kanyang boses. Masaya naman kaming magkasama ah, ngunit bakit kailangan pa niyang gawin ito? Hindi na rin ako nakatanggi. Hinayaan ko na lang siya. At ngayon napagisip-isip ko, dapat pala’y pinigilan ko siya’t sinabing hindi na kailangan dahil.. dahil.. dahil sa kanya. Gusto ko siya at wala na akong ibang iniisip pa.

Maala Port

Isang group picture, off-center? Hinde. Sakto nga sa gitna e. Pero paano kaya kung hindi na lang ako nagkagusto sa babae sa litratong kanyang kinuha o di kaya’y di na lang niya nalaman? Hindi ba niya naramdaman na mas matimbang siya kaysa sa kahit na sino pa man? Manghihinayang ako nang sobra kung malaman kong naging mas maganda sana ang kinahantungan ng aming istoryang dalawa kung sakaling sinabi ko na,

Siya ang tinuturing kong unang babaeng aking inibig.

Ito ay ang aking lahok para sa lingguhang Litratong Pinoy na may kategoryang Dalampasigan. Ang litrato ay kinuhanan niya, ang babaeng kasama ko sa kwentong iyong nabasa. Sa kanya rin patungkol ang istoryang inilahad ko sa aking Tubig entry. Ito ay kinuhanan sa may South Dock ng Corregidor Island nuong early 2004.

Kung may magtatanong man, masaya ako kay karmi my labs, hehehe. Ito ay isunulat base sa aking nararamdaman nuon, at oo, maniwala man kayo’t hinde, malinaw pa sa aking alaala ang araw na iyon. Friends pa rin kami nung babaing aking tinutukoy sa post na ito. Binati ko nga siya sa birthday niya nung nakaraang linggo. May iba pa kaming pictures dati kaya baka ipost ko kapag tugma sa kategory, at madurugtungan ulit itong kwento:)

Sali ka na sa 1st Official Litratong Pinoy EB!

tapos na ang kahapon, ang mahalaga’y ngayon

3 Comments » July 30, 2008 » 600 days ago
emo daw, writings

what are you doing?
sundance sir. para di tumuloy ang ulan.

kung may sundance para di umulan, meron din bang pwedeng sayawin para di matuloy ang pagpatak ng mga luha?

nakita ko ung mga picture nila. oo, hindi lang isa, madami. madaming album sa friendster profile nya. madaming posing, ung iba, solo lang nung babae na ang ibig sabihin ay sya ang kumuha ng litrato. wala syang solo picture. o baka naman wala lang syang pinost. di ko alam kung bakit talagang binrowse ko lahat ng mga litrato nila. di ko alam kung bakit tinuloy ko pa rin ang pagclick sa next button para lang makita ang susunod na larawan. di ko maintindihan ang sarili ko. masokista. un nga siguro ako.

ok na rin at masaya na sya sa buhay nya ngayon. in fairness, mukha naman silang happy. mukha syang happy at un naman ang importante. kahit na di masyadong maganda ang nakaraan namin, gusto ko pa rin namang makita syang nakangiti at masaya kasama ang mahal nya. pero bakit ganito na lang ang nararamdaman ko? bakit parang nasaktan ako? bakit may mga ala-alang bumalik? mga ala-alang nabaon na sa limot. ewan. un naman lagi ang sagot eh. ewan ko.

There comes a point in your life when you realize

who matters,

who never did,

who won’t anymore…

and who always will.

So, don’t worry about people from your past,

there’s a reason why they didn’t make it to your future.

masaya na ako ngayon. sobra. kuntento at wala nang mahihiling pa. pero bakit ganito? bakit bigla-bigla na lang akong nagdadrama? di lang siguro maiiwasang maapektuhan ng nakaraan. ang nakaraang parte na ng buhay ko, ang nakaraang nagbigay sa akin ng mahalagang aral. ang nakaraang naging tulay para makilala ko ang ngayon ko.

at sabi mo, malayo pang bukas, tapos na ang kahapon.. ang mahalaga’y ngayon.. andito ka ngayon o sinta…
Sinta, Sugarfree

hmmm, ok rin siguro tong nangyari, dahil sa bawat oras na naaalala ko ang nangyari noon, mas pinahahalagahan ko ang kung anong meron ako ngayon dahil ito na ang gusto ko hanggang bukas. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.