Wala na ata, di na natin mahahanap yun.
Haaay.
Ang lakas pa rin ng init ng araw at mukhang masusuyod na namin ang walang hanggang dalampasigang aming nilalakaran ngunit hindi pa rin matatanaw ni anino ni Fermit, oo, Fermit the Crab. Bumalik kami sa aming pinanggalingan, at tinungo ang mahabang daungang nakaturo sa papalubog nang araw.
May isda o!:D
O asan?
Kung alam lang niya na higit siyang mas kaaya-aya sa kahit na anu pa mang tanawin. Na ang boses niya’y higit sa kahit na anu pa mang musika. Naglakad-lakad kami palibot sa daungan, nagkatakutan na baka mahulog sa may dulo at nagkatuwaan na magbalanse sa gilid nito. Ang presko ng hanging nagmumula sa karagatan, na bumabango sa halimuyak ng kanyang buhok.
At nakita namin sila papalapit mula sa kalayuan, papunta rin sa aming kinatatayuan— namamasyal kagaya namin.
Gusto mo kunan ko siya ng litrato?
Nabigla ako sa kaniyang sinabi kahit na alam kong hindi naman lingid sa kaniya ang pagkakagusto ko sa iba, e kitang sa kanya ko unang sinabi ang tungkol doon, noon. Teka, bakit parang naging seryoso siya bigla. Nawala panandalian ang ngiting nakaguhit sa kanyang mukha, na tila bang naanod papalaot sa dagat, na muling nabalik nang kanyang nang sabihin sa kanila ang mga kataga,
Kunan ko kayo ng piktur!:D
Hindi ko na lang siya tinignan sa kanyang ginagawa, ngunit naririnig ko ang kanyang boses. Masaya naman kaming magkasama ah, ngunit bakit kailangan pa niyang gawin ito? Hindi na rin ako nakatanggi. Hinayaan ko na lang siya. At ngayon napagisip-isip ko, dapat pala’y pinigilan ko siya’t sinabing hindi na kailangan dahil.. dahil.. dahil sa kanya. Gusto ko siya at wala na akong ibang iniisip pa.
Isang group picture, off-center? Hinde. Sakto nga sa gitna e. Pero paano kaya kung hindi na lang ako nagkagusto sa babae sa litratong kanyang kinuha o di kaya’y di na lang niya nalaman? Hindi ba niya naramdaman na mas matimbang siya kaysa sa kahit na sino pa man? Manghihinayang ako nang sobra kung malaman kong naging mas maganda sana ang kinahantungan ng aming istoryang dalawa kung sakaling sinabi ko na,
Siya ang tinuturing kong unang babaeng aking inibig.
Ito ay ang aking lahok para sa lingguhang Litratong Pinoy na may kategoryang Dalampasigan. Ang litrato ay kinuhanan niya, ang babaeng kasama ko sa kwentong iyong nabasa. Sa kanya rin patungkol ang istoryang inilahad ko sa aking Tubig entry. Ito ay kinuhanan sa may South Dock ng Corregidor Island nuong early 2004.
Kung may magtatanong man, masaya ako kay karmi my labs, hehehe. Ito ay isunulat base sa aking nararamdaman nuon, at oo, maniwala man kayo’t hinde, malinaw pa sa aking alaala ang araw na iyon. Friends pa rin kami nung babaing aking tinutukoy sa post na ito. Binati ko nga siya sa birthday niya nung nakaraang linggo. May iba pa kaming pictures dati kaya baka ipost ko kapag tugma sa kategory, at madurugtungan ulit itong kwento:)
Sali ka na sa 1st Official Litratong Pinoy EB!



![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)








Magaan talaga sa pakiramdam kapag naiisip natin ang mga tao sa ating ‘nakaraan’na naging kaibigan sa kasalukuyan :)
Happy LP , kapatid!
ayos medyo madrama pero ayos…
Kakaaliw talaga basahin ang mga kwento nyo!
Naka-post na rin ang aking LP DITO.
Magandang Huwebes!
base sa nabasa ko, tama ba kung i-describe ko na “romantic” ka? :)
Buti naman at hindi selos si Karmi… ok din na friends kayo ng dati mong gf. Siguro maganda ang naging hiwalayan ninyo.
naks naman!
magandang huwebes sa’yo!
buti na lang at malinis ang iyong kuku sa larawan sa itaas. *joke*
ako’y tunay na naaaliw sa iyong akda, kaya naman ay nagiging regular mo na akong LP tagabasa :D. dapat ay iyong pagduktungin na ang mga ito at nang ikaw ay makabuo ng isang libro ng iyong karanasan sa pag-ibig…at ang happy ending ay kay ms. karmi.
naks naman, ang sarap basahin ng kwento mo, naaliw ako. abangan ang sunod na kabanata!
ganda naman ng pagkakalahad mo :) hanggang sa ss!
pag-ibig sa dalampasigan… parang may soap opera ganoon ang pamagat - hehehe…
Corregidor, isa sa mga lugar na gustong-gusto kong makita…
madamdamin ang latha! :)
eto naman ang akin:
http://whenmomspeaks.com/2008/07/lp-dalampasigan/
http://www.walkonred.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
http://www.kathycot.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
Agree ako kay Peter… kung wala pang soap opera na ganyan, dapat gawan na! Ipadala na ang kwento mo sa Kapuso o Kapamilya :)
naaliw talaga akong bisitahin ang mga LP entries mo (ninyo), bukod sa kakaiba, napaka-sweet pa. :)
LP Dalampasigan sa MyMemes
LP Dalampasigan sa MyFinds
As usual, ako’y naaliw sa inyong kwento. Kaswit! haaay…o siya abangan na lang namin ang susunod na mga larawan at karugtong ng kwentong aming natunghayan ngayon araw ng huwebes.
nakakaaliw ang iyong kwento.. :)
maligayang araw..
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/07/lp-18-dalampasigan.html
kapatid ang sweet mo talga.
Happy LP
hi komski! see you sa EB. :D
corregidor,been there twice,definitely one of the best place to see and to be seen. :)
grabe, romantik talaga ng boyps ko. :) nagselos ba ako dito sa post? ummm.. di naman masyado. :)
pinakita mo na sa akin itong pic dati, sinabi na rin ang kwento behind the picture.. ikaw kasi eh, torpe pa. :P hehehe..
dapat ang title ng post eh.. “mga babae sa buhay ni komski”.. hehehe.. peace! :D mwah!
OFF TOPIC:
hello ate karmi!
cenxa na po, d2 na me nag comment.. hehe..
uu nga nman masyado nga cigurong emo ang blog ko kaya na crushed.. hhuhu.. anyways, up and running na naman un.. hehe..
tc po kau..! ^_^
xoxox,
–
webslave
http://beyond-the-norms.org
hehe. buti hindi nagselos si karmimay? hehe. anyway, nice picture. :D
uu tama haha
kung ako kay karmimay, nagselos na ako d2 sa post na to.
joke! hahaha. nang udyok pa eh noh? hehehe.
napakalalim naman ng mga words d2.. nakakalunod. hehe.
peace. sensya na. bangag eh. :p
OT hello karme hehe.
Sa Corregidog pala yan, malapit lang kami dyan eh