4 months ago by karmi what are you doing?
sundance sir. para di tumuloy ang ulan.
kung may sundance para di umulan, meron din bang pwedeng sayawin para di matuloy ang pagpatak ng mga luha?
nakita ko ung mga picture nila. oo, hindi lang isa, madami. madaming album sa friendster profile nya. madaming posing, ung iba, solo lang nung babae na ang ibig sabihin ay sya ang kumuha ng litrato. wala syang solo picture. o baka naman wala lang syang pinost. di ko alam kung bakit talagang binrowse ko lahat ng mga litrato nila. di ko alam kung bakit tinuloy ko pa rin ang pagclick sa next button para lang makita ang susunod na larawan. di ko maintindihan ang sarili ko. masokista. un nga siguro ako.
ok na rin at masaya na sya sa buhay nya ngayon. in fairness, mukha naman silang happy. mukha syang happy at un naman ang importante. kahit na di masyadong maganda ang nakaraan namin, gusto ko pa rin namang makita syang nakangiti at masaya kasama ang mahal nya. pero bakit ganito na lang ang nararamdaman ko? bakit parang nasaktan ako? bakit may mga ala-alang bumalik? mga ala-alang nabaon na sa limot. ewan. un naman lagi ang sagot eh. ewan ko.
There comes a point in your life when you realize
who matters,
who never did,
who won’t anymore…
and who always will.
So, don’t worry about people from your past,
there’s a reason why they didn’t make it to your future.
masaya na ako ngayon. sobra. kuntento at wala nang mahihiling pa. pero bakit ganito? bakit bigla-bigla na lang akong nagdadrama? di lang siguro maiiwasang maapektuhan ng nakaraan. ang nakaraang parte na ng buhay ko, ang nakaraang nagbigay sa akin ng mahalagang aral. ang nakaraang naging tulay para makilala ko ang ngayon ko.
at sabi mo, malayo pang bukas, tapos na ang kahapon.. ang mahalaga’y ngayon.. andito ka ngayon o sinta…
– Sinta, Sugarfree
hmmm, ok rin siguro tong nangyari, dahil sa bawat oras na naaalala ko ang nangyari noon, mas pinahahalagahan ko ang kung anong meron ako ngayon dahil ito na ang gusto ko hanggang bukas. :)
To Mommy Karmi,
Hindi naman maiiwasan ata sa buhay na ganon ang maramdaman
dahil kahit anong mangyari, minsan din naman naging parte ng
buhay mo o ng kahit sino ang mga nakaraan nilang ex.
Kung nasaktan ka man kanina habang tinitingnan mo ang ex mo sa
mga pictures na kasama ang bago niya, maaaring dala na lang yun
ng hindi mo inexpect na darating ang panahong pati siya ay magka-
karoon na ng bago at hindi na sila stuck sa atin. (though sasabihin
natin most of the time sa sarili natin na expected na natin yun).
ako kasi ganon. hahahah!!
pero dahil usapang ex yan, ayoko ng pag usapan ang mga EX dahil
alam mo naman na ako ay ouchie ouchie at malaki ang insecurity
kahit walang right-y na magjelly jelly kay ex-y. hahaha :))
sssshhhhh!!! :P
labyowmommy!
Hi Arvin :D
at kamon sa sundance na iyan. hahahah
sundance
sundance
sundance??
orayt. kanina ko pa naririnig yang salita na yan ah hahaha wala lang