Eco park.. dalawa.
Saan?
Eco park, La mesa… eco park?
Ah e.. (naguluhan) Fairview kami boss ha (sabay talikwas ng tingin).
Uhm (hainaku) sige, Philcoa na lang… dalawa.
Hindi niya alam yung lugar, hindi ko na lang pinagpilitan yung pagsakay namin dahil ayoko naman ng mahabang usapan, hehehe. E kitang pinag-aralan kong mabuti sa wikimapia yung pupuntahan namin, ultimo yung malaking 80 degree curve ng kalsada ‘pag malapit na sa fairview wet market tinandaan ko, hahaha.
June 17, 2008. Sakto, isang buwan na ang nakalipas mula noon, ngayong araw na ito. Huwag mo na pansinin yung date sa taas, oras sa Amerika yan kaya late ng isang araw. Martes yun, medyo makulimlim nung umaga, umaambon-ambon pa nga ata pero buti hindi nagtuloy. Kakaulan lang nung madaling-araw kaya malamig ang panahon, katumbas nun ang isang masarap na tulog, at trapik sa lansangan. Deadly combination, nalate tuloy ako.
Dumating kami sa eco park lagpas alas onse na. At huwaw, sabi sa travel blogs na nabasa ko, mas onti daw ang tao pag weekdays. Pero grabe, sasampu lang ata yung andun, at dalawa lang ang hindi staff.
Pinareserve ko talaga ‘tong lugar para sa ating dalawa e. =)
Wushuuuu… =P
O ha, nakabola pa, hehehe:D Lakas tuloy naming mag-camwhoring, wala kasing nakakakita. We were one with nature ang drama. Damo sa ibaba, punong kahoy sa itaas, mga samu’t saring baging sa gilid-gilid, what a green world talaga. Maganda, tahimik, presko, malamig, mamasa-masa pa. Parang kahalik mo na si Inang Kalikasan niyan sa labi, hehehehe.

Parang John Lloyd at Sarah Geronimo lang, hahaha. Nakita ko kasi sa trailer nung A Very Special Love na may scene yun dun e, hehehe, sa may Shell Flower Terraces, yung nasa likod nitong litratong ito. Sayang nga lang kasi bumuhos ang ulan nung hapon, hindi tuloy nakapaglibot masyado. At nagkatipon-tipon tuloy yung mga iilang tao sa loob para sumukob.
Limang grupo, kami ni karmi, mga manong na staff, mga magkakaibigan na camera enthusiasts, isang grupo na gumagawa ata ng photo shoot para sa isang product endorsement, at isang pre-nuptial photo shoot group. All in all, siyam na photographers, tatlong parlorista, tatlong hardinero, isang ikakasal, isang magsyota, at isang pampaputi model.
Ang tanong… sino kaya dun ang may balat sa puwet?
Ito ay ang aking entry para sa ika-16 na linggo ng Litratong Pinoy na may kategoryang Luntian. Ang litrato ay kinuhanan sa may La Mesa Eco Park, nuong ika-17 ng Hulyo, taong 2008. Di ko nagamit yung nabili kong gorillapod-clone ng cdr-king, hehehe. Bumabagsag kasi nung kinabit ko sa poste, ayaw kumapit. Mahal naman kasi nung orig. Ang iba pa naming mga litrato ay nasa multiply. Tignan mo rin ang iba pang mga lahok!
Ilang linggo na lang, Litratong Pinoy EB na!!! Sali ka na, para mas masaya:D Ang mga sasama ay sina LP admin, Lino, iRonnie, Buge, ShutterHappyJenn, SashaSays, Jeanny at kanyang asawa, Pinky, Clicking Away, Angela, Emoterang Nurse at ako, hehehe:D Ang iba pang mga detalye ay nandito. Sali ka na rin!