Iniisip pa lang nakakapapagod na.

Posted almost 4 years ago buhay bahay, Litratong Pinoy

bisikleta

May nakikita ka bang mali sa litratong ito? Wala naman di ba? Pwera na lang kung iisipin mo kung bakit ang aking bisikletang dapat ay ginagamit na pang-ehersisyo para naman mabawasan ang mga naipong taba sa katawan ay nakasabit sa may kisame. Ito ba ay upang mawarm-up ako, na bago pa man simulan ang pagpadyak sa mga pedal palabas ng bakuran ay pagpapawisan na ako sa pagkuha pa lang nitong bisikleta?

Basahin mo ulit yung title. Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit kahit gustuhin ko mang pumayat kahit kaunti ay hindi pa rin nangyayari. Ang isang balingkinitan na katawan ay isa na lamang malayong pangarap, isang matayog na bituin sa kalaliman ng gabi. Grabe, drama.

Ito ay ang aking entry para sa lingguhang litratong pinoy sa kategoryang balingkinitan. Ang litrato ay ang aking bisikleta na nakatago sa may tahian/tabasan, sa aming likod bahay habang ito ay nakasabit sa kisame. Maaari mo ring tignan ang iba pang mga lahok.

Malapit ka lang ba sa Maynila? Sali na sa Litratong Pinoy EB! Makilahok, mamasyal, manguha ng litrato sa buwan ng LitrAgosto! O ha, may halong advertising powers pa, hehehe:D Ang iba pang mga detalye ang makikita sa forum thread na ito. Join ka na!

karmiatkomski[dot]net

Posted almost 4 years ago blog update

July 8 US / July 9 Pinas. dalawang nilalang na nasa magkabilang panig ng mundo. hindi ininda ang 13 hours na time difference. parehong puyat, parehong adik. kaya naman natapos nila ang kanilang matagal nang project.

anong pangalan ng blog natin? karmski?
hmmm, gawa muna ako sa idlip ng subdomain.
ok, tapos saka na lang natin ilipat ung finished blog sa ibang pangalan.
isip ka na ng tagline.
tagline.. tagline.. hanap ka na ng theme.
ok.
grabe, sana magkasundo tayo sa theme ano?
hehehe. oo nga. ano may naisip ka na bang tagline?
wala pa. teka, nagiisip pa eh..

isang blog kung saan nagsama ang parehong writer kuno. isang blog kung saan nagsama ang kanilang mga ideya at mga kwento para maaliw ang mambabasa (sana).

iniisip ko, kapag nagisang blog na lang tayo, pano na ung mga stalkers mo?
stalkers? ako? baka ikaw dyan, pano na ang mga admirers mo.
admirers ka dyan. wala kaya.

isang blog ang naisipang gawin para kahit man lang sa iisang lugar ay magkasama sila. iisa na lang na bahay. isang tambayan. pihadong magiging masaya. ^_^

eh pano kapag nagaway tayo?
eh di hanap ka na ng sarili mong blog ulit.. hehehehe..

dahil kay BO kaya nagkakilala. dahil sa blog kaya naging magkaibigan. at ngayon, *ehem*..

ito na ba talaga? seryoso na?
oo, na-import na natin ung posts natin eh.
ok. :)

matapos ang halos apat na oras na pagkukulitan at pagaasaran sa voice chat, pakikipagaway sa support ng host, muntikang pagkawala ng komski.net, pagiisip ng magandang tagline at paghahanap ng matinong theme at plugins.. naimport na ang mga entries at naayos na rin ng kaunti ang blog.

karmi at komski [dot] net. — when emo gurl meets geeky boi.

ito na nga. =)

salamin, salamin.

Posted almost 4 years ago blabbers, buhay SATown

ayoko. ayoko. simula pa lang noon ay sinasabi ko nang AYOKO.. pero noon un, iba na ngayon.. wala na akong nagawa, di na rin nakalaban. ung tipong, lumaban man ako, alam kong ako rin ang matatalo. ako rin ang bibigay..

hindi ko pinansin ang mga sintomas, hanggat sa hindi ko na nakayanan.. sakit ng ulo.. sobrang sakit ng ulo na naging dahilan sa hindi pago-online ng ilang araw.. sa halip na gumaling ako, lalo akong nagkasakit.. dahil di ako makapagonline.. *ehem* adik.. pagtapos ng halos 3 araw na di ako nagOL, sumasakit pa din ulo ko.. isa lang ang naging sagot, magpatingin na sa doktor.. takot pa naman ako sa doktor.. pero wala akong magagawa.. kelangan eh.

dumating ang araw. nasa loob ako ng kwartong ngayon ko lang napasok. may upuan sa gitna at sa tapat nito’y may isang poster ng mga letra. pinaupo ako nung doktor at nakipagkwentuhan – kung bakit daw ako andun.. ano daw bang nararamdaman ko.. muli, sinabi ko ang walang patid na pagsakit ng ulo ko.. sinimulan na nyang tingnan ang aking mga mata.. may kung anong machine ang itinapat nya dito, at inadjust ang mga lense.. tinanong kung malabo ba o malinaw.. noong mga panahong iyon, kinabahan na ako.. kelangan ko na nga atang magsalamin.. pero ayoko eh.. ayoko talaga..

natapos ang checkup. 50/50 daw.. grabe, naghihingalo lang.. sabi ng doktor, di ko naman daw kelangan ng salamin, pero mas mainam na kapag nasa trabaho ako eh magsalamin na ako.. nearsighted daw ako.. haaay, ito nga ata talaga un.. its official, magsasalamin na ako..

dumaan ang ilang buwan, di ako nakpagpasalamin dahil nga umuwi ako ng Pinas. binalak ko pang doon na magpagawa para mas mura, pero di ko na naisip pang gawin iyon.. sayang ang araw, gagala na lang ako.. hehehe..

unang araw kong bumalik sa trabaho. whoa. nanibago talaga ako.. sasaglit pa lamang akong nagtatrabaho ay hirap na akong tumingin sa mga monitors.. oh noh, ito na nga talaga.. kelangan na..

kaya ayan. di ko na kinaya, kaya nagpasalamin na ako.. nagfifiling na matalino.. hehehe.. di pa rin ako sanay (as of this writing) na may salamin.. at dahil pango ako, laging nahuhulog ung salamin ko.. :P goodluck.. hehehehe..

ako: ma, kelangan ko na ata talagang magsalamin.
ma: ayan kasi computer ka ng computer, talagang lalabo mata mo..
dad: hay naku, nahuli ko yan nung isang gabi, alas-dos na ng madaling araw, nakacomputer pa rin. tapos magrereklamo na masakit ang ulo..
ako: ….. (sabi ko nga, di na ako magsasalita eh…)

Wala ka namang ginagawang masama, ba’t kita patatawarin?

Posted almost 4 years ago Litratong Pinoy

tiangge

Magkano tapat nito?
Ah sik—
Ang mahal naman!

Asar di ba? Hindi pa ako nagsasalita, ang mahal na kagad ang drama niya. Pero ganun talaga, hehehe. Pinoy e, sanay sa tawaran. Pero ewan, anak ako ng nagtya-tiangge pero hindi ako marunong tumawad, hehehe. Ikaw ba?

konting bawas naman..
Ah sige, teka, kuha lang ako gunting.

Ito ay ang aking post para sa Litratong Pinoy sa linggong ito na may kategoryang tatak pinoy. Ang litrato ay kinunan sa tianggean sa Lolomboy, Bocaue, Bulacan, araw ng Linggo. Wala masyadong tao kaya nagkapagpicture pa ng konting gamit ang aking phone.

Asa maynila ka ba o somewhere malapit? Sali na sa Litratong Pinoy EB!

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.