takot ako sa mumu!
Ito ang aking lahok para sa ika-22 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Ayaw ko. Ang litrato ay kinuhanan sa may 2nd floor ng Computer Science Department ng UP Diliman, na napost ko na dati. Bisitahin ang mga bagay na ayaw ng mga miyembro dito.

sino ba namang magaakalang ang dalawang cute na batang ito ay magku-krus ang landas at magkakakilala.
..at matapos ang ilang taon, ito na sila..

“When you realize you want to spend the rest of your life with a person, you want the rest of your life to start as soon as possible.”
- Billy Crystal, from the movie “When Harry Met Sally”
Alam ko namang walang nakikinig dito bukod sa akin at kay karmi kaya di ako nag-aalangan na ilagay dito ‘to hahaha. May LP naman sa makalawa kaya matatabunan din kaagad ‘to hehehe:D Audio post kaya next time, hmmmm. O audio version ng tula ko dati? Hehehe.
komski kuno – Una (ng Spongecola)
Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

tol, picturan mo nga ako.
sabi ko sa aking nakababatang kapatid habang hinihintay naming magboard sa aming eroplano papuntang Hong Kong. alas-sais na ng umaga, at ilang minuto na lamang ay aalis na naman ako ng Pilipinas. muling iiwan ang mga kaibigan at kamag-anak. higit sa lahat, maiiwan kita.
kagabi lamang ay kasama kita’t nagsasaya kasama ang mga kaibigan ko. sabi ko pa nga sayo, ayokong makita ka bago ako umalis. ayokong umiyak, ayokong magdrama. pero gusto kitang makasama. ang labo ko noh? gusto ko na ayaw ko. late na nga kitang nasabihan na pumunta sa bahay. buti na lang nakapunta ka, buti na lang at nakasama pa kita ilang oras ako bago umalis.
wag kang iiyak ha.
ako? bat naman ako iiyak?
yan ang sabi mo dun sa isang video natin. bakit ka nga naman iiyak eh aalis lang naman ako, pero di naman mawawala ang communication natin. sa bagay, wala ngang magbabago, un nga lang, mas madalas kitang mamimiss, mas madalas gustong makausap. sabi mo nga, babalik tayo sa kwadradong mundong ating iniwan ng halos isang buwan. babalik tayo sa YM at twitter, pero ngayon sigurado na tayo sa ating nararamdaman. at naroon ang pagnanais na makasama muli natin ang isa’t-isa.
kanina lamang ay kausap kita. tinawagan kita gamit ang celphone ko na di ko rin naman magagamit sa Amerika. naubos nga ung load ko sayo, ikaw ang huli kong nakausap. sabi ko kasi, tatawagan kita bago pa umalis ang eroplano. halos kagigising mo lang nga at feeling ko di ka pa rin nakakatulog masyado. sabay nating hinitay ang aking pag-alis. gusto kong maluha habang kausap kita, pero aking pinigil ito. masaya ako sayo, sobrang pinasaya mo ako sa kakaunting panahon na nakasama kita at ayokong umiyak dahil di pa rin naman ito ang huli nating pagkikita. makakasama pa rin naman kita at hinintayin ko talagang dumating ang panahong iyon. :)
ate, ang drama ng kuha mo ah.
ganon talaga kapag may iiwan. diba ate?
……
alam kong matatagalan pa pero ako’y maghihintay. hihintayin kong dumating ang panahon na ika’y aking mayayakap at muling mahahalikan. hihintayin kita, at sana ako din mahintay mo. sabay sa pagsikat ng araw ay ang pag-asang ika’y makasama muli. habambuhay mahal ko, habambuhay. :)














