a day in teh life of karmi

Add comments August 2, 2008 » 594 days ago
so random

8am
gumising.
sa wakas ay naalala na kung san ko naitago ung papel na pinirmahan ng mga blog friends ko nung EB. :D
miss ko na sila.
nagtwit update patungkol dito.
tinatamad pang bumangon.
nagtext si arvin.
nagreply naman ako.

9am
nagOL na.
kausap si arvin.
nagcheck ng email, nakausap si kuya ricky.
dinala ang laptop sa may kusina para magluto ng noodles. ako na lang pala ang di kumakain.
plano nang magupdate ng blog.
ka-voice chat si arvin. habang kausap sina sissy vanny at jen-walongbote.
browse-browse lang. plurk. blog. statcounter.
napalitan na ang username ko sa plurk. im officially arvin’s baby :D

10am
wala pa ring blog entry na nagagawa.
umalis ng bahay, nagpunta ng Academy.
bumili ng Nike na polo.
namali ng scan ung cashier. mas mura ung nascan kesa sa polo.
pumunta ako ng Customer Service counter para sabihin ung nangyari.
ini-scan nya ang polo. naging $2.88 ang dating $26.99.
“you used debit card, so you’ll have a cash back of $15.00″. nawindang ako.
it really does pay off to be honest. :D
nagpunta ng Ingram Park Mall.
kumain.
nakabili ng t-shirt ng America’s Best Dance Crew.
nagbalak bumili ng libro, pero di natuloy dahil di ko pa nababasa ung Twilight.

130pm
nagaya nang umuwi ang kapatid ko.
nagtwit ako kay arvin, tinanong ko kung gising pa sya.
oo daw.
puyat na naman baby ko.
kelangan ko nang magisip ng ibo-blog.

2-ish pm
nakauwi na ng bahay.
nagbalak gumawa ng dance vid suot ang bagong t-shirt.
di natuloy dahil jologs daw sabi ng kapatid ko.
nagOL.
ka-chat si arvin.
nagplurk.
wala pang naiisip iblog.
ay meron pala pero korny.
nood ng tv. wowowee.
ka-chat pa rin si arvin.
26K girls sa hephep hooray.
korny. haha.
kinuha ang earphones ko para makinig ng album ng Eheads.
baka sakaling may maisip i-update.
pero wala.
kachat lang baby ko.
pinalipat ko ang channel. d anothers ang palabas.
gwapo talaga ni vhong. :D
ka-chat pa rin si arvin habang kumakanta si Ely ng Huling El Bimbo.
wala pa ring maisip iblog.

4pm
dalawang oras na nakalipas.
nakabukas lang ang dashboard ng kundiman.
binabasa ko ung ginagawang LP entry ng baby ko.
kakilig.
namimiss ko na naman sya.
namimiss ko sya, kahit na kachat ko sya.
chat.
chat.
*yakap*
si vhong nga pala ung nasa Sulat na vid ng Moonstar88.
binuksan ko ang youtube at pinanood ung vid.
oo nga. si papa vhong nga.
chat ulit.
5am na sa pinas, gising pa si arvin.
adik.

5pm
dear friend na. kelangan nang manood.
tumawag nanay ko, sinabing magsaing ako.
ka-chat pa rin si arvin.
nagalit pa ata dahil pinagpalit ko sya sa Dear Friend. :P
nagbabay na rin sya at matutulog na.
buti naman dahil 6am na sa Pinas.
nagout na rin sa YM.
si MarK Herras sa Dear Friend. yummy.
uy, Paolo Contis pa.
mas yummy. hehehe.
nung hindi ka pa dumarating sa buhay ko, i was living a lie.
panalo ang linyang ito. as in.
naisip ko na mas mahirap ata kung ipagpapalit ka ng boiprend mo, sa lalake pa. :|

6pm
tapos na ang Dear Friend.
tapos na rin ang sinaing.
hinugasan ko na ung mga platong kanina pa atang umaga andun.
sa wakas, may naisip na rin na blog entry.
at ito un. :)

Mga Kahalintulad na Posts



8 Responses to “ a day in teh life of karmi ”

  • nanaybelen says:

    hello. ito ulit ako. musta na karmi? hindi ka na nauubosan ng ka-chat.nice naman. enjoy lang

  • komski says:

    :D kachat na naman ako, hehehe. Pero kahit na lagi tayong magkausap, namimiss pa rin kita lagi, haay, hehehe. Nagalit na nga nanay ko kasi gising pa ako, sabi ko na lang na kailangan yung sinusulat ko, deadline sa martes, hahaha:D

  • Noime says:

    nako.nako.nako. hehehe.
    puro arvin na nakikita ko. *ayiki*.
    sarap mainlab noh? :)

  • superboi says:

    hahahah pag lab talaga kahit madaling araw gagawin ang lahat para sayo :D

  • churvah says:

    ahihi.
    ang sweet tlaga ng labtim na to,
    lagi magka chat pero miss na miss pa rin isa’t isa.

    akalain mo un,
    nakaisip ka rin ng iba-blog after 10 hours.

  • yods says:

    ganun talaga ang pag-ibig, lagi na nga magkausap e lagi pa rin namimiss ang isa’t isa. ka-swit niyo talga. kaya gustong gusto ko ang karmski labtim e. ehehe

    ikaw nga ung presidente namin yods eh. :D sana sumikat labteam namin.. heehehe.. :)

  • yeye says:

    ang random mo tol ehehehe

    ganyan talaga kapag walang maisip isulat yeye.. :P hehehe.. sakit ko na ata yan..

  • vanny says:

    whoohooo! sikat ako sa entry na to! ^__^

    missYou sis! gonna have my CamSur vacation tom.. ano gusto mo pasalubong? hehe. ;)

    naku sissy! naiinspire na tlga ako sa inyo ni papa ryan ah.. juday lovateam! ay arvin pala. hehehe. ;)

    naku.. wag mo kong inggitin, baka sundan ko ang yapak mo! hahaha! ingat ka jan lagi sis.. labyu!

    sissy, enjoy your vacation. :) pasalubong? kahit ano.. :D hehe..
    hahaha.. oo nga, ikukwento mo pa sa akin yang ‘lovelife’ mo.. ^_^ excited na ko..
    miss u too sissy! mwah!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.