Mahaba-haba ang post na aking nagawa para sa linggong ito ng Litratong Pinoy. Kung nagmamadali ka’y pwedeng sa litrato sa ibaba ka na lang magsimula:) Ang paliwanag ay kasunod nuon. Pero sana’y ‘wag mong palagpasin ‘to, hehehe.
Arvin… Arvin…
Alas-otso ng umaga. Narinig ko ang boses mong tinatawag ako, dalawang beses, dahil laging nahahati sa dalawang text ang mga messages galing sa Twitter. Malamig. Malambot ang unan kong dantay sa kama, ’sing lambot ng pisngi mong nakalapat sa akin sa tuwing nagkukuhanan tayo ng litrato. Inaantok pa ako. Sa pagbaling ko’y halik sa mga labi mo ang aking madarama. Gusto ko pang matulog. Nagtalukbong ako sa kumot na inilatag ko sa damuhan para ating higaan.
Alas-otso kinse. Bumangon akong kasing gahol nung araw na tayo’y nagkita. Tuliro. Umuulan na parang sa Cubao nang tumawid tayo mula Farmers patungong Gateway. Pinatay ko ang aircon. Nanginginig na tayo sa lamig. Binuksan ko ang pinto na parang sa fire exit sa ikaapat na palapag. Sumabit ang damit ko sa pinto na parang mga kamay mong nakakapit sa akin. Mainit sa kabila. Mabilis akong bumaba ng hagdan na parang nung tumatakas tayo mula sa paparating na guard.
Alas-otso bente. Wala pa ring pagkain. An’yungseiyo? Naaalala kong tinatanong natin sa isa’t isa tuwing oorder tayo. Ayaw mo sa kape. Akalain mo yun, meron din palang bagay na hindi tayo nagkakasundo. Fried-chicken ang ulam. Naubos ko na ang kanin ko. Pwede pang kumuha sa ricecooker na parang sa Tokyo-Tokyo ngunit wala ang mapuputing babaeng nagsasandok nito. At wala ka rin sa aking tabi.
Alas-otso kwarenta’t singko. Mainit na ang tubig ko, at nagsimula na akong maligo. Ang mga kamay kong minsang nakahawak na sa iyong braso padulas, patungo sa mga palad mo’t hinahanap ang puwang sa pagitan ng iyong mga daliri. Mabango ang sabon. ‘Sing bango ng buhok malapit sa iyong tenga sa tuwing ibubulong kong minamahal kita. Late na ako. Iniiwasan kong mabasa ng tubig ang phone ko habang tinetext ka. Magandang gabi. Kamusta na baby ko?
Alas-nuebe ng umaga. Hindi ko alam ang isusuot ko. Striped blue ang suot ko nung sinama mo akong makipagkita sa elementary friends mo. Red nung namasyal tayo sa may ecopark, blue at white nung unang punta ko sa bahay ninyo, at green nung pangalawa. Naramdaman na ng lahat ng mga damit ko ang yakap mo. Kinuha ko ang paborito kong green at black na polo shirt na siyang sumalo sa lahat ng pawis na dulot ng kaba ko nung una kitang nakita. Ikinubli nito ang puso kong nagsusumigaw sa saya ng una kong nahawakan ang iyong kamay. Hindi ka tumanggi. Sinuot ko ang bracelet mong sinasabi mong hindi kasya sa akin. Minsa’y iniisip kong ang isa kong kamay ay ang sa iyo, at mangingiti na naman akong parang tange at hindi tanga. Magkaiba yun.
Alas-nuebe y medya. Naubos na naman ang barya sa bulsa ng bag ko. Huling dukot ay ipinambili ng pandesal kanina. Magulo. Buti na lang at hindi pa naitatapon ang papel na pinilas mo mula sa isang notebook, na sa tuwing makikita ko’y binabasa ko pa rin. Kabisado ko na ang unang apat na linya. Ginulo ko ang buhok ko upang umayos. Sinabunutan mo kasi. Nawawala ata ang payong kong muntik na tayong ‘di magkasya, na sa sobrang lapit nati’y nahalikan tuloy kita. Teka teka, may dumarating ata. Haaay. Ba’t puro may sakay ang traysikel dito? Late na talaga ako.
Kinse minutos menos alas-diyes. Umaambon sa labas ng traysikel. Napansin ko ang puwang sa aking tabi. Kasya ka pa. Malamig ang hanging tumatama sa aking balat. Hinahanap-hanap ko ang mainit mong yakap. Tumingin ako sa labas. Malayo pa ata. Nakanakaw pa ako ng isang halik. Ipinasok ko ang aking kamay, nangapa’t dumukot ng barya sa aking bag. Kulang. Sana nakasama pa kita nang mas matagal.
Alas-nuebe sikwenta. Malakas ang hanging pumapasok sa dyip. Presko. ‘Sing haba ng buhok mo itong sa katabi ko. Hawig mo yung nasa kabilang upuan at ’sing kulay ng balat mo yung nasa harapan. Binubuo ko lagi ang imahe mo sa lahat ng nakikita ko. Arvin… May nagtext na naman.
Alas-diyes ng umaga. Malamig sa bus. Dun tayo umupo sa may likod. Kaunti na lang kasi ang bakante. Inaantok pa ako. Natutulog ang katabi ko at muntik pang masandal sa aking balikat. Parang ikaw nung araw na ipinakilala kita sa mga magulang ko. Ang cute mo talaga. Mas masarap ka yakapin kaysa sa bag ko. Nakatalikod yung konduktor, nakaharang sa ibang pasahero. Syet, adik na ako sa halik mo. Papuntang Cubao itong bus. Trapik. Naaalala na naman kita. Lagi naman.
Hindi ko na maihihiwalay ang sarili ko sa iyo. Malayo ka ma’y buhay nati’y nakahabi na sa isa’t isa. Wala ka sa aking tabi. Hindi naman yun ang mahalaga. Bawat parte ng pagkatao ko’y ikaw ang ipinaalala. Bawat isipin ko’y nahahantong sa pag-iisip sa iyo. Bawat boses na naririnig, bawat mukhang nakikita. Ikaw ang puno’t dulo. Ang nagbibigay kulay at kahulugan. Ang nagpapaikot at iniikutan. Ikaw ang aking mundo.
Ito ay ang aking lahok para sa ika-19 na linggo ng Litratong Pinoy na may kategoryang Ako (o parte ko). Ang nasa litrato ay kami ng baby ko nung date namin sa may La Mesa Eco Park, Hunyo 2008. Tignan mo rin ang mga lahok ng iba pang mga miyembro dito.
Kitakits na lang sa Litratong Pinoy EB sa Sabado:D Sana hindi ako maligaw, hehe. Malelate ako.














Wow, haba ng kuwento, akala ko di na ‘ko dadating sa litrato, hehe… Buong umaga pala nakalipas sa kwento mo ano? Napaka-iswit naman.
Maligayang Martes!
Dalawang oras pa nga lang yan e:) Sa sobrang haba e tinapos ko na, hehehe. Ang haba:) Mahirap pa basahin, nakakabulol, haha.
Pang-Valentines pala itong entry mo. Great job! Happy LP!
Lagi naman, alam kong nakakasawa na sa iba, hehehe. Pero ganun e, baby ko kasi:D Nakakainlove parati:D
Hay…ang sarap magbasa. Napakamadamdamin at napakatamis. Haaay *uli*
Nice entry po! :)
Ako at ang parte ko ay up na rin! :)
Hala, nagkwento lang naman ako:D Salamat at nagustuhan mo. Sobrang miss ko na kasi baby ko, haaaay, hehehe.
Aw, ang swit naman ito, in fairness, binasa ko lahat :D
Ang tiyaga mo, hehehe:) Astig. Sobrang haba, kahit ako nahabaan, hehehe. Ayus na rin at nakabawi ako sa labidabs ko, hehehe. Nagselos kasi yun nung huli kong LP entry, hehehehe.
aww parang nobela ang entry mo.. sweet naman ng piktyur happy LP!
Maraming salamat:D Nobela nga e, hehehe. Nacarried-away:) Natuwa naman baby ko kaya ayus.
opo nakabawi ka na. :)
kahit ilang beses ko nang nabasa tong post, binasa ko ulit. pero mas naaliw ako nung binasa mo sya sa akin. :) iba ung dating dahil naririnig ko ang boses mo.
nakakamiss talaga ung mga araw na nakasama kita. ilang araw lang un, pero nagkaroon na tayo ng mga ala-alang alam kong magtatagal. mula dun sa araw na nagkita tau, hanggang sa nung nasa bahay ka bago ako umalis.. sa kakaunting panahong un, naging parte na nga kita. alam mo naman na ngayon lang ako naging ganito kasaya. salamat talaga sayo arvin. :)
kahit na magkalayo tayo ngayon, sa tuwing naaalala ko ung mga simpleng bagay na patungkol sau, nangingiti ako. ung itsura mo nung unang beses taung nagkita, classic. :) pareho taung kinakabahan noon kaya di mo ako matingnan. pero ilang segundo lang ata un, dahil nung hinawakan mo na ang aking kamay, alam kong un na ang simula nating dalawa. :)
dapat nga ata blog entry ang reply ko sayo. :) hehe. basta mahal na mahal kita. at masaya talaga ako na naging ganito tayo.
iintayin ko talaga ung panahon na makakasama na kita ulit. ^_^ madami na naman taung utang.. hehe. excitedness.. :) love you baby. :*
mahal na mahal kita carme ko *yakap*
Aruuu at nagsasagutan pa silang mag-irog…hayyy ka sweet talaga (asan ba asawa ko at ng maturuang mag blog? kaso baka puro reklamo sa akin ang isulat nyahaha!)
Sana sumali rin sa L.P. si Ms. Karmi para may L.P. love-team tayush ha ha! Stay in love you two!
Siya yung may gawa nung Sa Gawing Kanluran na entry ah:) Hala, hanggang kelan nga kaya ako ganito kay karmi my labs ano? Hehehe:D
at syempre pa, ang lahok ay tungkol pa rin sa iniirog!
Siyempre pa, hehehe. Hindi kasi nakakasawa e:D
young love…sweet love! kakainggit naman kayo!
Young? hehehehe. Peace tayo carme:D
ka sweet talaga dito (lagi naman), hehehe.
Happy LP
:D buong buhay ata akong magiging sweet nito, haaay. Hehehehehe.
an ganda nang storya.. hehe.. kaso na bulol ako sa pagbabsa .. but its worth it.. lol. hmmp.. ganda mag kuwento hap..
ang saya!
Ako rin nabulol e. Unang post ko yan na ganyan, nakakabulol, hehehe. Ewan kung bakit, siguro kasi ganyan talaga yung raw na flow of thought, walang edits, walang revisions (except sa grammar at ispelling, hehehe). Basta, nagkwento lang ako basta. Worth it talaga:D
ang sweet naman!! my gulay
Makulay ang buhay! Hehehe:D
naks, makabagbag damdamin :)
eto ang aking lahok:
http://maver.wifespeaks.com/2008/08/lp18-ako.html
Ay, di pa masyado no, hehehe.
araw na pala ng mga puso? masyado akong nadala sa kwento mo hahah!
Hala, bakit naman? Wala lang yan.
ang ganda. nakakatuwa makabasa ng mga lahok na puno ng damdamin tulad nito. sana ay magkasama na kayong muli.
Saamat. Oo, kaya nga ako nagsusulat ng ganito kasi ang sarap basahin:D Ilang ulit na nga ba? Hehehe.
hehehe grabing sweetness ninyo plus very inspired ka sa kwento mo..ang taas parang maalaala mo kaya.. napakaganda ng ending..salamat sa dalaw..
Sobrang inspired:D Hala, grabing sweetness, hehe.
akalain mo yun o, kahit mahaba binasa ko talaga hanggang makarating ako sa piktyur niyo. wee!
dalawang oras palang yung nakwento mo? di nga? ehehe. kung buong araw pala yung kinuwento mo baka pwede ng gawing libro yun sa haba. ehehe.
Oo nga, pero kaya dalawang oras lang yan e naubusan na ako ng isusulat, hehehe. Pero isang araw? Hmmmm, baka naman maiyak na ako nun kakaisip kay karmi:)
bilib ako sa tyaga mo… madagdag ko pa, mukhang you’re so inlove. :)
stay happy!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-19-ako-up-close-and-personal.html
Sobrang inlove:D
ang galing mo tol nayakap mo si arvin ahahahaha joke lang arvin! hehehe
arvin- san ka nga sa bulacan? sta maria? talaga malapit na un sa sapang palay?? ahryt..lam mo ba muntikan pa kami maligaw sa norzagaray..ahahaha….la lang
Haha, tignan mo nga o, nasakal niya ako! Pero smile pa rin, hehehe. Love that picture:D Hala, oi, ako nagsulat nung entry, hehehe. Katabing bayan ng sapang-palay yung amin, isang sakay dyip, pati yung garay. Ingat palagi para di maligaw:)
ate karmi! :) di mo sinabing lumipat ka na!
yay sana manalo ka. uuyyyyy in love na in love ka na talaga. haha. :) best wishes sa inyo. muwah! :*
Hala, ako yung sumulat nitong entry:D hehehe. Tsaka hindi contest yung LP kung yun ang tinutukoy mo:D Teka, Ayaw pa bumangon ni karmi e, hehe.
kitakits sa sabado… happy LP… :)
grabe.. nakakakilig na nakakalungkot ang kwento nyo.. ;)
ako lang ba to, o talagang may mga langgam na gumagapang sa screen ko? hehehe. super sweet niyo talaga. :)
Ikaw lang yun, hehehe:D
ang sweet nyo namang dalawa…hay sarap ng in lab talaga :D
Sobrang sarap. Sige, next time, hindi na talaga ganito ipopost ko, hehehe.
ay ang sweet!!!
Pramis talaga corny entry na lang gagawin ko, hehehe.
syet!tumayo atang lahat ng buhok ko sa katawan ng mabasa ko tng post mo bigla akong kinilabutan at di naiwasan mapangiti na parang ‘tange’ ndi tanga magkaiba yun…hhahaha!!! ayokong manood ng pelikula ni john lloyd crz at sarah g. dhil medyo najojologan ako, pero itong entry mo kinilig talaga ako!! parang gs2 kong sundan ang istorya ng buhay pagibig nyo ni karmi…. ang sarap talaga ma inlove! ahahahaaaayy!!!
Teka nga’t babasahin ko ulit yung post, hehehe. Buti ka pa may ganyang reaction. Maraming salamat! Natuwa naman ako:D Hala, bakit ayaw mo manood? Nood ka na! Paminsan-minsan, jologs talaga ang pag-ibig hehehe.
Susundan mo ang istorya namin? Handa ka na ba, dahil medyo mahaba-haba itong amin. Aabot ng habambuhay:D love you baby ko *yakap*
Nice entry. Happy faces.
Happy LP!
Salamat! Sobrang happy:D Nasasakal ako pero happy pa rin, hehehe.
ang tamis naman ng lahok mo…nakakatuwa at nakakainggit:)
Tamis nga daw:D Baby ko kasi e, hehehe. Sweet.
Aba at pang MMK pala ang isturi ng inyong pag-iibigan. Mabuhay ang bagong sakal este kasal hehe. Mabuhay kayo at nawa pang habang buhay na ang inyong pag-iibigan. Ninong at nonang kami sa LP family ha ;D
wow, ang swit naman nina arvin at karmi! haaay, kay sarap maging bata muli! :)