Litratong Pinoy!

Add comments August 10, 2008 » 587 days ago
Litratong Pinoy, blabbers

Litratong Pinoy EB

Ismaaaaaaaayl!

Hala, paano naman ako mag-iismile e may tumawag sa akin dahil namimiss na raw niya ako? Love you baby:D Hehehehe. Kasi naman, ilang oras ko din siyang di nakausap, e off pa naman niya. E nasa’n ba naman kasi ako di ba?

Edi nasa kauna-unahang official Litratong Pinoy EB! Astig, nagsimula ang Litratong Pinoy(LP) isang linggo bago ang aking birthday, hehehe. Binati pa nga ako sa site:) Samahan ng mga blogistang litratista, yan ang LP. Nakita kong una ang banner nila sa Manilenya at nun din ay chineck ko ang site at naging interesado kaagad ako na sumali:)

Ang kailangan lang naman para makasali ay may mga litrato ka, blog/s at marunong magtagalog. Ang gagawin ay magpopost kada Huwebes ng litrato na naaayon sa lingguhang tema. Basahin mo rin ang opisyal na guidelines sa pagsali. Nakasama na ako nung una pa lang at ang tema ay Ako ay Bilog, kung saan pinost ko ang litrato ng tatlong soda cans na nakakalat dito sa tabi ng PC ko. Oo na, hindi na napaghandaan.

At kung tatanungin naman ako kung ano ang pinakapaborito kong LP entry ay ang aking kwadradong mundo post para sa temang Apat na kanto. Isang tula tungkol sa kalagayan ng aming relasyon ni karmi, ang kabiyak ko sa blog na ito.

Dito sa maliit na kwadradong tila bagang isang salamin lang ang nagiging hadlang sa paghaplos ko sa iyong pisngi, ay nadarama pa rin ang bawat pintig ng puso mong itinitibok ang pag-ibig na sa lumaon ay hindi na natin makayanang ikubli.

» komski kuno, Kwadradong mundo

Madramang pic na sinamahan pa ng madramang post, ang dami tuloy naluha, hehehehe. Biro lang. Kasi naman nung mga panahon ding yaon namin ipinahayag sa lahat na hindi kami basta blog friends lang kundi higit pa roon. Sensya, kahit naman ano ang isulat ko e napupunta pa rin ako sa pagsusulat tungkol sa kanya, hehehe. Maraming natuwa at nainspire, at eto ang ilan sa kanila.

maganda maganda! :) naalala ko tuloy ang labidabs ko.. hehehe

» Mia, DakilangTambay

masyadong na-antig ang aking damdamin sa iyong isinulat. mayroong panahon na nag-depende din kami ng aking asawa sa maliit na kwadrado na iyan. kung pwede nga lang ikahon naman ang mga yakap at halik…

salamat sa kakaibang parisukat entry. :) hanggang sa muli!

» Meeya, MrsWorkingGirl

Aaawww.. nakaka-touch naman ang iyong akda tungkol sa parisukat mo. Ganyan talaga pag magkalayo, ang importante magkalapit pa rin sa puso. :) Hanggang sa susunod na Huwebes!

» Grey, Grey24

Ang iba pang mga paborito ko ay ang nakasimangot na Manuel Quezon, ang nakakatuwa at maabilidad kong nanay, ang walang hanggang dalampasigan, ang entry ko last week na tungkol sa baby ko lagi kong namimiss, ang malungkot na kim chiu bus, ang mother-of-all pila sa MRT, at.. at.. at lahat nga ata e gusto ko, hehehe:) Bisitahan ang mga entry ko para sa Litratong Pinoy.

litratong pinoy

Kaya sumali ka na:D Ang mga litrato nga palang aking nakuhanan sa EB/Photo OP kahapon ay nasa isang album sa aking Multiply account. Ang saya:) Kelan kaya mauulit? At asan na yung jumping pics natin kuya Lino? Hehehe.

Mga Kahalintulad na Posts



9 Responses to “ Litratong Pinoy! ”

  • karmi says:

    teka, dapat ang pinakapaborito mo eh ung LP entry ko.. :D hehehe..

    lagi kong sinasabi na buti na lang may LP at least every week eh may post ka.. kita mo ngayon, nakasama ka na sa EB nila.. :) sayang nga lang at di ako nakasama.. kaya nga tumawag na lang ako eh diba? para kahit papano, parang kasama na rin ako. :)

    nagulat talaga ako nung pinost mo ung “obsessed picture” mo.. pero matagal mo na din kasing gustong ipost yan, at buti na lang nagkachance ka. :) at oo, un ata ung start ng pagiging more than blogfriends natin. :)

    alam ko mahilig ka talagang kumuha ng pictures, kaya maganda talaga na nasali ka sa LP.. next tyms na may EB ulit, kasama na ako dapat saka dapat ung 2 kilong camera na ang bitbit mo’t di lang ung limang guhit. :D hehehehe..

    Oo no, dapat ikaw na kasama ko para cute yung model ko:D cam-whoring session ulit, hehehe. Minsan nga puro LP na lang post ko, hehehe. Pero mahahaba naman kasi mga entries ko kaya ok na rin:) Nadedrain tuloy ang posting powers for the week:) May ganun, hehehe.

    Parang ayoko nga ata nung ganun kabigat na camera? Hirap na nga ako sa kabubuhat ng katawan ko, ‘tas dadagdagan ko pa, hehehe:D

  • manilenya says:

    naks! may EB na ang LP? saya nyan ha :)

    Hindi ko lang masyado naikwento, hehehe, pero meron na nga:D

  • yeye says:

    sus feel na feel ung pagtawag ni karmi..ahahaha

    Hehehehe, sensya naman:D

  • WEPANDY says:

    bro paano sumali ?

  • wow..kakainggit naman! at may t-shirt at payong pa kayo, ha! gusto ko ng payong! haha. (maulan dito ngayon sa new jersey)

  • Pepe says:

    Kumusta ka na Karmi….? How’s the bakasyon to pinas pala….? Parang love is in the air ngayon dito a he-he….! Jokes, napansin ko lang ha-ha….! Oi, dami akong gustong basahin dito kaya lang matutulog na ako, pero babalik ako dito bukas para magbasa…. Gudnyte muna…. Ingatz bukas….!

  • winkii says:

    bloghopping. :)

  • Kahit papaano ay kasama rin si Karmi dito kasi siya kausap ni Arvin sa phone! Ganda ng mga pictures. Check ko multiply mo ha?

  • architect says:

    katuwa ung mga litarato nyo

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.