Hinde, hindi ako titigil sa pagbablog, sa katunayan ay naisip ko kanina lang na teka… ba’t parang ni minsan ata e ‘di ko naisip na iwanan nang tuluyan ang mundo ng blogging?
Pinakamalapit na siguro ay nuong nagdeklara ako ng hiatus sa tim.idlip.net, isang linggo bago ang araw ng mga puso nitong nakaraang Pebrero. Hindi para maghanda para sa isang magarbong valentines date gaya ng iniisip ng iba sa mga nagcomment, kundi dahil sa pagiging busy sa mga gawaing pang-akademya. Wish ko lang na may date at perang pang-date ako ‘no, hehehe.
Isang buwan akong hindi nagpost ng entry, kahit na aktibo pa rin ako sa pagko-comment sa ibang blogs. Online pa rin pero iba rin kasi ang oras na ginugugol kapag lagi kang nag-iisip ng pwedeng iblog, isusulat ang naisip, sasabihin sa ibang bloggers na may bago kang post na dadaanin sa pangangamusta kuno sa kani-kanilang tagboards, bloghop, comments moderation at reply sa comments. Daming gagawin di ba?
Isang beses lang ako naghiatus, uhm, formally. Dahil nuong wala pang internet sa bahay at bakasyon ay wala akong ibang paraan para makagamit ng computer na konektado sa world wide web kundi ang dumayo pa ako sa kabayanan, sa kabilang ibayo, sa kasunod na dalawang baranggay. Dalawang beses kada taon ako inactive nun, tuwing summer at christmas vacation.
Bakit nga ba may blog leave?
Tumigil ako sandali sa pagbablog dahil busy sa ibang mga gawain. Yun na siguro ang isa sa pinakamadalas na dahilan. Trabaho, projects, exams, o out-of-town vacation. Walang internet, sira ang pc, nanakaw ang laptop, naputulan ng kuryente, nasunog ang bahay, pinasara ni Edu ang pinupuntahang net shop o naputol ang underwater intercontinental optic cable sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas. Namundok at nagtago sa mga awtoridad, nakulong o na-mental, o di kaya’y sumakabilang buhay.
May nakaaway online, nahuli ka ng gf mo, may nagpakalat ng litrato mong mahalay, may nagbunyag ng secret crush mo online, o may gusto kang layuan na blogger dahil ayaw mong lumalim ang nararamdaman mo sa kaniya.
Madrama, o sobrang madrama, seryoso, pabiro, kontrobersyal, nakakatawa, nakakaawa at kalimitan nakakapanghinayang. Ang daming dahilan para tumigil, umalis, mawala. Pero ang isa sa mga ‘di ko malilimutang dahilan ng pag-alis sa pagbablog ay
Ayoko na magblog.
Tapos.













pano na ang mga nakikibasa?
hahaha. naalala mo ba yan? ang arte noh? :P
nung nasa idlip ako, ilang beses ata akong naghiatus, dahil sa trabaho at dahil nagkasakit ako.. isang buong buwan din akong halos di nakapagupdate dahil umuwi ako ng Pinas.. pero bumabalik pa rin ako sa blogging.. bakit? ewan, gusto ko lang. :D
darating din cguro ung time na aayaw na talaga ako.. at sinabi ko naman sayo ung reason diba? :) feeling ko, di na darating ung time na un.. ^_^
grabe, sumakabilang buhay. :| okkkk…
bakit?
hala ano na ang nagyayari dito ahahah helfff
walang goodbye goodbye. hiatus pwede pero goodbye blog hindi. hmpt! wag ganun.