Medyo hindi pa namin sigurado kung paano gagawin ‘to pero pareho kaming sasali sa linggung ito ng ka-LP-han. Subukan muna naming pag-isahin ang entries namin sa isang post, hehehe. Mauuna ako, si komski:)
2003. Alas onse ng gabi. Lumabas kami ng bahay ng aming kaklase para bumili ng pagkain sa tindahan. Kanina pa kasi namin binubuno itong project sa social studies, isang miniature model ng kung anung hindi ko na matandaan. Madilim at maaliwalas ang kalangitan at walang anu-ano’y sabay pa kami napatingala ng kasama ko,
Uy, falling star!
Yun na ang una’t huling beses na nakakita ako ng falling star. Wish? Paano ako makakapagwish e napatitig na lang ako sa sasandaling gumuhit ang manipis na puting ilaw na iyon sa langit. Astig.
Falling stars, pagblow ng candle sa cake, isang libong paper cranes, paghulog ng coin sa wishing well, pagkatok sa pinto ng simbahan na unang beses puntahan, wishbones o kahit yung pagwiwish kapag sinunod mo ng pinapagawa ng isang chain email. Ang daming pagkakataon na pwede kang mag wish. Pero sana lang e magkatotoo di ba?
Magwish ka..
Sinabi niya matapos hawakan ang aking pisngi at pilit may kinuha na kung ano malapit sa aking mata, isang nahulog na pilik-mata. Tapos ay pinapili niya ako kung saan didikit ang pilik-mata, taas o baba, kung sa kanyang hintuturo o sa hinlalaki?
Anung winish mo?
Alam mo naman kung anung wish ko e.
===
wish, nang malaman ko na un ang LP category ngayong linggo, ito kaagad ang naisip ko.
– karmi
simula pa nung HS ay naiingit na ako sa mga kaklase kong nakakatanggap ng bulaklak. lagi kong iniisip, kelan kaya may magbibigay ng bulaklak sa akin. kung tutuusin, napakababaw ng aking minimithi, bulaklak lang un, ano ba! ano bang meron dun diba? eh natutuyo rin naman ito ay di pagtagal ay itatapon din. para sa akin, its the thought that counts. oo nga’t natutuyo’t itatapon din pero ung effort na pumunta sya sa isang flower shop para bumili nito para sa akin ay sapat nang tumagal sa aking ala-ala.
syempre, di lang naman ako tatanggap ng bulaklak kahit na kanino na lang. gusto ko eh galing sa mahal ko. :) gusto kong kiligin at matuwa. hay, napakahopeless romantic ko talaga.

oo, nagkatotoo ang aking hiling. may nagbigay sa akin ng bulaklak, at di ko ito inaasahan. andun sya sa tagpuan namin, nakaupo, ilang minuto na rin nya akong iniintay dahil di ko inaasahang male-late ako. puno nang kaba akong lumapit sa kanya nang makita ko ang isang dosenang pulang rosas. umupo ako sa tabi nya’t iniabot nya ang bulaklak.
ano ito?
para sayo.
di ko alam ang aking sasabihin. natigilan ako’t tinitigan na lamang ang bulaklak. ni hindi ko nga maalala kung nakapagpasalamat nga ako eh. magkahalong tuwa at pagkagulat, yan ang aking naramdaman ng mga sandaling iyon. di mo naman kelangang gawin, pero salamat. sobrang natuwa ako.
salamat sayo, natupad ang wish ko. :)
===
Ito ay ang aming lahok para sa ika-21 na linggo ng Litratong Pinoy na may kategoryang Mithi (wish). Ang litrato ni komski ay kinuhanan niya kanina sa harap ng pc niya. Kanina lang din niya ginawa yang mga stars na yan dahil wala namang pasok dahil sa bagyo. Ang litrato ni karmi ay kinuhanan noon June 14 sa harap ng KFC sa Trinoma habang hinihintay si Arvin. Tuyot na ang bulaklak, pero nadala ko pa rin dito sa America. Tignan mo rin ang mga lahok ng iba pang mga miyembro dito.














Wala pang naka-post LP Website, kaya nag hop na ako…. =)
Nakatutuwa talagang basahin ang mga isinusulat ninyo. Dati rin gumawa ako ng mga papel na bituin na yan, gandang stress reliever.
At, ngayon ko lang napansin, nag-iiba ang litrato sa kanang gilid ng blog nyo. Ang galing naman! =)
DITO naka-post ang mithi ko.
Maraming salamat! Stress reliever ba? Ba’t baligtad ata ang epekto sa akin? Hehehehe. Ah ung litrato sa gilid? Pakana ko yan, adik ano?:D
inabangan din po namin ung post sa LP kaninang alas-dose ng hatinggabi.. hehehe, kaso wala pa.. :)
salamat po at may natutuwa pa talaga sa mga isinusulat ko/namin. :D nung HS ko natutunan yang paggawa ng stars.. tinuro ng teacher namin. :D hehe..
opo, c komski nga ang may pakana. :D
ganda ng mga tala
Masdan po ang aking mithi sa lahok kong ito at gusto ko sanang hingin ang inyong suporta, ako po ay nasa Top Momma prin! Magtatatlong araw na ako dito. Sana ay suportahan nyo ko sa pamamagitan ng pag click sa Top Momma Icon na makikita sa aking lahok at i-click muli ang litrato ng aking anak na gaya ng larawang ito na makikita sa TopMomma.com
Salamat at inaasahan ko po ang inyong suporta.
Goodluck po sa inyong mithiin:D
wow, Top Momma.. :) congrats po at goodluck.. ^_^
sweet nyong dalawa…madalas siguro kayo langgamin! hehe.
na-adik din ako dati sa paggawa ng mga paper stars na yun…
Sweet? Sabi nga nila, hehehe:) Hala, edi ilan na nagawa mo? Isang libo?!?
nilanggam? opo, nilanggam na ako dito, pero dahil sa may naiwang pagkain. :) hehehe.. korny.
kakaadik talaga yan! may isang bote na akong puno ng mga tala eh.. :)
*isang malalim na buntong-hininga* nakakatuwa at very hopeful ang inyong pagsasama… naku! mukha yatang patuloy kong susubaybayan di lang ang LP entry nyo kundi pati ang lab story nyo… hehehe… patawad… sobrang kinikilig ako sa inyong dalawa. =)
God bless you both… :)
p.s.
idol ko din si BO! kumpleto ko din ang book nya ahahaha!
Naku, ako rin e masugid na taga-subaybay sa labstory na yan, hehehe. ‘Wag ka humingi ng tawad, ‘di lang ikaw ang kinikilig:D
uy, that makes the three of us! :D
si idol BO ang nagsimula ng lahat.. hehehe..
ano bah!!! kakakilig na ito! sobraaah!!! ahihihii!! cute ng mga stars :) ang flowers talaga sobrang romantic ng dating haaaay!
p.s. yaan mo arvin one of these days pupuntahan namin ni boypren un eksaktong punong yun sa may McArthur’s Park at doon maglalambingan hehehe!!
Maligayang Huwebes!
Sige lang, mang-inggit ka, hehehe:)
inggit din ako.. :(
hanga ako sa estilo ng inyong pagsulat para sa LP :)
naku, super thank you po. di ko po alam na may estilo pala ako/kami ng pagsusulat. tamang kwento lang po yan. :)
Oo nga:D salamat! Siguro kasama na dun yung kilig factor, hehehe:D
Sweet & creative ang inyong akda. Madali lang ba gawin ang mga paper stars na yan? :)
madali lang po. :) kelangan nyo lang po ng isang strip ng papel tapos aun, ikokorte nyo lang po na pentagon, ipapaikot ung papel, tapos ay ip-press ung mga gilid. aun, may paper star na kau. :D
Madali lang nga:D Yung gagawing pentagon, basta yung strip ng papel e ibuhol, yung normal na buhol na parang tali:) basta nakalapat lang. Meron sigurong online guide yun.
Aba, ang sweet naman, dinala mo ang bulaklak? Hanga ako sa iyo. Sana sa kasal niyo, imbitahin nyo kami ha :D
opo. dinala ni komski ung bulaklak (ewan ko lang po kung pilit).. hehehe.. kasal po ba? ummmm, arvin kasal daw.. hehe.. ^_^
Baby ko talaga, ang ibig sabihin niya, dinala mo dyan sa isteyts, hehehe:D Kasal? Baka sakal kamo *yakap* hindi pa naman namin napag-uusapan yan:)
hehe. oo nga ano. :| sssslllooowwwww…
E magparinig ka naman ba na sana may magbigay sa iyo ng bulaklak, limang araw bago nung date natin? Hahahaha. Kung ‘di lang kita mahal e:D Hehe. Love you baby:*
*ehem* di kita inuubuhan ha. :)
oo na, nagparinig na.. pero di ko pa rin expected noh. ^_^
kaya salamat pa rin. :D
“may ruler ka ba?”
akala ko naman kung para saan ang ruler na hinihiram mo kahapon, un pala eh para dyan sa mga stars. :) sayang talaga at di ka nakapagwish dun sa falling star. pero feeling ko natupad na naman eh. :D nakilala mo na ko.. hahahaha.. ^_^
Paano mo nalaman na kailangan ko ng isang katulad mo sa aking buhay? Na merong puwang sa aking puso. Sakto ang pagdating mo sa buhay ko:)
kinilig pa naman ako.
kanta pala. :|
bakit babae lang ang binibigyan ng bulaklak?
di ko rin alam kuya. minsan dapat kayo naman ang magdemand. :D hhehe..
basta ako, kahit chocolates na lang ok na:D
uuuuy ang sweet naman. yihee! :)
ako po, sweet talaga. ewan ko lang ung isa dyan. :D hehehe.. peace baby ko. ^_^
Sweet talaga yang baby ko:D Sweet and spicy, hahaha:D
nagawa ako dati ng ganyang mga stars. kakatuwa naman. hihihihi
:D buti’t natuwa ka, hehe. kaunti lang nga nagawa ko e
lahat ata tau nakagawa na nito. :D hehe.
Nakakaaliw, nakakakilig at nakakatuwa kayong dalawa! asus kaya pala may nangangagat dito eh, daming langgam :D
Wish ko sa inyong dalawa…sana ay matupad lahat ng wish niyo. *wink*
Sana talaga matupad:D Ingat lang po sa langgam.
salamat nona. :)
sana nga matupad wish ni arvin este namin pala.. ^_^
nakakakilig naman talaga tong 2 to! :) uy arvin, alagaan mo si karmi ha *wink*
Aalagaan ko talaga yan:) baby ko:D
o ayan ha. alagaan mo daw ako. :)
wag mo na akong aasarin pa.. :P hehe
libangan namin ung paggawa ng stars nung nasa OR duty kami.ehehehe pasimuno mga CI namin. gawa daw sila para pang give away ng knyang anak sa debut. take note: 2 y/o palang anak nia ahahaha
ayun
14. ui roses…hehehe isang malaking katuparan ng wish si arvin ahehehehehe
ahryt
nyahaha. kamusta naman un, 2 yrs old pa lang? may 16 years pa. ang daming stars na nun!
oo yeye, tama ka, malaki talaga si arvin.. este, malaking katuparan ng wish ko. :D hehehe
Baka gawa sa stars yung gown pati na rin deco sa cake? Hehehe, dami nga nun. Hala… Oo na, malaki na, hmmph.
Sabi nga nila, lahat ay darating sa tamang oras.
Ito ang aking lahok. Salamat.
tama po. :) darating din ung panahon na matutupad ang mga wish natin..
salamat din sa pagdaan.. ^_^
Ibig bang sabihin kapag mali ang oras, hindi yun ang tama?
Nakikita ko ang maraming langgam na nasa bulaklak! hehe…Happy LP!
nakita nyo pa po un? hehe.. :)
Grabe nga:)
awww… karmi.. akoy nagulat ng mkita ulit ang blog na ito… ang sweet naman ninyo.. kakakilig..hayy karmi.. bgay kyo panalo.. malamang kyo na ang winner dito.. awww
sinabi mo pa… bagay talaga kami no:D hehehe. Hala, hindi po contest ang LP:) kundi isang photo meme
ah o? bagay sino? :P hehe..
joke lang. :D bagay kami talaga noh.
Yab din ang sabi ng asawa ko….ano ba meron sa bulaklak eh natutuyo din naman, pero wag ka tuwing araw ng puso me roses ako, swerte nya ha, kasi isang bigayan na lang, the next day kasi bday ko :)
Sarap naman magbasa dito. Happy LP
Ewan ko nga ba kung anung meron dun:D Pero kahit ako natutuwa ‘pag may binibigyan ako, hehehe, as if madami na akong nabigyan, haha. Swerte nga yun! Isa na lang.
madaya! hehehe.. dapat dalawang klase ng bulaklak ang ibibigay sau ate! magdemand! hehehe. :)
pasensiya na po, ako ang nakatoka kasi mag-lagay ng theme for this week. medyo hindi yata na-publish on time ng ating bb admin at baka wala siyang internet connection sa pinas, hehe. better late than never? :)
uy alam niyo ba may paniniwala ang matatanda sa amin, kapag daw ang magsing-irog ay nakakita ng bulalakaw, yung sabay nilang nakakita ha, sila daw ay destined to be together forever.
sa kaso ninyong dalawa, wala naman yatang duda yun. :)
happy lp!
Mithing Paghimbing sa MyMemes
Mithing Pagpanalo sa MyFinds
Wala nga atang net sa kanyang tinutuluyan dito sa Pinas. Paggising naman namin, andun na:D Hala, hindi po si karmi yung kasama ko nung nakita ko ung bulalakaw:) lalake nga e, hehehe.
ay ganon po pala. :D hehehe, oo nga po, better late than never. :D akala nga po namin ni komski eh kami lang ung gumawa ng theme para sa linggong ito.. hehehe..
waw! marunong din ako gumawa ng stars na ganyan kaso hindi ganyan kaganda hehe. panget gawa ko eh! saka.. gusto ko din pag binibigyan ako ng flowers hehe. samahan pa ng chocolatesss. ewan. iba talaga dating ng flowers!
Oo, iba:D Masaya din namang nagbibigay e, lalo na kung mahal mo ung bibigyan mo:D
di ako masyadong mahilig sa chocolates.. hehehe..
bulaklak na lang, pwede pa! :D
nakakatuwa naman yung paper stars. di ako marunong gumawa niyan. at yiheee! bulaklak. hangswit! :P
Madali lang gumawa! Gusto mo ng guide?:D hehehe
tama arvin, gawa ka na ng guide. ^_^
ang huhusay! asteeg nung mga tala ni pareng komski at yung flower ni karmimay! :)
wee! answit niyo talga! :P
Oi oi, ako bumili nung bulaklak na yun, hehehe:D
wee! angswit. :)
hehehe..
hehe, ayos ah…. pasensya na at nahuli ako… :)
nagtataka nga ako’t huli ka, hehehe:)
sabi nga po ni ate Meeya, its better late than never. :)
wow…pano gawin na nga yan? :)
sikret:)
uulitin ko, gawa ka na kasi ng online guide. :) hehe..
hay,kakainggit naman kayo:)
hala, bakit naman?:D
:)
Ang sweet nyo talagang dalawa!!
Nag-uwi lang ng paper star yung anak ko nung isang araw. Naka-perfect kasi sya sa school :)
Galing naman po ng inyong anak:D Nakakatuwa pag ganun panigurado:D
wow. star! :D
galing-galing naman. ^^,
Naku baka langgamin kayo dyan ha. ;)
Napaka sweet !
Ako noon pag nagbabanta ang boypren ko ng rosas, sasabihin ko eh – hindi ako kumakain nun.
Hala, ako rin hinde ako kumakain nun:D
super sweet. :D
ah o? ako rin di kumakain ng rosas. ^_^
komski@ sana’y matupad ang iyong mithi…ang galing mo namang gumawa ng mga munting tala.
karmi@ nawa’y madami ka pang matanggap na bulaklak galing sa iyong mahal…malayo man o malapit (sana mabasa nya ito) ay pupuwede pa ding makapagpadala. sarap naman talaga ng feeling na makakuha ng mga magagandang bulaklak diba!?
sana nga po. :) at sigurado akong mababasa nya ito.. ^_^
natuwa na naman ako sa nabasa ko, ewan ko ba, ang ganda nyo kasing maglathala. sa susunod na tema, dito ulit ako…
salamat po at nagustuhan nyo. ^_^
cge po sa susunod na LP, daan po kayo ulit dito.. :D
paturo naman pano gumawa ng mga tala na yan…
para hindi ko kailangan mag antay ng gabi para lang makapag wish..hehehe
cute paper stars and a lovely bouquet of flowers! wish talaga yan ng mga in-love.. kasama na ako dun :) he he