
tol, picturan mo nga ako.
sabi ko sa aking nakababatang kapatid habang hinihintay naming magboard sa aming eroplano papuntang Hong Kong. alas-sais na ng umaga, at ilang minuto na lamang ay aalis na naman ako ng Pilipinas. muling iiwan ang mga kaibigan at kamag-anak. higit sa lahat, maiiwan kita.
kagabi lamang ay kasama kita’t nagsasaya kasama ang mga kaibigan ko. sabi ko pa nga sayo, ayokong makita ka bago ako umalis. ayokong umiyak, ayokong magdrama. pero gusto kitang makasama. ang labo ko noh? gusto ko na ayaw ko. late na nga kitang nasabihan na pumunta sa bahay. buti na lang nakapunta ka, buti na lang at nakasama pa kita ilang oras ako bago umalis.
wag kang iiyak ha.
ako? bat naman ako iiyak?
yan ang sabi mo dun sa isang video natin. bakit ka nga naman iiyak eh aalis lang naman ako, pero di naman mawawala ang communication natin. sa bagay, wala ngang magbabago, un nga lang, mas madalas kitang mamimiss, mas madalas gustong makausap. sabi mo nga, babalik tayo sa kwadradong mundong ating iniwan ng halos isang buwan. babalik tayo sa YM at twitter, pero ngayon sigurado na tayo sa ating nararamdaman. at naroon ang pagnanais na makasama muli natin ang isa’t-isa.
kanina lamang ay kausap kita. tinawagan kita gamit ang celphone ko na di ko rin naman magagamit sa Amerika. naubos nga ung load ko sayo, ikaw ang huli kong nakausap. sabi ko kasi, tatawagan kita bago pa umalis ang eroplano. halos kagigising mo lang nga at feeling ko di ka pa rin nakakatulog masyado. sabay nating hinitay ang aking pag-alis. gusto kong maluha habang kausap kita, pero aking pinigil ito. masaya ako sayo, sobrang pinasaya mo ako sa kakaunting panahon na nakasama kita at ayokong umiyak dahil di pa rin naman ito ang huli nating pagkikita. makakasama pa rin naman kita at hinintayin ko talagang dumating ang panahong iyon. :)
ate, ang drama ng kuha mo ah.
ganon talaga kapag may iiwan. diba ate?
……
alam kong matatagalan pa pero ako’y maghihintay. hihintayin kong dumating ang panahon na ika’y aking mayayakap at muling mahahalikan. hihintayin kita, at sana ako din mahintay mo. sabay sa pagsikat ng araw ay ang pag-asang ika’y makasama muli. habambuhay mahal ko, habambuhay. :)













Naku, na-feel ko rin iyang kaemohan na iyan. Ang hirap ano? mabigat sa dibdib. *singhot*
Sana nga dumating na ang panahon na iyan na magkasama na kayo.
mahirap nga po ate, pero kaya pa naman. :) naku, wag ka pong umiyak..
sana nga po. :)
Goodie weekend Karmi….! Ako naman kahit hindi nai-emote ngayon panay pa rin ang singhot…. May sipon kasi ako…. Singhot, at singhot pa ulit…. =(
hala kuya, pagaling ka po agad ok?
wag ding masyadong workaholic.. :D
ingatz. ^_^
hala.. iniisip ko pa lang, ayaw ko ng maramdaman yan.. :(
pero sis.. kakayanin ko rin kaya yan?
waaaaah.. bakit ganto? may sabihin ako..
uhmmm.. uhmmm.. ang hirap pala sumunod sa yapak mo. :9
ang hirap ng ldr. waaaahhh.. =(
pwde bang pakibatukan ako sissy?
sissy. *hugs* alam kong masaya ka na ngayon.. :) sensya naman, nalungkot ka tuloy dahil dito sa post ko.. grabe, di ko sadya talaga.. nadala lang ako dun sa picture, saka noon pa kasi yan.. :D
basta-basta, tulad nga ng sabi ko sau sa text, YM at comment na rin sa blog mo, constant communication is a key. :) hanggat pwede at may way, usap lang kayo.. at kung iisipin mong di mo kaya, eh di mo talaga kakayanin.. ok sissy? :)
Asar nga ako sa iyo nun kasi nga ayaw mo akong papuntahin sa huling araw mo dito, hmmph ka. Pero buti na lang pinapunta mo rin ako eventually, hehehe. Haaay, tagal na rin nun. Miss na miss na miss na kita:(
Pero oo, maghihintay tayo:D habambuhay mahal ko *yakap*
sorry na nga diba. :* oo na, hehehe, buti talaga nakapunta ka pa rin kahit na napakalayo ng bulacan sa marikina.. :) sayang nga lang at ang onti ng pictures natin nung araw na un, tiningnan ko kasi ung pictures eh.. buti na lang andun si raych. :) hehe..
oo, habambuhay baby. :) *yakap*
hi bunso, para din kayong mga pamilyang OFW, pero just hang on, if you are meant God will find a way.???
hi ate. :)
parang OFW po ba? hehehe, mejo nga ata.
basta, im just hoping for the best.. na sana talaga, makasama ko na sya.. ^_^
“alam kong matatagalan pa pero ako’y maghihintay. hihintayin kong dumating ang panahon na ika’y aking mayayakap at muling mahahalikan. hihintayin kita, at sana ako din mahintay mo. sabay sa pagsikat ng araw ay ang pag-asang ika’y makasama muli. habambuhay mahal ko, habambuhay.”
>>> pwedeng gawing script ito sa isang love story na movie..hehehe
>>tandaan mo lang ang sinabi ko sa iyo karmimay nung mag ka YM tau….trust, love at constant communication ang kailangan…malalagpasan nyo din yan…
ika nga nila…walang malayo sa dalawang taong nag mamahalan…=)
nyahaha. script ba ate? sana nga may makabasa nyan ano? :D
opo ate, salamat talaga nung nakausap kita sa YM. as in. ^_^
awww. aalis ka pala ate? sayang naman. pero sige lang. LOVE always finds a way. darating rin ang araw na magsasama kayo ulit. ingat sa biyahe ng buhay. :)
umalis na ko chie. :)
oo nga, hihintayin ko na lang ung time na makakasama ko na sya ulit. ^_^ salamat.
pretty intense :)
is it? wow, di ko sinasadya. hehe.. :) i mean, hinayaan ko lang ang mga salita na lumabas, kaya ayan ang naging resulta.
sobrang drama nga ata.. hehe. :)
tread softly lovers…xoxo
nung nabasa ko ung comment mo, ginogoole ko ung tread softly. :) nasa tula pala sya. ang ganda. :)
hala carme, umalis ka na at lahat-lahat eh hindi tayo nagkita… akala ko rin kasi matagal ka nang nakaalis. ingat sis! maswerte ka at nakita mo na ang para sa’yo. =)
saglit lang kasi ako dyan ganda. tapos kasal pa ng kapatid ko, kaya di na tayo nagkita. sayang nga eh.. ingat ka din dyan ha. :)
maswerte ba? oo naman. :)
wow emo.. kung ako si karmi o si komski. hindi ko na sana hahayaang magkawalay pa. para hindi na maghirap ang parehong kalooban sa magiging kalalabasan. dapat gawin ang lahat para sa parehong ikasasaya. apir! bumalik ka na ng Pinas at maging masaya sa lahat ng oras..Ü
hainaku juvil, kung ganon lang kadaling bumalik ng Pilipinas, ginawa ko na. kung ang iisipin ko lang eh gusto kong makasama si arvin, baka hindi na ako umalis dyan. pero di lang ganon un. :)
magkalayo man kami ngayon, ginagawa naman namin lahat para lang mapunan ang pagkamiss sa isa’t-isa.
grabe, sobrang drama nga ata nitong nagawa ko. :|
masaya naman ako ngayon eh. :) sensya naman, nadala lang sa picture.. ^_^
ei, ate… medjo late na ata comment ko.. hehe.. pero nabasa ko na tong post dati .. heheh..
medjo feel ko tlaga ang post ah.. waaaaa.
i know how it feels.. masyadong emo din kasi ako.. huhuh..
at all times, gusto ko makasama c myn ko.. u knew it ate.hehe.. masyado ko xang na miss.. but ngayon, hahays..ma miss ko mn xa, cguro d na nya ako ma miss gaya nung dati…
she don’t love me in the same way now.. T_T
and
it hurts..
yes it hurts..
huhuuh..
gudlak sa n u.. =)
more power!
xoxoxo
webslave
jorich!! lika nga dito hug kita.. *hug*
hay, i know mahal mo pa c myn mo.. pero kung nasasaktan ka na ng sobra, hayaan mo na sya.. i know may taong magmamahal sau. :D andyan lang sya sa tabi-tabi.. :) ok?
smile ka na. :D
grabe ah umeepek sa piktyur ehehehe
gnyan ang mga gusto kong kuha sa pic. ung nageemote ehehehehe
naman. madrama tau yeye eh. :P hehe. teka, ako lang pala..
pag ako umalis din na may iiwan dito asahan mong magpapapiktyur din ako ng ganyan. lolz
ayos sa piktyur. emong emo. apir! :)
apir. magsama-sama taung emo! :P hehehe.