qwerty

Posted 3 years ago blabbers

hindi ka talaga makakagawa ng blog entry kung tititigan mo lang ang keyboard.

alas-kwatro na ng madaling araw, andito pa ako sa trabaho. madalas, ganitong oras ako nakakagawa ng mga blog entry. madalas, ganitong oras ako dinadatnan ng ideya. kapag petiks mode na, bubuksan ko na ang notepad at hahayaan kong tumipa ang aking mga daliri sa keyboard. hahayaan kong dumaloy ang mga salita, at di ko mamamalayan, may isa na naman akong entry. pero, napansin ko nitong mga nakaraang linggo, tuwing pumapatak ang alas kwatro ng madaling araw, hindi na ako tinatawag ng kagustuhan kong magsulat. wala nang ideya’t mga salita, wala nang mga kwento. kung bakit ganito ay di ko alam. di ko alam kung anong nangyari.

di na ako makapagsulat. sa tuwing tatangkain kong gumawa ng blog entry, mas madaming beses ko pa atang nagagamit ang ‘backspace’ kesa sa ‘period’. wala, sabaw na ang utak ko. marami akong gustong sabihin, maraming gustong ikwento. pero hindi ko talaga malaman kung bakit parang hirap na hirap akong isulat ito. dati-rati naman, kahit na tungkol saan ay nakakapagsulat ako kaagad, naikukwento ko kaagad. wala pang isang oras ay may blog entry na naman ako. araw-araw akong nakakapagupdate. pero ngayon, dumadaan ang isang araw, minsan pa nga’y dalawa, na di ko man lang maisip magsulat. sobrang writer’s block ba ito, hindi ko alam. unang-una, nagfe-feeling writer lang naman kasi ako. ang alam ko lang, namimiss ko na ung dati.

marami akong pwedeng idahilan — busy sa trabaho, walang oras, laging tulog, tinatamad. pwede ko ring sabihin na dahil ito sa ibang tao na nakasamaan ko ng loob kaya di ako makapagsulat. nakakawalang gana, nakakasawa, nakakapagod. sabi nga ni arvin, magretire na daw ako sa blogging dahil 10 years na daw akong blogger. hindi totoong 10 years na akong nagbo-blog, 8 lang naman, pero ilang beses ko na ring naisipang iwan ang blogosphere. ilang beses binalak gumawa ng goodbye for good na post, pero di ko ito natatapos. dahil na rin siguro, alam ko sa sarili kong hahanap-hanapin ko ang pagsusulat, hahanap-hanapin ko ang pagbo-blog.

kelan mo sisimulang pahalagahan ang isang bagay na gusto mo? kung kelan wala na ito?

halos alas-singko na, hindi ko alam kung may sense ba itong pinaglalagay ko dito. sana, sana di na ako tamarin ulit. lagi kong sinasabi na kung gusto, laging may oras at maraming paraan….

gusto kong ibalik ung dati. at sana ito na ang maging simula. :)

ayoko-na-magblog

Ayoko na magblog.

Posted 3 years ago blabbers, homesickness

Hinde, hindi ako titigil sa pagbablog, sa katunayan ay naisip ko kanina lang na teka… ba’t parang ni minsan ata e ‘di ko naisip na iwanan nang tuluyan ang mundo ng blogging?

Pinakamalapit na siguro ay nuong nagdeklara ako ng hiatus sa tim.idlip.net, isang linggo bago ang araw ng mga puso nitong nakaraang Pebrero. Hindi para maghanda para sa isang magarbong valentines date gaya ng iniisip ng iba sa mga nagcomment, kundi dahil sa pagiging busy sa mga gawaing pang-akademya. Wish ko lang na may date at perang pang-date ako ‘no, hehehe.

Isang buwan akong hindi nagpost ng entry, kahit na aktibo pa rin ako sa pagko-comment sa ibang blogs. Online pa rin pero iba rin kasi ang oras na ginugugol kapag lagi kang nag-iisip ng pwedeng iblog, isusulat ang naisip, sasabihin sa ibang bloggers na may bago kang post na dadaanin sa pangangamusta kuno sa kani-kanilang tagboards, bloghop, comments moderation at reply sa comments. Daming gagawin di ba?

Isang beses lang ako naghiatus, uhm, formally. Dahil nuong wala pang internet sa bahay at bakasyon ay wala akong ibang paraan para makagamit ng computer na konektado sa world wide web kundi ang dumayo pa ako sa kabayanan, sa kabilang ibayo, sa kasunod na dalawang baranggay. Dalawang beses kada taon ako inactive nun, tuwing summer at christmas vacation.

Bakit nga ba may blog leave?

Tumigil ako sandali sa pagbablog dahil busy sa ibang mga gawain. Yun na siguro ang isa sa pinakamadalas na dahilan. Trabaho, projects, exams, o out-of-town vacation. Walang internet, sira ang pc, nanakaw ang laptop, naputulan ng kuryente, nasunog ang bahay, pinasara ni Edu ang pinupuntahang net shop o naputol ang underwater intercontinental optic cable sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas. Namundok at nagtago sa mga awtoridad, nakulong o na-mental, o di kaya’y sumakabilang buhay.

May nakaaway online, nahuli ka ng gf mo, may nagpakalat ng litrato mong mahalay, may nagbunyag ng secret crush mo online, o may gusto kang layuan na blogger dahil ayaw mong lumalim ang nararamdaman mo sa kaniya.

Madrama, o sobrang madrama, seryoso, pabiro, kontrobersyal, nakakatawa, nakakaawa at kalimitan nakakapanghinayang. Ang daming dahilan para tumigil, umalis, mawala. Pero ang isa sa mga ‘di ko malilimutang dahilan ng pag-alis sa pagbablog ay

Ayoko na magblog.

Tapos.

dear-arvncstro

dear arvncstro

Posted 3 years ago open letter

baby,

hala!

alam kong yan ang una mong masasabi kapag nakita mo itong post. eh kasi naman, talagang ginawa kong blog entry ung sulat ko sayo. la lang, para maiba lang. malamang natutulog ka pa ngayon kaya may oras pa para matapos ko tong entry. kasi naman, simula nung nagsama na tayo ng blog, binabasa mo na ung draft ko bago ko pa ipost. madaya. :P

so musta naman baby ko? puyat ka na naman ata kagabi dahil sa panonood ng Naruto. hehe, nagtext ka kasi, halos 2am na dyan.. adik talaga. sana habaan mo tulog mo ngayon, para makabawi ka naman. nung isang gabi kasi, 4 hours lang ung tulog mo. kasi naman eh, bat ka ba laging puyat? oh wait, hehehe, alam ko nga pala kung bakit. hehe.. love you baby.

hmmm, nung isang araw, mejo naloka tayo pareho diba? hehe.. kasi naman, biglang di ka na nakakareceive ng twitter messages. pano na lovelife mo? sabi ko nga sayo, napabangon ako nung mabasa ko ung twitter update mo. naisip ko, bakit naman ganon. anong problema ni twitter? bakit biglang ayaw na? hai. :( kalungkot talaga.. pero dahil pareho tayong adik, o dahil geek ka lang talaga, nakahanap ka ng way para matext kita. ilang oras din un ha. di ka tuloy nakapagbloghop para sa LP. bawi ka na lang next week. :)

7am na dyan, tulog ka pa rin siguro. :)

nga pala, ang dami mong twitter update kagabi ah. sobrang bored ka siguro dun sa party ano? hehe.. dapat nakihalubilo ka. kung kasama mo siguro ako, ummm, tayong dalawa lang siguro ang magkausap. hehehe. :) eh kasi naman, mahiyain rin naman ako noh. (oo, di lang halata). malamang sa malamang, may sarili tayong mundo dun. pero sabi mo, 80′s combo diba? pangsayaw ba na tugtog un? hehe, baka inaya na rin kitang sumayaw. :P

miss na kita baby ko. ang weird nga eh, kasi lagi naman kitang nakakausap, pero namimiss pa rin kita. kulang talaga ung oras na magkasama tayo. basta may next times pa naman. ^_^ at susulitin talaga natin ung panahong un. :) excited na ko. hehe..

aun, iniintay na lang kitang bumangon at magonline. sana lang di ka magtulog mantika. hehe.. :)

i love you baby. *yakap*

– mimay

bagyong what?!

Posted 3 years ago homesickness, Litratong Pinoy

ang LP ngayong linggo ay ako po ulit ang gumawa. :) congrats nga pala dahil successful ang unang LP EB noong Aug. 9. sayang, di ako nakasama. pero di bale, may next time pa naman.. ^_^

– karmi

may bagyo daw. hindi tayo matutuloy sa Tagaytay.

nagising ako Linggo ng umaga dahil sa ingay na aking narinig sa aming sala. gising na silang lahat dahil balak naming pumunta ng Tagaytay. pero dahil kay Bagyong Frank, hindi na kami matutuloy. June 22 na un. walong araw na lang ang stay namin dito sa Pilipinas. sa isip-isip ko, hindi ito maaari, sayang ang araw. sayang kung di kami makakaalis. kaya naman bumangon ako’t nakisali na sa paguusap. rain or shine dapat umalis kami. rain or shine.

alas-dose na ng tanghali, makulimlim pa rin sa labas. di na kami natuloy sa Tagaytay dahil delikado daw sabi ng tatay ko. booo! boring tuloy sa bahay. nasa salas lang kaming magkakapatid at ung dalawa kong pinsan nang bigla nilang naisip na pumunta na lang ng mall. pwede, kahit saan, basta gusto kong umalis. kinausap ng pinsan ko ang nanay at tatay ko, pati na rin tita ko. ayaw pa rin nilang pumayag dahil wala daw kaming masasakyan. sumabat naman ang kapatid ko at sinabing pwede namang magmaneho. nangiti ako, nagkaroon ng pagasang makakaalis din kami. matapos ang halos isang oras na pagpupumilit at pagdadasal na sana ay umaraw na, natuloy din ang balak naming magpipinsan. Megamall here we come! :)

walang trapik papuntang Ortigas. kakaunti lang din ang mga tao sa kalsada dahil nga sa bagyo. madulas ang kalsada kaya naman maingat sa pagmamaneho ang pinsan ko, lalo na’t 7 kami sa loob ng kotse. nakarating kami ng Megamall ng mga bandang alas-dos. may 3 oras pa kami para maglibot, sabi kasi ng tatay ko, wag daw magpapagabi’t delikado paguwi.

namili, kumain, nagpicture taking, naglibot. un lang ang ginawa namin sa loob ng 3 oras na stay namin sa Megamall. solb na, kesa nasa bahay lamang at buong hapon kaming nagtitigan. parang walang bagyo, dahil di namin ito ramdam nung nasa loob kami ng mall. paglabas namin, ummm, sabihin na lang nating buti may dala kaming payong. :)

ang galing lang dahil natuloy ang plano. rain or shine talaga, walang sinayang na araw para lang makapagliwaliw. :)

Ito ay ang aking lahok para sa ika-20 na linggo ng Litratong Pinoy na may kategoryang Liwaliw. Ang litrato ay kinuhanan ng aking pinsan habang kami’y nasa Luyong, isang restaurant sa Marikina. Matapos ang mahabang araw ng liwaliw ay nakuha pa naming magpose sa harap ng camera. :) Tignan mo rin ang mga lahok ng iba pang mga miyembro dito.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.