Litratong Pinoy!

Posted almost 4 years ago blabbers, Litratong Pinoy

Litratong Pinoy EB

Ismaaaaaaaayl!

Hala, paano naman ako mag-iismile e may tumawag sa akin dahil namimiss na raw niya ako? Love you baby:D Hehehehe. Kasi naman, ilang oras ko din siyang di nakausap, e off pa naman niya. E nasa’n ba naman kasi ako di ba?

Edi nasa kauna-unahang official Litratong Pinoy EB! Astig, nagsimula ang Litratong Pinoy(LP) isang linggo bago ang aking birthday, hehehe. Binati pa nga ako sa site:) Samahan ng mga blogistang litratista, yan ang LP. Nakita kong una ang banner nila sa Manilenya at nun din ay chineck ko ang site at naging interesado kaagad ako na sumali:)

Ang kailangan lang naman para makasali ay may mga litrato ka, blog/s at marunong magtagalog. Ang gagawin ay magpopost kada Huwebes ng litrato na naaayon sa lingguhang tema. Basahin mo rin ang opisyal na guidelines sa pagsali. Nakasama na ako nung una pa lang at ang tema ay Ako ay Bilog, kung saan pinost ko ang litrato ng tatlong soda cans na nakakalat dito sa tabi ng PC ko. Oo na, hindi na napaghandaan.

At kung tatanungin naman ako kung ano ang pinakapaborito kong LP entry ay ang aking kwadradong mundo post para sa temang Apat na kanto. Isang tula tungkol sa kalagayan ng aming relasyon ni karmi, ang kabiyak ko sa blog na ito.

Dito sa maliit na kwadradong tila bagang isang salamin lang ang nagiging hadlang sa paghaplos ko sa iyong pisngi, ay nadarama pa rin ang bawat pintig ng puso mong itinitibok ang pag-ibig na sa lumaon ay hindi na natin makayanang ikubli.

» komski kuno, Kwadradong mundo

Madramang pic na sinamahan pa ng madramang post, ang dami tuloy naluha, hehehehe. Biro lang. Kasi naman nung mga panahon ding yaon namin ipinahayag sa lahat na hindi kami basta blog friends lang kundi higit pa roon. Sensya, kahit naman ano ang isulat ko e napupunta pa rin ako sa pagsusulat tungkol sa kanya, hehehe. Maraming natuwa at nainspire, at eto ang ilan sa kanila.

maganda maganda! :) naalala ko tuloy ang labidabs ko.. hehehe

» Mia, DakilangTambay

masyadong na-antig ang aking damdamin sa iyong isinulat. mayroong panahon na nag-depende din kami ng aking asawa sa maliit na kwadrado na iyan. kung pwede nga lang ikahon naman ang mga yakap at halik…

salamat sa kakaibang parisukat entry. :) hanggang sa muli!

» Meeya, MrsWorkingGirl

Aaawww.. nakaka-touch naman ang iyong akda tungkol sa parisukat mo. Ganyan talaga pag magkalayo, ang importante magkalapit pa rin sa puso. :) Hanggang sa susunod na Huwebes!

» Grey, Grey24

Ang iba pang mga paborito ko ay ang nakasimangot na Manuel Quezon, ang nakakatuwa at maabilidad kong nanay, ang walang hanggang dalampasigan, ang entry ko last week na tungkol sa baby ko lagi kong namimiss, ang malungkot na kim chiu bus, ang mother-of-all pila sa MRT, at.. at.. at lahat nga ata e gusto ko, hehehe:) Bisitahan ang mga entry ko para sa Litratong Pinoy.

litratong pinoy

Kaya sumali ka na:D Ang mga litrato nga palang aking nakuhanan sa EB/Photo OP kahapon ay nasa isang album sa aking Multiply account. Ang saya:) Kelan kaya mauulit? At asan na yung jumping pics natin kuya Lino? Hehehe.

photoblog #11: yummy love

Posted almost 4 years ago photoblog

yummy love recipe

ingredients:
– isang box ng Nerds, ung Candy. (pwede kayong gumamit ng iba pang flavor, pero mas ok ata yung strawberry/grape na combination)
– booorring at mahaba as in mahabang idle time sa trabaho.
– digital camera. kung wala nama’y, kahit camera phone na lang.
– mas ok kung inlove ka habang ginagawa ito. isipin ang iyong boiprend o kaya’y current crush. hello, yummy love nga diba? :)

directions:
kunin ang Nerds at ilagay ito sa desk mo. kung busy ka, isantabi muna ang candy at tapusin muna ang trabaho. kapag tapos nang magpretend na nagtatrabaho ka nga, magsurf ka muna sa internet. maki-tsismis sa mga latest happenings sa mga blog ng mga tao. pagtapos ka na’t alam mo na kung sino ang kinakarir nino, iclose mo na ung browser at baka mahuli ka pa. wag ding kakalimutan i-clear ung cookies at history para walang pruweba.

kunin ang celphone at magtext. itext ung boiprend mo o kaya’y current crush mo. sabihin sa kanya na naiisip mo sya ngayon at na sana’y kasama mo sya. itabi ang celphone sa Nerds. word mode ulit saglit. para naman di sayang ang ibinabayad sayo.

kapag wala ka na talagang gagawin pa, buksan na ang Nerds. mas ok ata kung nagso-soundtrip ka habang ginagawa ito para mas feel mo ung love. patugtugin ang theme song nyo ng boyps mo o kaya’y kanta mo para kay crush. kapag bukas na ang Nerds, kainin ang ilang piraso. dahil sa sobrang bored ka’y maiisip mong gawing heart ung Nerds. kumuha ng tissue at ikalat ang candy. i-korte mo ng puso ang mga nakakalat na candy. kapag may sobra’y kainin ito.

kunin ang celphone at magpicture galore ka. picturan mo ang sarili mo hangga’t magustuhan mo ang kuha o kaya’y maubos na ang batt ng phone mo. i-delete ang mga hindi ‘friendster worthy’ na pictures.

kapag nakapili ka na ng magandang kuha, isave ito. kung gusto mo’y pwede mong ipadala ang nasabing picture sa iyong boiprend o kaya’y sa crush mo. kung sa crush mo ito ipapadala, wag kakalimutang i-blur ang iyong mukha para mysterious ang dating. o kung malakas ang loob mo, magpakilala ka na rin. :D

kapag nagawa mo na ito, saka mo na ubusin ung Nerds. :) yummy love talaga.

yummy love

finished product ng Yummy Love recipe.. Love you baby ko:D

Ikaw ay mananatiling parte ko.

Posted almost 4 years ago inlove, Litratong Pinoy

Mahaba-haba ang post na aking nagawa para sa linggong ito ng Litratong Pinoy. Kung nagmamadali ka’y pwedeng sa litrato sa ibaba ka na lang magsimula:) Ang paliwanag ay kasunod nuon. Pero sana’y ‘wag mong palagpasin ‘to, hehehe.

Arvin… Arvin…

Alas-otso ng umaga. Narinig ko ang boses mong tinatawag ako, dalawang beses, dahil laging nahahati sa dalawang text ang mga messages galing sa Twitter. Malamig. Malambot ang unan kong dantay sa kama, ‘sing lambot ng pisngi mong nakalapat sa akin sa tuwing nagkukuhanan tayo ng litrato. Inaantok pa ako. Sa pagbaling ko’y halik sa mga labi mo ang aking madarama. Gusto ko pang matulog. Nagtalukbong ako sa kumot na inilatag ko sa damuhan para ating higaan.

Alas-otso kinse. Bumangon akong kasing gahol nung araw na tayo’y nagkita. Tuliro. Umuulan na parang sa Cubao nang tumawid tayo mula Farmers patungong Gateway.  Pinatay ko ang aircon. Nanginginig na tayo sa lamig. Binuksan ko ang pinto na parang sa fire exit sa ikaapat na palapag. Sumabit ang damit ko sa pinto na parang mga kamay mong nakakapit sa akin.  Mainit sa kabila. Mabilis akong bumaba ng hagdan na parang nung tumatakas tayo mula sa paparating na guard.

Alas-otso bente. Wala pa ring pagkain. An’yungseiyo? Naaalala kong tinatanong natin sa isa’t isa tuwing oorder tayo. Ayaw mo sa kape. Akalain mo yun, meron din palang bagay na hindi tayo nagkakasundo. Fried-chicken ang ulam. Naubos ko na ang kanin ko. Pwede pang kumuha sa ricecooker na parang sa Tokyo-Tokyo ngunit wala ang mapuputing babaeng nagsasandok nito. At wala ka rin sa aking tabi.

Alas-otso kwarenta’t singko. Mainit na ang tubig ko, at nagsimula na akong maligo. Ang mga kamay kong minsang nakahawak na sa iyong braso padulas, patungo sa mga palad mo’t hinahanap ang puwang sa pagitan ng iyong mga daliri. Mabango ang sabon. ‘Sing bango ng buhok malapit sa iyong tenga sa tuwing ibubulong kong minamahal kita. Late na ako. Iniiwasan kong mabasa ng tubig ang phone ko habang tinetext ka. Magandang gabi. Kamusta na baby ko?

Alas-nuebe ng umaga. Hindi ko alam ang isusuot ko.  Striped blue ang suot ko nung sinama mo akong makipagkita sa elementary friends mo. Red nung namasyal tayo sa may ecopark, blue at white nung unang punta ko sa bahay ninyo, at green nung pangalawa. Naramdaman na ng lahat ng mga damit ko ang yakap mo. Kinuha ko ang paborito kong green at black na polo shirt na siyang sumalo sa lahat ng pawis na dulot ng kaba ko nung una kitang nakita. Ikinubli nito ang puso kong nagsusumigaw sa saya ng una kong nahawakan ang iyong kamay. Hindi ka tumanggi. Sinuot ko ang bracelet mong sinasabi mong hindi kasya sa akin. Minsa’y iniisip kong ang isa kong kamay ay ang sa iyo, at mangingiti na naman akong parang tange at hindi tanga. Magkaiba yun.

Alas-nuebe y medya. Naubos na naman ang barya sa bulsa ng bag ko. Huling dukot ay ipinambili ng pandesal kanina. Magulo. Buti na lang at hindi pa naitatapon ang papel na pinilas mo mula sa isang notebook, na sa tuwing makikita ko’y binabasa ko pa rin. Kabisado ko na ang unang apat na linya. Ginulo ko ang buhok ko upang umayos. Sinabunutan mo kasi. Nawawala ata ang payong kong muntik na tayong ‘di magkasya, na sa sobrang lapit nati’y nahalikan tuloy kita. Teka teka, may dumarating ata. Haaay. Ba’t puro may sakay ang traysikel dito? Late na talaga ako.

Kinse minutos menos alas-diyes. Umaambon sa labas ng traysikel. Napansin ko ang puwang sa aking tabi. Kasya ka pa.  Malamig ang hanging tumatama sa aking balat. Hinahanap-hanap ko ang mainit mong yakap. Tumingin ako sa labas. Malayo pa ata. Nakanakaw pa ako ng isang halik. Ipinasok ko ang aking kamay, nangapa’t dumukot ng barya sa aking bag. Kulang. Sana nakasama pa kita nang mas matagal.

Alas-nuebe sikwenta. Malakas ang hanging pumapasok sa dyip. Presko. ‘Sing haba ng buhok mo itong sa katabi ko. Hawig mo yung nasa kabilang upuan at ‘sing kulay ng balat mo yung nasa harapan. Binubuo ko lagi ang imahe mo sa lahat ng nakikita ko. Arvin… May nagtext na naman.

Alas-diyes ng umaga. Malamig sa bus. Dun tayo umupo sa may likod. Kaunti na lang kasi ang bakante. Inaantok pa ako. Natutulog ang katabi ko at muntik pang masandal sa aking balikat. Parang ikaw nung araw na ipinakilala kita sa mga magulang ko. Ang cute mo talaga. Mas masarap ka yakapin kaysa sa bag ko. Nakatalikod yung konduktor, nakaharang sa ibang pasahero. Syet, adik na ako sa halik mo. Papuntang Cubao itong bus. Trapik. Naaalala na naman kita. Lagi naman.

yakap

Hindi ko na maihihiwalay ang sarili ko sa iyo. Malayo ka ma’y buhay nati’y nakahabi na sa isa’t isa. Wala ka sa aking tabi. Hindi naman yun ang mahalaga. Bawat parte ng pagkatao ko’y ikaw ang ipinaalala. Bawat isipin ko’y nahahantong sa pag-iisip sa iyo. Bawat boses na naririnig, bawat mukhang nakikita. Ikaw ang puno’t dulo. Ang nagbibigay kulay at kahulugan. Ang nagpapaikot at iniikutan. Ikaw ang aking mundo.

Ito ay ang aking lahok para sa ika-19 na linggo ng Litratong Pinoy na may kategoryang Ako (o parte ko). Ang nasa litrato ay kami ng baby ko nung date namin sa may La Mesa Eco Park, Hunyo 2008. Tignan mo rin ang mga lahok ng iba pang mga miyembro dito.

Kitakits na lang sa Litratong Pinoy EB sa Sabado:D Sana hindi ako maligaw, hehe. Malelate ako.

a day in teh life of karmi

Posted almost 4 years ago so random

8am
gumising.
sa wakas ay naalala na kung san ko naitago ung papel na pinirmahan ng mga blog friends ko nung EB. :D
miss ko na sila.
nagtwit update patungkol dito.
tinatamad pang bumangon.
nagtext si arvin.
nagreply naman ako.

9am
nagOL na.
kausap si arvin.
nagcheck ng email, nakausap si kuya ricky.
dinala ang laptop sa may kusina para magluto ng noodles. ako na lang pala ang di kumakain.
plano nang magupdate ng blog.
ka-voice chat si arvin. habang kausap sina sissy vanny at jen-walongbote.
browse-browse lang. plurk. blog. statcounter.
napalitan na ang username ko sa plurk. im officially arvin’s baby :D

Read the rest of this entry »

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.