dahil-hindi-mo-ako-mababatukan-belat

Dahil hindi mo ako mababatukan *belat*

Posted almost 4 years ago so random

Webcam

Alas-dose na ng gabi, pero tahimik pa rin dito. Tahimik hanggang sa patayin ko na itong PC matapos kong gawin ang post na ito. Imbis na boses mo’ng naririnig ko’y tugtog mula sa isang radio station ang lumalabas sa headset ko. Higit na mas masayang pakinggan ang tawa mo kaysa kay Angel Rivero.

Hindi ko matitigan ang mukha mong wala sa nakabukas na webcam. Ngayo’y hindi ka lang talaga invisible ngunit offline na talaga. Vanny, sana nga’y kapag online ako’y online din siya para naman ang pagngiti nitong smiley sa pagbukas ng YM ay dahil sa saya. Ay grabe, hindi naman ako nagdadrama dahil napansin ko lang naman, ibang-iba talaga kapag ganitong wala siya.

Natawa akong muli nang tignan ko ang litratong inilagay ko sa taas, dahil hindi naman kailangang makausap kita para mapangiti mo ako, kahit sa pag-iisip lang sa iyo’y napapasaya mo na ako. Masaya ako sa bawat alaala, bawat alaalang napagsaluhan nating dalawa. Ayan, ayan ang madrama:P

Kaya simula ngayong kahit sabihin mo pang miss na miss mo na ako’t gusto mo akong makausap, ay ‘di na kita pagbibigyan, dahil kagaya nga ng sabi ko sa iyo last year; Hindi dapat pinapalagpas ang pagkakataon para matulog. Ayan tuloy, nagkasakit ka dahil sa kakulangan sa pahinga.

At oo, kapag wala akong maisip na ipost ay magpopost ako tungkol sa iyo *belat!* hehehehe. Lalo na ngayong hindi ka makakapag-online:P Kaya pagaling ka na, para imbis na gumagawa ako ng ganito’y nakakausap mo na lang ako.

Tip: Masama sa blogging career ang online relationship:P

sulat-para-kay-idol

sulat para kay idol.

Posted almost 4 years ago blabbers

ate, may writing contest ah. baka gusto mong sumali.
tungkol san naman?
susulat ka ng letter dun sa paborito mong author.
ah o? sakto, gusto kong sulatan si Nicholas Sparks.
oo, pwede living o dead. basta author na gusto mo.

kung nabasa mo na itong post ko dati, malamang ay alam mo nang paborito kong author si Nicholas Sparks. nabasa ko na lahat ng libro nya, at ngayon nga’y di na ako makapaghintay dumating ang Sept. 30, dahil may lalabas sya ulit na libro, ang “The Lucky One”. ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ko ung mga libro nya, eh kadalasan, tragic ang ending. madalas namamatay ang bida, basta nakakalungkot. at tulad nga ng sinabi ko sa post ko dati, “he never fails to make me cry”.

pagkauwi namin, ay chineck ko kaagad ung site na sinasabi ng kapatid ko. interesado ba talaga akong sumali sa pa-contest na un? gusto oo, pero di ako sasali. goodluck, nosebleed un pag nagkataon. saka isa pa, from grades 4-12 ung requirement. hehe, asal highschool student lang ako, pero di na nag-aaral kaya di talaga pwede.

ayos sana un kung makakagawa ako ng sulat para sa idol ko. ilang beses ko na ring tinangkang gumawa ng blogpost para sa kanya, pero madalas di ko natatapos. dahil na rin siguro sa sobrang daming gusto kong sabihin sa kanya eh hindi ko alam kung san sisimulan. gusto kong tanungin kung bakit mahilig syang magpaiyak ng tao. kung san nya nakukuha ung mga ideya nya sa mga libro nya. gusto kong sabihin na kahit na nangingilid ang luha ko kapag nagbabasa ako ng kwento nya, eh nai-inspire pa rin ako. dahil sa mga libro nya, natutunan kong maniwala sa pag-ibig at sa hiwaga nito. na kahit magkalayo kayo, kahit na anong mangyari, kung mahal nyo talaga ang isa’t-isa, hinding-hindi ito mawawala. na totoo ngang everything happens for a reason. gusto kong sabihin sa kanya na napakaromantic ng ginawa ni Wilson sa The Wedding, at the best na love story talaga ang The Notebook at kahit ilang beses ko nang nabasa ang A Walk to Remember eh naiiyak pa rin ako. pero… kahit na gusto ko ang mga kwento nya, marami pa rin akong tanong kung bakit ganon ang nangyari sa mga bida. itatanong ko kung bat kailangang mamatay ni Jamie sa A Walk to Remember, kung bakit di nagkatuluyan sina John at Savannah sa Dear John, at kung bat kailangang mamatay ni Lexie sa At First Sight. i can go on and on sa mga tanong ko at papuri tungkol sa mga libro nya, pero isa lang naman ang gusto ko talagang sabihin sa kanya.. SALAMAT. ok, THANK YOU, para maintindihan nya.

super thank you sa mga nobelang kahit ilang beses kong basahin ay kikiligin pa rin ako’t maiiyak. :)

ate, malay mo ung premyo eh mameet mo ung author na sinulatan mo
ayos un. pwede pwede. sana lang makausap ko sya diba? kaso, baka ma-starstruck ako.
(moment of silence sa sasakyan)
pero ate, pano kung ung sinulatan mo eh patay na pala.
…..

buti na lang buhay pa si Nicholas Sparks.

Puti at Itim sa Ilaw na Pula.

Posted almost 4 years ago Litratong Pinoy

musika

Makinig ka sa likha kong musika. Buksan mo ang pandinig sa pasaliwsaliw na tinig ng paikot-ikot na plaka. Lunurin mo ang sarili sa mga lumilipad na nota at hayaang matangay sa mundong higit na mas maingay ang tugtog kaysa sa iyong mga problema.

Sa bawat pagkaskas kong paulit-ulit sa pabago-bagong kanta, ipaubaya mo ang pag-iyak sa mga nagsusumigaw na tono’t nang hindi na tumulo pa ang luha sa iyong mga mata. Ikubli ang iyong pagdaing sa ritmo’t himig ng alay kong musika.

Sa gabing ito’y ako munang hahawak at magpapaikot sa iyong mundo.

Ito ang aking lahok para sa ika-26 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Puti at Itim. Ang litrato ay mabilis na kinuhanan nang mapansing umalis ang DJ para kumain. Ito ay sa Fiama bar sa may Buendia, para sa Eng’g Grad Party (pero hindi pa ako gradweyt). Ang theme ng party ay Old Hollywood kaya ang suot ko ay mukhang waiter sa catering service:P Ang iba pang litrato sa party ay narito. Bisitahin ang iba pang mga monotone na kuha ng mga miyembro dito. Happy LP!

senti

Posted almost 4 years ago emo daw, ldr, writings

sensya sa pagdadrama. ok pa rin kami ng baby ko. :) di lang talaga maiiwasan na magsenti paminsan-minsan. – karmi

kaaalis mo lang ng bahay, papasok ka na kasi. as usual, late ka na naman. oo na, di ka late, sakto lang. hanggang sa huling segundo bago ka umalis ay bukas pa ang ating mga webcam para makita ang isa’t-isa. nakasakbit na nga ang iyong bag para pagpatay mo ng PC eh aalis ka na lang. pihadong tatakbo ka na naman hanggang sa labasan at paparahin ang pinakaunang tricycle na makikita.

lagi tayong magkausap. araw-araw. oras-oras. kung di man tayo magkachat gamit ang YM o plugoo, madalas ay magkatext tayo gamit ang twitter at brightkite. pansin nga na gamit na gamit natin ang twitter dahil halos dalawang libong direct messages na ang napapadala mo sa akin. brightkite naman ang gamit kong pantext sayo na ok lang kahit ilang beses isang araw, dahil unlimited naman ito para sa akin. kung di pa sapat ang text at chat, patatawagin pa kita sa celphone ko. boses mo ang kasama ko habang naghihintay ng bus o di kaya’y syang gigising sa akin bago ako pumasok. lahat na ata ng pwedeng nating gawin para punan ang layo sa isa’t-isa ay nagawa na natin. pati nga snail mail eh pinatos na natin.

pero bakit ako biglang nalungkot ngayon?

pero baka dumalang na pag-uusap natin sa gabi
hmmm..
ok.

alam ko na di naman pwedeng araw-araw o minu-minuto tayong magkausap. noon, alam ko un noon. pero bakit ngayo’y pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na kaya ko ito? bakit iba na ngayon? bago pa man ako pumasok sa relasyong ganito, alam ko na kung anong maaaring mangyari. pero mali pa rin pala ako, hindi ko kaya ang di ka makausap. OA ba? siguro nga. siguro dahil nasanay lang ako na andyan ka kasi palagi. na isang buzz? ko lang sayo ay sasagot ka kaagad.

hay.

nagagaraan talaga ako. nalulungkot. ewan.

lalo ko tuloy gustong makasama ka na talaga.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.