follow-the-scent-of-bo

Follow (the scent of) BO.

Add comments September 2, 2008 » 565 days ago
blabbers, pakulo

Q: May BO ba si BO?
A: Gusto mong suntukan?!??

FAQ’s (Bobong Pinoy for Dummies)

Siguro nga walang BO si BO pero ang sigurado, makikipagsuntukan siya kapag tinanong mo. Teka, bob ong na naman ba ang ipopost ko? Hehehe. Super fan kasi ako:D Pero nasaan na kaya si BO? Green, yellow, black, orange, white, red, nahihirapan kaya siya mag-isip kung anung sunod na gagamiting kulay para sa cover ng next book?

Dahil dati e kakalabas pa lang, kung di man ay ilang buwan bago matapos irelease ang libro niya ay may balita na kagad para sa next book pero wala pa ata akong nababasa, bukod sa poll na ito kung saan pinagbobotohan ang susunod na kulay ng libro ni bob ong. Dati meron na kagad page ang upcoming book sa homepage ni bob ong sa visprint, pero wala pa rin hanggang ngayon. Ibig sabihin ba nuon e hindi pa niya inuumpisahan? Pinahulaan pa nga ang title ng book 5 dati gamit ang clue na, “sinalolegsatassnitenga”. Nahulaan mo kung ano?

Pero sabi nga ni bob ong, e ayaw niya ng fans dahil nadidiktahan siya sa kung ano ang susunod niyang gagawin. Paano kung wala na pala si bob ong? Sino ang moderator ng bobongpinoy yahoo groups? Sino ang naglologin bilang bobongpinoy sa gmail? Maayos na ba ang lovelife ni Vina Morales?

Hala, saan ba napunta ‘tong post ko na ‘to e gusto ko lang naman ihayag na gumawa ako ng twitter account na magpopost ng kowts ni bob ong araw-araw, bandang 8:08pm +8GMT, o ha, swerte yan.

Twitter.com/BobOng

At kung may magtatanong man ay automatic ang paglalagay ng quotes diyan at hindi na ako. Ifafollow ka rin ni bob ong kapag inaadd mo siya:) Kaya anu pang hinihintay mo, follow BO!

Mga Kahalintulad na Posts



8 Responses to “ Follow (the scent of) BO. ”

  • karmi says:

    sana ung next na book ni sir BO eh purple naman ang kulay. la lang, para sa mga EMO. hehe. :D

    nasan na nga kaya sya ano? sana magparamdam sya dito sa blog natin. cool un. =) andito kasi ung labteam na sya ang dahilan.. ^_^

    aus, wala ka na namang magawa baby, kaya ayan, pati twitter eh ininvade mo na ng BO quotes.. :) umpisahan mo nang basahin ulit isa-isa ung mga libro para may maiupdate ka pagdating ng January.. ^_^

    im a believer este follower na ni idol BO. ^_^

  • abou says:

    happy birthday bob –este karmi!

  • choco says:

    oh bobiHeartyouong! ahahaha!….iLike!

  • eumi says:

    baka pink naman yung cover ng next book niya! :) hehehe.
    i love bob ong too! namimiss ko na nga siya eh. oo nga ang tagal naman ng next book niya. tsk tsk. i can’t wait! :D

    i miss you ate karmi! :D kelan po ba talaga ang birthday mo? anyways, happy birthday! :)

  • mia says:

    gusto ko pink ang color. hehehe :) para girl na girl :P

  • Aisha says:

    grrrrrrrr and2 ka lang pla
    pinahirapan mo ako hanapin ka! hmp!!

  • Yods says:

    purple? kakulay ni barney? ehehe.

    ako kahit anong kulay next book niya ayos lang, basta importante magkaroon uli siya ng next book. :)

  • rio says:

    pwede bang magpa autograph kay bob ong…may 2 akong libro nya e…idol ko din yun sa katatawanan

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.