pang-14 na photoblog ko. syempre, special dapat. kinuha ko ang aking digital camera at nakita ko ang litratong ito.

kunwari pang ayaw mong ngumiti nung nakita mong may hawak akong camera. nahihiya kuno. sakto ang pagclick ko sa camera sa iyong pagngiti. nakakatuwa lang, kasi parang kasama lang kita. oo nga’t malayo tayo sa isa’t-isa, pero di ito naging hadlang para magkulitan at magasaran. :) halos buong araw/araw-araw tayong nagkakausap, pero di ako nagsasawa. di ako magsasawa. ^^,












