nung isang linggo, may inipit na note ang aking kapatid na babae sa aking bag.
ate, pakialagaan naman ito please. 7am sya gumigising, dapat lagi syang masaya at saka wag mong gugutumin. wag mo ring sosobrahan ang pagpapakain. may training sya ng 10am, 12nn at 4pm. salamat.
– mim
hawak ko sa isang kamay ang papel habang sa kabila nama’y hawak ko ang tamagotchi nya. im officially tamagotchi-sitting. masaya ito.
bumili kami ng tig-isang tamagotchi ilang linggo bago magpasukan, dahil sale ito sa isang toystore. dapat eh para sa kanya lang, pero ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote ko’t pati ako’y naengganyong bumili na rin. pagkauwing-pagkauwi namin, binuksan kaagad nya ang kanyang tama at kinalikot ito kaagad. ako? inilagay ko ung akin sa aking bookshelf at binuksan ang laptop. hanggang ngayo’y di ko pa rin nabubuksan ang tamagotchi ko.
isang linggo ko nang dinadala ang tama ng kapatid ko. isang linggo na rin akong naririndi sa pagbeep nito sa tuwing nagugutom, kelangan ng kalaro, o jumejebs. sa tuwing tinitingnan ko ang maliit na screen ay di ko pa rin malaman kung bakit dito ito napapagod sa kakatalon, kaya rin siguro gutom ito parati. demanding sa oras at panahon ang tamagotchi. isang oras lang na di mo ito pansinin, mababawasan na ang kanyang happiness at kelangan mo nang pakainin ng ilang beses para lang mabusog. pero kahit na virtual pet lamang ito, nakakaadik din ang pagaalaga ng tama. naalala ko tuloy ung kanta ng Eraserheads na ‘Tamagotchi Baby’..
automatic lover you’re my techno lust
addicted to your love like magic dust
ecstatic little plastic drives me off the wall
push the right buttons remote control
binibigyan daw ng sense of responsibility ang may-ari nito. oo nga naman, sobrang ubos kasi talaga ang oras mo sa pagaalaga nito. kapag kasi hindi mo ito naalagaan ng maayos, pwede itong mamatay o di kaya’y lumayas sabi ng kapatid ko.
ako: eh pano kung mamatay ito? pwede namang ireset na lang diba?
mina: ate, hindi pwede. 6th generation na yang tamagotchi ko.
ako: so?
mina: ate, so ka dyan! paghihirapan ko na naman un. WAG MONG PAPATAYIN YANG TAMAGOCHI KO! *sabay titig ng masama*
ako: *tameme*
*beep*
hindi ko alam kung hanggang kelan ko aalagaan tong tamagotchi ng kapatid ko. siguro hangga’t sa magsawa na lang sya.
*beep*
hmm, ok naman magalaga ng tamagotchi, nakakatuwang panooring lumalaki ung alaga mo. nagkakaroon ka ng bonding, kahit na virtual pet lamang ito. napapamahal na rin sya eventually sayo..
pero kung, wala ka nang ibang magawa dahil kelangan mo nang alagaan…
*beep beep*
at maingay na, tulad ngayon..
*beep*
ewan ko lang kung matuwa ka pa.












