tamagotchi baby

Add comments September 8, 2008 » 556 days ago
blabbers, gadget and stuff

nung isang linggo, may inipit na note ang aking kapatid na babae sa aking bag.

ate, pakialagaan naman ito please. 7am sya gumigising, dapat lagi syang masaya at saka wag mong gugutumin. wag mo ring sosobrahan ang pagpapakain. may training sya ng 10am, 12nn at 4pm. salamat.

– mim

hawak ko sa isang kamay ang papel habang sa kabila nama’y hawak ko ang tamagotchi nya. im officially tamagotchi-sitting. masaya ito.

bumili kami ng tig-isang tamagotchi ilang linggo bago magpasukan, dahil sale ito sa isang toystore. dapat eh para sa kanya lang, pero ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote ko’t pati ako’y naengganyong bumili na rin. pagkauwing-pagkauwi namin, binuksan kaagad nya ang kanyang tama at kinalikot ito kaagad. ako? inilagay ko ung akin sa aking bookshelf at binuksan ang laptop. hanggang ngayo’y di ko pa rin nabubuksan ang tamagotchi ko.

isang linggo ko nang dinadala ang tama ng kapatid ko. isang linggo na rin akong naririndi sa pagbeep nito sa tuwing nagugutom, kelangan ng kalaro, o jumejebs. sa tuwing tinitingnan ko ang maliit na screen ay di ko pa rin malaman kung bakit dito ito napapagod sa kakatalon, kaya rin siguro gutom ito parati. demanding sa oras at panahon ang tamagotchi. isang oras lang na di mo ito pansinin, mababawasan na ang kanyang happiness at kelangan mo nang pakainin ng ilang beses para lang mabusog. pero kahit na virtual pet lamang ito, nakakaadik din ang pagaalaga ng tama. naalala ko tuloy ung kanta ng Eraserheads na ‘Tamagotchi Baby’..

automatic lover you’re my techno lust
addicted to your love like magic dust
ecstatic little plastic drives me off the wall
push the right buttons remote control

binibigyan daw ng sense of responsibility ang may-ari nito. oo nga naman, sobrang ubos kasi talaga ang oras mo sa pagaalaga nito. kapag kasi hindi mo ito naalagaan ng maayos, pwede itong mamatay o di kaya’y lumayas sabi ng kapatid ko.

ako: eh pano kung mamatay ito? pwede namang ireset na lang diba?
mina: ate, hindi pwede. 6th generation na yang tamagotchi ko.
ako: so?
mina: ate, so ka dyan! paghihirapan ko na naman un. WAG MONG PAPATAYIN YANG TAMAGOCHI KO! *sabay titig ng masama*
ako: *tameme*

*beep*

hindi ko alam kung hanggang kelan ko aalagaan tong tamagotchi ng kapatid ko. siguro hangga’t sa magsawa na lang sya.

*beep*

hmm, ok naman magalaga ng tamagotchi, nakakatuwang panooring lumalaki ung alaga mo. nagkakaroon ka ng bonding, kahit na virtual pet lamang ito. napapamahal na rin sya eventually sayo..

pero kung, wala ka nang ibang magawa dahil kelangan mo nang alagaan…

*beep beep*

at maingay na, tulad ngayon..

*beep*

ewan ko lang kung matuwa ka pa.

Mga Kahalintulad na Posts



8 Responses to “ tamagotchi baby ”

  • jiMboy says:

    Kairita yan. Though natuwa aku dati nung naglaru aku niyan nung una, nung tumagal medyo hindi na hahahah. sobrang love mu kapatid mo noh? sweet nu eh hahha :D

    nakakasawa rin diba? hehehe, ung tipong gusto mo na lang patayin para ayos na.. hhehe, sama! :P
    love ko kapatid ko? panong di ko aalagaan, eh kukulitin at kukulitin ako nun hanggat sa wala akong magagawa kundi ang pumayag.. :D

  • Lex says:

    Nkakainis na yan katagalan. Leche yang tamagochi na yan! whahaha sama ba? la lang. ganyan din kz lil sis ko dati, yung, dead ang tamagochi nya, inyakan pa. tskk…

    hala. parang ayoko atang patayin ung tamagotchi ng kapatid ko.. :|
    baka magpabili sa akin ng bago.. hehehe..

  • hachi says:

    hehehe. mukang naasar ka na dyan sa tamagochi ah. naeng-ganyo pa naman ako bumili nung una. after ko mabasa lahat ng post mo parang nag-back out na ko. haha

    hala, hehe.. ok namang magalaga ng tamagotchi hachi. :D un nga lang, kelangang pagtuunan mo talaga ng pansin. :D

  • yeye says:

    ako di ko pa natry magtamagochi kaya ayun. di ko lam kung masaya ba yan o ano. ehehehe

    lagot ka sa sis mo alagaan mo yang mabuti :)

    lagot talaga ako tol.. :| hehehe.

  • Noime says:

    Jusko. Naadik din ako jan nung kasagsagang ng elementary days ko. gustong gusto ko yung baby ang nakalagay. haha. kinukumutan ko pa yung mismong tamagotchi ko nun. adik. hehe.

    hehhe, grabe, pareho kau ng kapatid ko.. :| teka noi, kung elementary ka, ibig sabihin… syet ang tanda ko na talaga.. hahaha. :P

  • FINCH says:

    “walang tamagotchi na hinde nakakaadik!!” — bayani fernando

    haha

    LOL. yan na ata ang pinaka may sense na sinabi ni fernando.. :P

  • vanny says:

    sissy!!! musta ka na?
    missyou! tagal nateng di nakapag usap.. =(

    musta c tamagochi? hehehe. labyu sis! muahmuah.

    ingat kaw lagi jan.. :p

    waaaaa.. miss you too sissy. grabe, kamusta ka na??

    c tamagotchi ba? aun, buhay pa naman. =)

    ingat ka dun dyan sissy.. para di ka na magkasakit.. :*

  • rio says:

    hahaha…naalala ko yang tamagochi days d2 sa pinas nuon…na weweirduhan akong laruin yan..pakakainin, papaliguan tapos lalaruin….yung ganyang ng kapatid ko…pinatay ko..hehehe….pinagod ko sa pag eexercise, hindi ko pinapaliguan at inoover feeding ko…sama ko noh??paano hindi ko gagawin yun..pinababayaan na nya yung aso naming si roger, mas inuuna pa nya yung virtual pet nya…hehehe

    hahaha. eh kung mas uunahin pa ang virtual pet kesa sa totoong alaga eh, iba na yan ate..

    magawa nga rin yan.. hahahaha.. *bad*

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.