walang humpay na ligaya.

naalala mo siguro ang litratong ito. :) nasa La Mesa Ecopark tayong dalawa. hawak mo ang iyong camera at sa bawat pagkakataon ata na pwede, eh kukuhanan mo ako ng litrato. ang kulit mo, di ako makapalag sayo.
Gusto na talaga kitang makita =) Naisip ko, kung hanggang june e masaya pa rin tayo kahit sa ganito lang, siguro kung magkasama tayo, magiging masaya habambuhay *yakap*
– arvin, Feb. 9, ’08
nagsimula ang lahat sa sulat sa post-it note, na naisulat ko dahil sa pagkanta mo ng Tuyo ng Damdamin. September pala un, halos isang taon na. di pa man kita nakikita ng personal, alam ko nang ikaw ang tunay kong ligaya. mula noon, hanggang ngayon, you never fail to make me smile. :* swerte talaga. sobra. :)
magkalayo man tayo ngayon, at kahit na sobrang miss na natin ang isa’t-isa, alam kong darating din ang panahon na makakasama na kita. at tuluyan na talaga tayong magiging masaya habambuhay. :)




